Jack Marcelo???

36 5 1
                                    

FELI's POV

<jack marcelo>
Hi Felicity 😃😁

<you>
Sorry taken na ko

<jack Marcelo>
I know don't worry, may balita ka ba kay Jayson?

Kilala nya si babe???
<you>
Kilala mo boyfriend ko?

<jack Marcelo>
Of course, kababata ko yun

<you>
Ahh, wala e, di nga sya nagparamdam ngayon hays 😒

<jack Marcelo>
I have a bad feeling Feli, feeling ko something happened kay Jay

.... futaness kinakabahan ako, what if meron nga, but... do i need to stay positi- uhh nvm, stay positive girl, kaya mo to

<you>
Baka naman may problema or something lang, wag natin isipin nalang na may nangyare sakanya

<jack marcelo>
What if meron talaga

Jack Marcelo is off

.. what if meron nga talaga

Kinakabahan na ko pucha, sino ba yung nakausap ko, bakit parang may alam sya?

Sino si Jack Marcelo???

I viewed his profile.... walang post at all, ang tanging post nya lang ay

Yung profile picture nya na nakatalikod...

Is this a dummy account?

Natulog ako na naguguluhan, asan ka na ba Jayson? Akala ko ba see you tomorrow? Bakit di ka nagpakita ngayon? Ano ba nangyayare sayo? Sino si Jack?

~~~~~~~~~

"Psst....."

Nasaan ako?  Sino yung sumisitsit...

Ang nakikita ko lang ay pintuang pula

"Wag ka papasok dito" bulong, boses batang babae

"Sino ka??"

"Wag ka papasok" umiiyak yung tono nya.

"Bata, asan ka"

Ano ba kasi tong pinto na to?
Lumapit ako dito... kinatok ko ng mahina ang pinto

"AHHH KUYAAAA TAMA NAAA AAHHH"

Yung bata andito sya sa loob!

"Bata?! Anong nangyayare"

"Tama naaaa, kuyaa *sobs* please kuya... AHHHHHHHUHU KUYAAA ARAYYYY"

"BATA!!!"Kinakatok ko ng malakas yung pinto, nagdadabog na ko, anong nangyayare sa loob, anong ginagawa sa bata "please pakiusapp! Anong nangyayare???"

Hinawakan ko ang doorknob, bukas ang pinto

"Wag kang papasok" banggit ng bata, pero.... teka nga, mas matanda ako, bakit ako makikinig sakanya.

Binuksan ko ng dahan-dahan ang pinto

Nakita ko ang batang babae nakayuko, humihikbi, nakaputing damit na gusut-gusot at madumi.

Humakbang ako ng isa "wag kang lalapit"

"Pero, anong nangyare sayo?"

Dummy accountTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon