CHAPTER 3: Si Astig!

2K 77 11
                                    

Bigla akong nagising sa ring ng aking alarm clock. Nang tingnan ko ang orasan ay eksaktong ala-sais na pala ng umaga. Bigla akong bumangon at nag-unat pa hanggang sa maalala ko na day off ko pala ngayon. Napansin ko sa labas ng aking bintana si mamita, dala-dala ang isang box ng mga retro sunglasses na nabili ko pa sa antique shop. Akmang ibibigay na sana ni mamita sa mamang basurero ang box na hawak nito. 

Nagmamadali akong bumaba ng aking kuwarto. Agad na pinuntahan ko si mamita sa labas at sabay sigaw nang " Naku, mamita huwag po!" Biglang napalingon sa akin si mamita at ang mamang basurero. 

" Ano ka ba Cynthia? Ginulat mo ako!"  Sabi ni mamita habang nanlalaki ang mga mata at biglang napahawak sa kaniyang dibdib. "Anong drama mo hija at naghi-hysteria ka diyan?" Nagtatakang tanong ni mamita habang hawak-hawak pa rin ang box ng mga retro sunglasses ko. 

" Eh, mamita naman. Huwag nyo pong itapon ang mga iyan. Isinusuot ko pa po iyan." Nagmamakaawang sabi ko. 

" Ah, ganoon ba? Ay sorry hija, akala ko kasi itatapon mo na ang mga ito. Nakita ko kasi ito sa labas ng garahe." Nagtatakang sabi ni mamita. 

Bigla namang sumabat si mamang basurero. " Akin na po 'yan at nang mailagay na sa truck." Nangingising sabi ng mamang basurero. 

Agad ko naman itong sinagot, " Ah este, excuse me kuya! Narinig mo naman po 'yung usapan namin ni mamita ko 'di po ba? Hindi po ito basura kaya hindi po namin itatapon ang mga ito!" Nangingisi kong sabi sa kaniya. Agad namang nagmasungit si mamang basurero. 

" Eh, ayun naman pala, eh! You're just wasting my time. Makaalis na nga!" Sabay talikod ng mamang basurero sa amin ni mamita. 

Biglang nagpintig ang aking tainga at sinagot si mamang basurero, " Hoy! Ang taray ng peg,ha? FYI! Hindi bagay sa iyo ang magmasungit at may pa-english english pa ito, tse!" Bigla akong pinigilan ni mamita at niyaya nang pumasok ng bahay. 

Natatawa na lang si mamita sa akin. "Ay naku Cynthia, hija. Hindi ko alam kung saan kita ipinaglihi."

Habang kumakain kami ni mamita ng breakfast biglang may nag-doorbell. " Ding-dong! Ding-dong!" Biglang nagulat si mamita. " Cynthia, paki check nga kung sino iyon?" Sabi ni mamita habang hinahalo ang mainit at malapot na champorado sa kaniyang mangkok. 

Agad akong pumunta sa pintuan. Sumilip ako sa butas ng pinto para alamin kung sino ang taong nagdo-doorbell sa labas. Napansin ko ang logo ng sombrero ng lalaking nagdo-doorbell. Agad akong natuwa at binuksan ang pinto. Isa na namang delivery mula sa inorder kong vintage jewelry box sa online shopping.

 "Good morning mam, delivery po." Pambungad na bati sa akin ng magalang at nakangiting delivery man.

 " Eto na ba 'yung order kong vintage jewelry box?" Excited na tanong ko. 

" Opo, mam. Pakipirmahan na lang po ito." Sabi ng delivery man. 

Agad na ibinigay sa akin ang isang package kung saan nakalagay sa loob ang vintage jewelry box. 

Dali-dali akong  pumunta sa sala at ipinatong ang package sa ibabaw ng lamesa. Nagmamadali kong binuksan ito at tumambad sa akin ang napakagandang jewelry box na nagmula pa sa panahon ng 20th century. 

Napansin ko si mamita na nakatunghad sa akin at napapailing na naman. " Hija, ano na naman 'yan? Nuong isang araw may nag deliver ng grand piano dito. Kagabi mayroon kang dala-dalang mga lumang plaka at ngayon naman may nag-deliver sa iyo ng jewelry box. Cynthia, hija anong balak mong gawin sa ating bahay? Gawing antique shop?" Naiinis na sabi ni mamita habang naka-ismid  sa akin at nakapamewang pa ito. 

" Eh mamita naman, alam niyo naman po na ito lang naman ang kaligayan ko sa buhay." Sabi  ko kay mamita habang hinihimas-himas ng aking kamay ang bago kong inorder na vintage jewelry box. 

" Hay nako, hija. Kailan ka ba magsasawa sa mga caprichohan mo?" Napapailing na sabi ni mamita habang napapahawak sa kaniyang nuo. 

" Mamita naman, ayaw mo po ba akong lumigaya?" Sabi ko kay mamita habang nagpapaawa effect pa ako sa kaniya.

 "Cynthia, sino bang magulang ang ayaw na lumigaya ang kaniyang anak? Ang sa akin lang naman, hinay-hinay lang sa pagbili ng mga bagay na alam mo namang hindi mo talaga kailangan." Malumanay na pangaral ni mamita sa akin. Wala na akong nagawa kungdi makinig sa pangaral na minahal kong mamita.

Habang nasa kalagitnaan ng pangangaral sa akin ni mamita. Bigla na namang tumunog ang doorbell. Agad akong tumayo sa pagkakaupo sa sofa set at nagmamadali kong binuksan ang pinto. Nagulat ako nang makita ko si sir Jeff. " Uy, sir Jeff anong ginagawa niyo dito? Day off mo rin po ba?" Nagtatakang tanong ko.

 "Ano ka ba? Wala akong karapatan mag day off 'no?" Nangingising sabi ni sir Jeff. 

Napansin kong may karga siyang shih tzu. " Sir, si Pom Pom po ba 'yan?" Nagtataka kong tanong sa kanya. 

Biglang hinimas nito ang balahibo ng shih tzu. " Cynthia, ano ka ba? Hindi ito si Pom Pom. Aso ito ng kapitbahay ko." Nakangiting sabi ni sir Jeff. 

Lalo tuloy akong nagtaka. " Eh, sir bakit bitbit mo 'yan?" Nagtatakang tanong ko at sabay himas na rin sa balahibo ng aso. 

" Actually bigay ito sa akin ng kapitbahay ko. Magma-migrate na siya sa ibang bansa. Okay na sana itong si Astig sa bahay ko kaya lang inaaway sya ni Pom Pom ko. Nagseselos ba? So naisip ko na ipaampon ko nalang sa iyo si Astig  at nang malibang ka naman nang hindi puro mga old fashion style at retro thing ang nanunuot diyan sa utak mo." Patutsada sa akin ni sir Jeff.

 "Sir kayo talaga, o!" Napapahiyang sabi ko. 

Ngunit biglang binawi ni sir jeff ang mga pinagsasabi niya, "Hoy Cynthia, joke lang iyon ha?! Pero slight lang." Natatawang sabi ni sir Jeff. 

Biglang kumahol si Astig at nagpupumiglas mula sa pagkakayakap ni sir Jeff. Biglang pumulupot sa aking binti si Astig sabay wagayway ng buntot nito. 

Biglang natuwa  si sir Jeff, "Ay, bongga Cynthia! Super like ka ni Astig. Oh! Wow winner! May nanalo na." Nagbibirong sabi ni sir Jeff habang pumapalakpak  at patalun-talon pa ito.

 Agad kong kinarga si Astig at bigla naman nitong dinilaan ang aking pisngi. 

Nagpaalam na si sir Jeff sa akin at pati na rin kay Astig. " O, paano mag fly away na ang peg ko? Astig, magpakabait ka kay mommy Cynthia, ha?" Sabi ni sir Jeff habang muling hinimas-himas ang balahibo nito at saka hinalikan si Astig sa pisngi. Kumahol naman si Astig na animoy naiintindihan ang mga sinasabi sa kaniya ni sir Jeff.

End of Chapter 3

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, things, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

© 2017 Kuya Ronnie Tagumpay

No to Plagiarism!

Everybody have their own unique idea and imagination. There is no room for plagiarism.

PLAGIARISM IS A CRIME!

All rights reserved 2017

All rights reserved. No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by an information storage and retrieval system without permission in writing from the author.  









NANG MULING UMIKOT ANG LUMANG PLAKATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon