Chapter 2

3.1K 26 2
                                    

June 17, 2016 (Friday)
6:01 AM

♫♫"Don't tell me it's not worth tryin' for, you can't tell me, it's not worth dyin' for, you know it's..."♫

Pikit mata kong kinakapa ang cellphone sa ilalim ng aking unan para i-off yung alarm.

Napaupo muna ako sa gilid ng aking kama, nakatitig sa wallpaper ng aking cellphone.

"See you later, hon!"

Nagsimula na akong maligo para maaga ko na ring masundo si Andrea sa kanila.

"Kuya Jayson?" tawag sa akin ng kapatid ko sa labas ng kwarto.

"Sigi, Jayda, pababa na!" anang ko rito.

Hindi ko na pinagbuksan si Jayda ng pinto kasi kalalabas ko lang din naman ng banyo no'n. Nagmadali nalang din ako sa pagbihis at baka kanina pa ako hinihintay nila Mama.

Habang bumababa ako sa hagdanan ay nag-sorry na ako kina Mama.

"Ma, Jayda, sorry na, alam niyo na, gwapo lang." sabi ko sa kanila.

"Paulit-ulit, Kuya? Wala ka na bang bagong joke diyan?"

"Grabe ka, Jayda! Mama, oh!" ginulo ko muna ang buhok niya bago ako umupo.

"Kumain na kayo, lumalamig na ang pagkain." saway sa amin ni Mama.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay nagsabi ako na kung pwede ay dito maghapunan si Andrea sa bahay. Birthday niya kasi ngayon.

"Okay lang ba, Ma? Kahit 'wag niyo na ako muna bigyan ng baon. Para pang handa lang mamaya."

"Wala namang problema sa akin 'yon, Jayson. Sigi maghahanda ako. Chicken at spaghetti lang, ha?"

"Waaaaaa Mama the best ka talaga!" niyakap ko siya ng mahigpit at nag-kiss ako sa pisngi niya.

"Ano ka ba, 'nak, para sayo. Mahal ko kayo ni Jayda." malambing nitong sabi.

"Thank you, Ma." ngumiti ako kay Mama at ngumiti rin siya sa akin.

"Kuya, pahingi ako ng Chicken, ha?"

"Isa lang Jayda tapos tama na, ha?"

"Mama, oh! Ang damot ni Kuya!" anang nito na akala mo paiyak na.

At sabay-sabay kaming nagtawanan.

----------

Umalis na ako ng bahay at sinundo na si Andrea sa kanila, nakikita ko na siyang nakatingin dito kaya kumaway ako. Tumakbo na ako at baka kanina pa siya naghihintay sa akin sa labas.

"Kanina ka pa ba dito?" tanong ko agad sa kanya.

"Hindi naman, hon. Kalalabas ko lang din." sagot niya sa akin.

"Happy Birthday, hon!" todo ngiti na kita ang mga mapuputi kong ngipin.

"Hahaha thank you." at kiniss niya ako sa pisngi.

Nagsimula na kaming maglakad papuntang school ng magkahawak ang mga kamay.

"Hon, sa bahay pala tayo mag dinner mamaya, okay lang ba? Maghahanda kasi si Mama ng chicken spaghetti." sabi ko rito.

"Sigi, hon, paalam lang ako kina Mama at Papa."

"Sigi, hon."

----------

"Class, maaga ang dismissal dahil may meeting ang teachers for Foundation Week."

"Ayun! Makakagala pa!"
"Omo! May foundation day pala tayo!"
"Omo! Mukha kang unggoy kaka omo!

Kung ano-ano ang naririnig ko sa mga classmates ko pagkatapos i-announce ni Ma'am Macalintal na maaga kami idi-dismiss.

"Andrea, saan mo gusto pumunta? Maaga pa naman." turan ko.

"Mag perya nalang tayo, hon? Sakay tayo sa mga rides?" at sumilay ang nakaloloko niyang ngiti.

"Andrea, sinasabi ko talaga sayo, ayaw kong sumakay sa ferris wheel na 'yan, ha! Hindi talaga! Huwag kang magpa-cute diyan kasi hindi tatalab sa akin 'yan!" madiin ko pang sabi.

----------

"ANDREAAAAAAAAA UMIIKOT NA ANG FERRIS WHEELLLLLLLL!"

Tumatawa lang siya habang ako ito nahihilo na kasi paakyat na uli ang ferris wheel.

"Jayson, ano ba parang wala lang naman, eh! Hahahahahahaha!" natatawa nitong turan.

"ANDREA BUMIBILIS ANG FERRIS WHEELLLLLLL!"

"Hahahahaha! Ewan ko sayo, hon!"

Natapos ang ride na umiikot parin ang mundo ko, at itong katabi ko ay kanina pa tumatawa. Nabaliw na ang girlfriend ko hay nako!

"Hon, thank you." sabi nito sabay kiss sa akin sa pisngi.

"I love you, hon! Happy Birthday!" bati ko at niyakap ko siya.

"I love you, too, hon! Thank you!" kahit nakayakap ako sa kanya ay alam ko na nakangiti siya.

"Andrea, laro tayo 'don!" tinuro ko yung booth na may mga bote tapos may nagbabato ng mga rings at kailangan mai-shoot sa bote.

Lumapit na kami sa booth at tinuro ni Andrea yung isang malaking stuffed toy na baboy.

"Hon, gusto ko no'n! Kunin mo." at 'yan na naman ang nguso ng girlfriend ko.

"Ako bahala, Andrea! Shoot ko 'yan! Kiss mo muna 'ko." anang ko sa kanya.

"JAYSONNNNN! Mamaya na." nahihiya nitong sabi.

"Promise yan, ha?"

"Promise, hon."

"Oh, sige! Ate!" tinawag ko si ate na nagbabantay. "Magkano po per game?" tanong ko rito.

"₱50.00 po for 5 rings."

"Sigi po, ₱50.00."

Inabot na sa akin ni ate yung mga malilit na rings at nagsimula ng maghagis.

"Andrea, manuod ka, watch me whip!"

"Ewan ko sayo, Jayson!" natatawa nitong sabi.

Sa una kong hagis, sumablay agad agad!

"Ang lakas kasi ng hangin, hon, eh!" angil ko.

"Oo nalang!"

Sa pangalawa kong hagis, sumablay na naman!

"Hon, parang may bumangga kasi sa akin."

"Oo nalang!" anang nito sa akin.

Sa ikatlo kong try, sablay na naman!

"Hon, ginulo kasi ako ni ate!"

"Jayson, ang layo ni ate sa atin!"

Hindi ko nalang pinansin si Andrea at sinimulan ko ng ihagis ang pang apat na bwiset na bilog na ito. Pinikit ko na ang kaliwa kong mata para sure win na. Sa pang apat kong subok ay sumablay na naman ako.

"Hon, nahihilo pa rin ata ako dahil sa Ferris Wheel."

"Hindi mo ako love." mahina nitong sabi.

"Last na talaga, hon." at bigla ko rin tinawag si ate. "Ate, pababa na nung stuffed toy na baboy! Sure win na 'to talaga, eh!" at tinawanan lang talaga ako ni ate!

Nag inhale exhale ako. Nagpa pogi na ako dito sa huling ring na hawak ko, binulungan ko pa nga ito na, "Kapag hindi ka nag shoot sa bote, babaliin talaga kita." Pagkatapos ng maraming seremonyas ay hinagis ko na ang ring at nakita kong nagpa ikot-ikot pa ito sa bunganga ng bote bago ito tuluyang ma-shoot!

"WAAAAAAAAAA! HONNNNNNN! KITA MO 'YON?" Nagulat ako at bigla niya akong niyakap. "Thank you, hon!" sabi niya sa akin.

"ATE, ANG BABOY! IBABA NA YAN!"

Everything I Do, I Do It For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon