Chapter 7 : Enchanted Kingdom
****************************
[Venice' Point of View]
"Wake uppppppp!" sigaw ko sa mga bruha. Saturday ngayon at balak ko maggala. Saan? Mage-EK kamiiii~
"Ugh. 5 more minutes please." nakapikit na sabi ni Marie. Antukin talaga tong babaeng to!
"I said.. WAKE UP!" sigaw ko ulit. Tumayo naman na si Shayne at Demi.
"Ano ba meron?" nakapikit na tanong ni Elize.
"Pupunta tayong EK. Kaya tumayo na kayo dyan or else kakalakadin ko kayo sa banyo!" at bigla naman silang tumayo.
"Oo na!" Tamo to! Kelangan pa talagang bantaan bago tumayo.
"Mauna ka na Shayne. Magluluto muna ako." bumaba na ko para magluto ng Bacon and Eggs. Dun na lang kami magl-lunch.
Inayos ko na yung mga plato at nilagay yung Hot Choco na ginawa ko. Umakyat na ko sa taas.
"Sino na sunod?" nakabihis na kasi si Shayne at Demi. Meron naman silang mga damit dito sa bahay. Meron silang sariling closet dito kaya wala nang problema pag nagsleepover.
"Si Marie." Nasa banyo na si Elize panigurado.
"May pagkain na dun sa baba. Sabay sabay na tayong kakain kaya hintayan muna." Natapos na rin si Elize at sumunod na rin si Marie sunod ako at huli si Rina.
Sabay sabay na kaming kumain at si Elize na rin nagprisinta na maghugas ng pinagkainan. Wala si Mama nasa Japan kasama si Kuya. Malay ko ano gagawin nila dun basta na lang sila umalis last week. Oh well.
"Tara na." tumango naman sila. Ako na nagdrive medyo malayo rin kami sa Enchanted kaya medyo natagalan.
Nakarating rin kami agad sa Enchanted Kingdom. Medyo mahaba pila kaya medyo natagalan ang pagpasok.
"Saan tayo una?" tanong ni Marie.
"Sabi nila maganda daw pag una sa Flying Fiesta." - Shayne. At yun nga dun kami pumunta. Medyo mahaba pila pero mabilis naman kasi marami yung seats.
Magkatabi kami ni Demi dun sa double ang upuan.
"Ngayon na lang tayo ulit nakapunta dito." - Demi
"Malayo kasi." tumawa na lang siya at natapos ang ride. Tawa nga kami kasi nahulog yung dollshoes ni Marie.
