Chapter 5 : Mall
*******************************
[Venice's Point of View]
"Okay ka na?" Tumango ako. Nandito nga pala kami sa Mall. Dinala daw ba ako dito? >.<
"Sila Marie?" Si Elize kasi kasama ko.
"Nasa Timezone. Gusto mo pumunta dun?" Umiling ako. Nandito kasi kami sa Vanilla Cupcake Bakery. Kumakain ng Cupcake.. Pag malungkot kasi ako Cupcake lang ang katapat ko at alam ni Elize yun kaya niya ako dinala dito kesa sa Timezone.
"Gusto ko pa." I fake pouted. Ang bigat pa rin ng pakiramdam ko pero pinipilit kong bumalik sa normal.
"Ha? Venice naman. Pangilan na ba yan? 3? 4? 5?"
"Dali na!" I whined.
"Fine. Ano gusto mo?"
"Red Velvet."
"Okay. Dyan ka lang ha?" Tumango naman ako.
Maya maya bumalik na rin si Elize with my Red Velvet Cupcake.. Yummy!
"Ang takaw mo talaga." tawa tawang sabi ni Elize. Nginitian ko siya. Cupcake eh! Di ko uurungan! :P
*Tell me, did you fall for a shooting star
One without a permanent scar
And did you miss me while you were looking for yourself out there*
Napatingin ako sa phone ko..
Caling..
Bestiee Demi
"Hello?"
(Venice. Saan kayo?)
"Sa Vanilla Cupcake Bakery. Why?"
(Punta na kami dyan. Bye.)
Binalik ko na yung phone ko sa bag.
"Sino yun?"
"Si Demi. Pupunta daw sila."
"Ah." Tumango na lang si Elize.
Maya maya dumating na rin sila..
"Takaw mo talaga sa Cupcake." - Marie
