Chapter 3

2.6K 28 3
                                    

June 18, 2016 (Saturday)
7:01 AM

♫♫"Look into your heart,  you will find. There's nothin' there to hide. Take me as I am, take my life, I would give it all, I would..."♫

Pikit mata kong kinakapa ang cellphone sa ilalim ng aking unan para i-off yung alarm.

Walang pasok pero nag-alarm pa rin ako. Hindi rin pala kami natuloy mag hapunan ni Andrea dito sa bahay kasi sumakit ang ulo ko at kailangan ko munang magpahinga. Naintindihan niya naman ako at humingi siya ng sorry sa akin dahil sa kagustuhan niya na mag ferris wheel kami ay gano'n ang nangyari sa akin. Sinabi ko naman na para sa kanya ay gagawin ko ang lahat.

Maayos na ang pakiramdam ko ngayon, nagpahinga lang ako, uminom ng maraming tubig at nawala naman na ang sakit ng ulo ko. Ni hindi rin nabawasan ang kagwapuhan ko. Walang dapat na alalahanin.

Bumababa na ako at nakita ko si Mama na nagluluto ng uulamin ata namin sa tanghalian.

"Ma, ano 'yan?" tanong ko rito.

"Oh anak, maayos na ba ang pakiramdam mo?" anang nito sa akin.

"Opo, Ma. Maayos na ang pakiramdam ko. Gwapo ko pa rin, 'no?"

"Mukhang magaling ka na nga. Ah, Jayson, tikman mo nga itong adobo kung pwede na."

Kumuha ako ng kutsarita at kumuha ng kaunting sabaw.

"Ang sarap mo talaga magluto, Ma. May pa pinya kapa sa adobo mo, ha!"

"Syempre naman, 'nak. Nga pala, lulutuin ko na yung manok at spaghetti mamaya, 'no? Tuloy na ba kayo ngayon dito?"

"Opo, Ma. May pupuntahan lang po kami saglit ni Andrea. Uwi rin po kami ng mga 6:00 PM."

"Sigi, 'nak. Mag-ingat kayo, ha?" at niyakap ko si Mama ng mahigpit.

----------

Tinawagan ko si Andrea na sunduin ko siya ng 9:00 AM at may pupuntahan kami at magdala siya ng pang swimming.

Pagtapos kong mag-ayos at mag-dala ng pwedeng dalhin sa resort ay umalis na ako ng bahay.

Nakikita ko na sa tapat ng bahay nila si Andrea at naka damit na kita yung balikat niya, shorts na maiksi, puting sapatos na pang #couplegoals namin, buhok niyang nakalugay at backpack na pambata na may design na Cinderella.

At ng makalapit ako sa kanya, binigyan niya ako ng isang mahigpit na yakap.

Nagtaka ako. "Hon, bakit? Nagwapuhan ka na naman ba sa akin?"

Humiwalay siya ng yakap at bigla akong mahinang pinalo sa balikat.

"Ewan ko sayo, Jayson! Maayos na ba ang pakiramdam mo? Sorry, hon. Pinilit pa kasi kita sa rides."

"Okay lang, hon, para sayo. Lakad na tayo tsaka akin na 'yang bag mo ako na ang magdadala."

"Hon, 'wag na. Si Cinderella yung design, eh!"

"Ano naman? Pangarap ko kayang maging Disney princess." ngumuso rin ako gaya ng lagi niyang ginagawa.

"JAYSONNNNNNNNNNNN!" at sabay kaming nagtawanan.

----------

"Welcome to Batangas." sabi ng matandang babae sa kabilang upuan na nakatingin sa labas ng bus.

Tumingin ako sa relong pambisig ko at mahigit dalawang oras na rin pala kaming bumabyahe.

"May mga Tambo ba diyan?" sigaw ng konduktor.

"Boss, meron!" taas kamay ko pang sabi.

Pagbaba namin sa Tambo ay sumakay na kami ni Andrea ng jeep pa Lipa palengke. Limang minuto lang ay narating na namin ang palengke. Bumili na kami ng bigas, hotdog, mantika, paper plates, plastic spoon and fork na para sa aming dalawa.

Everything I Do, I Do It For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon