CHAPTER TWO

54 1 0
                                    

Nicnic's P.OV

Nicnic nga pala .. Junior student, Mgaling kumanta, Mgaling sumayaw, Magaling magdrawing, Magaling magluto, Magaling sa lahat! Alam niyo ba kung san lang ako Tanga? Sa Pag-ibig na yan.

Malapit na ako sa School ng may biglang lumapit sa akin na Elementary student at binigyan ako ng isang UNKNOWN LETTER. Di ko masyadong kilala yung bata, pero pagkatapos niyang ibigay sakin yon, Umalis na siya agad..

"PUMUNTA KA SA LIBRARY. BASTA PUMUNTA KA."

Yan yung nakasulat sa papel. Creepy! >_________<  pero Syempre pumunta ako.

@LIBRARY

Bakit sarado lahat ng ilaw? Hello?! May tao ba dito? Ang dilim, halos wala akong makita, kaya binuksan ko yung Ilaw .. at may Red box sa gitna ng sahig, binuksan o yun, at may papel ..

"PUMUNTA KA SA ROOFTOP. KUNG GUSTO MO PA KONG MAABUTAN."

Yan yung nakasulat sa papel. Ang weird! Syempre pumunta agad ako sa rooftop, pero habang umaakyat ako sa rooftop, may sumigaw mula sa taas ..

"NICNIC!! MAHAL NA MAHAL KITA!!"

Alam ko na kung kaninong boses yon, kaya nagmadali akong umakyat..

"Ano bang ginagawa mo dyan!? Bumaba ka nga diyan!!.."

"Mahal na mahal kita!! Please wag ka ng magalit sakin, wag mo kong iwan!!.."

TSSS. Si JM .. Balak magpakamatay..balikan ko lang siya.. Kasi naman eh, gagawa gawa ng ikagagalit ko, tapos  ganto..

"Sige na nic!.. Bumalik ka na sakin .."

Ehh pero kasi nag pinky swear ako kay Err na wag ko ng balikan si Jm..

 "Ano!? Makikipag balikan ka o tatalon ako dito?!! .."

Ano ba yan!  Lumapit ako sa kaniya..

"Oo na!! Bumaba ka na diyan.."

"Yes! Wuhoooh! Sabi na nga ba't di mo ko matitiis eh! .." 

Niyakap niya ako, pero isa lang nasa isip ko non, Mahal na mahal ko pa siya kahit ilang beses niya akong sinasaktan..

——►FAST FORWARD

@Canteen (Nicnic & JM)

"Kanina ka pa tahimik ah?.." -JM

"Wala .. Uhm .. baka kasi may tumawag nanaman sa Cellphone mo tsaka mo ako iwan .." 

"Hindi na .. Hindi na mauulit yon Babe .."

"Mahal mo ba talaga ako?.."

"Oo naman .."

"Magpromise ka sakin na hindi ka na mambababae!.."

"Oo na.. hindi na .."

Ang ikli sumagot .. Pero ayos na din yon ..

Mula sa malayo natatanaw ko si Err, Parang may hinahanap .. Nako lagot .. Dapat hindi niya ako makitang nakikipag usap kay JM ..

"Ahmm.. Jm.. wait lang ah.. See you in next class nalang, may aasikasuhin pa kasi ako eh.."

"Sige.. Take your time babe .."

Umalis na ko, at pinuntahan ko si Err .. Tinakpan ko yung mga mata niya gamit yung dalawa kong kamay ..

"Nic!?.."

"WOW! Nahulaan mo agad?!.."

"Syempre anman .. Knaino pa ba yung malambot at pasmadong kamay?.."

"Grabe ka Err! -__________-"

"Ohh ehh .. San ka ba kasi nagpunta? .."

"Ah ehh.. wala.. sa canteen .."

"Tara muna sa canteen, kain tayong siopao?.."

"Ha?! E wag na.. wag na err.. dun nalang tayo sa Treehouse.."

Teaka.. ngayon mo lang tinanggihan yung siopao ah? .."

Eh... kasi ...."

"May problema ba nic?.."

"Wala no! .. Wala to.."

"Okayyyy?!.."

At pumunta na kami sa Treehouse .. Di ko muna sinabi kay Err na okay na kami ni JM.. Ehh kasi nag pinky swear ako, Royal promise is royal promise.. pero anong ginawa ko? T^T ..

END OF CHAPTER TWO

FALL (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon