Chapter 1

6.6K 53 3
                                    

June 16, 2016 (Thursday)
6:00 AM

♫♫"Look into my eyes, you will see, what you mean to me. Search your heart, search your soul, and when you find me there you'll search..."♫

Pikit mata kong kinakapa ang cellphone sa ilalim ng aking unan para i-off yung alarm.

Tumayo na ako sa aking kama at lumapit muna sa mahabang salamin na nakasabit sa dingding ng aking kwarto.

"Ang gwapo ko talaga!" turan ko sa sarili.

Kinuha ko na ngayon ang tuwalya at pumasok na sa banyo.

Nagsimula na akong maligo. Konting shampoo, konting kuskos, sipilyo, kasi kami namang mga lalaki ay mabilis lang maligo. Hindi tulad ng mga babae na umaabot ng trenta minutos. Grabe, 'di ba? Ano bang ginagawa nila sa loob ng banyo?

Pagkalabas ko ng banyo, inilagay ko yung tuwalya sa baywang ko at humarap uli sa salamin. Kitang kita ang 6-pack abs ko grabe. Hindi nga lang ako kaputian gaya ng mga artista sa TV pero pilipinong-pilipino naman ang kulay ko, moreno ba. 5'7 ang height ko, matangos ang ilong, mapungay ang mga mata na akala mo nagpapacute lagi, kissable lips, sino ba namang hindi magkakagusto sa akin? Pero sorry sila, loyal 'to kay Andrea!

"Kuya Jayson?" tawag sa akin ng kapatid ko sa labas ng kwarto.

"Saglit lang." sabi ko rito habang nagsusuot ng pantalon pang eskwelahan.

Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Jayda.

"Kuya, mag almusal na daw po tayo sabi ni Mama." turan nito.

"Sigi, Jayda, susunod na ako. Salamat." huli kong sabi bago isara uli ang pinto.

Si Jayda, ang nakababata kong kapatid. Maganda 'yan, sweet, 12 yrs. old na pero pabebe pa rin. Madami ring admirers itong kapatid ko. Ang ganda lang talaga ng lahi namin, 'no?

Ako pala si Jayson Ocampo. Panganay ako at si Jayda na ang bunso, dalawa lang kaming magkapatid. 18 yrs. old palang ako at isang taon palang simula ng mamatay si Papa kaya si Mama na lang ang gumagawa ng lahat sa karinderya para makapagtapos lang kami ng pag-aaral. Dahil ako ang panganay, over-protective ako sa pamilya ko, gagawin ko ang lahat, 'wag lang sila masaktan.

Tuyo na ang aking buhok kaya nag man bun na ako ng hairstyle. Pagkababa ko, naabutan ko na nakaupo na sina Mama at Jayda at mukhang ako nalang talaga ang hinihintay.

"Sorry na Jayda, Ma. Alam niyo naman, gwapo lang." anang ko.

"Loko ka talaga anak, halika na dito, kumain na tayo." natatawang sabi ni Mama.

Nagsimula na kaming kumain ng magsalita si Mama.

"Ang hirap ng wala ang Papa niyo."

"Ma, pasensya na. Kapag umuuwi lang kami galing sa school nakatutulong sayo." sabi ni Jayda.

"Kami na nga lang kasi tatao ni Jayda sa weekends, day-off mo na 'yun, Ma." turan ko rito.

"Ayaw ko naman anak, may mga assignments at projects din kayo. Naalala ko lang ang Papa niyo, parang ang bilis kasi, eh." malungkot na sabi nito.

"Ma, nandito pa naman kami." anang ni Jayda.

"Huwag niyo akong iiwan mga anak, ha? Hindi ko na kakayanin."

Napansin kong namumugto na ang mga mata ni Mama at Jayda kaya sumingit na ako sa usapan.

"Ano ka ba, Ma! Ipagpapatayo pa kita ng restaurant! Ang sarap niyo kayang magluto! Kaya madami rin tayong suki sa karinderya, eh! At si Jayda, ako kaya ang magiging President ng Fans Club niya! Ako ang maghahatid sa mga tapings at photoshoots niya. Ako ang pinakamalakas na magche-cheer sa kapatid ko sa mga interviews niya sa tv! Kaya 'wag kang mag-alala 'Ma, ako bahala sa inyo ni Jayda! Pangako 'yan!" mahaba kong turan.

Everything I Do, I Do It For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon