Chapter 11: Surprise Party!

1K 51 5
                                    

Patuloy akong kinikilabutan sa boses na aking naririnig sa labas ng bintana. 

" Cynthia!"

 'Cynthia! "

"Cynthia!" 

Sigaw ng boses na tumatawag sa akin sa labas. Pikit mata kong binuksan muli ang aking bintana. Nang imulat ko ang aking mga mata, nakita ang isang babae na nakapasok ang kalahating katawan sa loob ng drum ng basura katabi ng punong kaimito. 

Napansin ko ang suot na sandals ng babae na may cat design sa sapatos nito. 

" OMG! Si Misis Soledad!" Gulat na gulat na sabi ko. 

"Misis Soledad! Ano pong ginagawa nyo diyan?!" Nag aalalang sabi ko. 

" Naku po! mamita! Si Misis Soledad po nasa labas! Mukhang na trap sa drum." Natatarantang sigaw ko. 

Sumilip din si Astig sa bintana at sabay na kumahol.

Nagmamadali akong bumaba ng hagdanan. Sumunod naman agad sa akin si Astig. Patuloy pa rin ang pagbuhos nang malakas na ulan at ihip ng hangin. 

Nang makakababa kami. Nagmamadali kong binuksan ang pinto at agad na lumabas. 

" Misis Soledad! Huwag po kayong mag alala nandiyan na po kami ni Astig." Nag aalalang sigaw ko. 

Hinila ko ang binti ni Misis Soledad habang pumasok naman si Astig sa loob ng drum at hinila nito ang manggas ng blouse ni Misis Soledad. Nang maialis namin ni Astig si Misis Soledad, marahan ko siyang itinayo at inakay patungo sa loob ng bahay namin. 

Nang papalapit na kami sa pinto. Bigla kaming nakarinig nang malakas at nakakabinging kidlat. Nang lumingon ako, kitang-kita ng dalawa kong mga mata nang tamaan ng kidlat ang puno ng kaimito at tuluyang bumagsak mismo sa drum kung saan na trap si Misis Soledad. 

" OMG! Muntik na tayo doonn Astig, ah?" Natutuliro kong sabi nang makita ko ang pagbasak ng  punong kaimito sa drum. 

Panay ang kahol ni Astig na para bang natakot din sa kaniyang nasaksihan.

Nang makapasok kami sa bahay. Sinalubong kami ni mamita at nagmamadaling binalot niya ng tuwalya ang balikat ni Misis Soledad. Kumuha si mamita sa kaniyang closet ng damit at tinulungan niya si Misis Soledad na magpalit ng tuyong damit. 

Pagkabihis ni Misis Soledad, dahan- dahan niya itong pinaupo sa couch. Agad ko namang inabutan si Misis Soledad ng isang tasa nang kumukulong brewed coffee. 

Nang mahimasmasan si Misis Soledad nakita kong muli sa kaniya ang maganda niyang ngiti. 

" Maraming salamat Cynthia at sa aso mong si Astig. Utang na loob ko sa inyo ang aking buhay." Malumanay na sabi ni Misis Soledad. 

Bigla kong hinimas ang balikat niya, "Misis Soledad, wala pong anuman iyon. Ang mga magkakapithabay ay dapat lang po na nagtutulungan at nagdadamayan." Nangingiti kong pahayag sa kaniya.

 " Ah eh, paano po ba kayo napasuot sa loob ng drum ng basura?" Nag aalalang tanong naman ni mamita.  

Humigop muna si Misis Soledad sa tasa ng isang kumukulong brewed coffee. " Magtatapon sana ako ng basura sa drum nang bigla akong tinulak ng humahagupit na hangin. Na out of balance ako kaya nahulog ako sa drum." Nababalisang kuwento ni Misis Soledad. 

Biglang kumahol si Astig nang muling bumalik ang kuryente. Nagliwanag na ang palagid.

Kinaumagahan, napansin kong walang tao sa coffee shop. Nakapagtataka sapagkat first time itong nangyari na mag aalas-otso na ng umaga ay wala pang katau-tao. kinuha ko ang susi ng pinto sa aking shoulder bag. 

NANG MULING UMIKOT ANG LUMANG PLAKATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon