Soooo ayuuunnn
Sarreh kung pabitin ako HAHAHAHA
ETO NA HAHAHA
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
FELI's POVTinignan ko si Tristan tsaka si Marj, parehong mukhang napapatanong ang mukha nila.
Tinignan ko ulit yung note...
Bakit sa coffee shop?
"Coffee shop? Ano yon? Isang linggo na sya nandun?" Pagputol ni Marj sa katahimikan. Nakakagago talaga to magisip minsan
Bigla kong naalala yung note na sinend ni Jack...
"Hinde... baka, may isa pang note dun" sabi ko... tama, baka may clue duon or something kung nasaan si Jayson
"Anong ibig sabihin mong isa pang note?" Tanong sakin ni Tristan
"Nagsend yung Jack Marcelo sakin ng note na nakita ng papa nya sa lumang bahay nila Jayson... ang sabi "search for him before he die Felicity" baka... ba-baka puzzle to or something..." pagpapaliwanag ko
"Sino ba yang Jack Marcelo na yan?" Naiiritang tanong ni Marj
"Kababata daw ni Jayson"
"Baka naman mamaya sya pala nagpadakip kay Jason ah" sagot ni Tristan...
Sa totoo lang di ko alam kung sino at ano ba talaga si Jack... isa lang alam ko
"Wala akong pake, kailangan ko mahanap si Jayson... di ko kakayanin pag nawala sya"
Bumababa na kami
"Uy Bes, uwi na ko ah? Naghahakot pa ko gamit e"pagpapaalam samin ni Marj
"Sige, ingat" malamig na sabi ko... lutang talaga ako, di ko alam kung ano nangyayare.
Kumaway lang sya kay Tristan at tuluyan nang naglakad palayo
"Ako lang ba nagtataka" biglang sambit ni Tristan "pano sya nagka-unit dito? Sumakto pa na last week, kung kelan nawala din si Jay"
"Anong ibig mo sabihin?"
"Ewan ko, nevermind nalang, di ko lang talaga siguro gusto yung Marj na yan"
"Kaibigan ko si Marj, best friend... alam nya kung gaano kaimportante si Jay sakin, tyaka malabong may kinalaman sya"
••••••••••
Tulala akong umuwi sa bahay.
Bakit si Jay pa? Bakit siya? Bakit kami?
*phone rings*
Babe is calling .....
... ano nanaman to???
*answers phone*
"Hello??"
[ ate wag po please]
" ano nanaman?"
..."Hello?!"
" BATA SUMAGOT KA ANUBA!"
Sigaw ko habang umupo sa sahig at nagdabog "GULONG GULO NA KO" hagulgol ko " SINO KA BA???! BAKIT AKO?!! BAKIT SI JAYSON!!!"[KUYAAAA! TAMA NA PO KUYA HUHU-AAAHHHHHH. Hah kuya masakit ARAY]
" TIGILAN MO NA KO ANO KA BA KASI TALAGA SINO KA BAKIT PAULIT ULIT NALANG!!"
*end call*
Humagulgol ako sa sobrang gulo ng utak ko
"NAK! Anong nangyayare sayo? Bakit ka sumisigaw??" Bungad ni mama nang pumasok sa kwarto ako at nagkandarapa na yakapin ako
"Mama... yung bata, tumawag" sabi ko habang umiiyak padin at sinusubukan punasan ang luha
"Sinong bata??"
"Lagi nya ko ginugulo, sa panaginip, sa tawag, andun sya umiiyak, sinasabi nya lagi 'kuya tama na' tapos lagi nya kong sinasabihang wag papasok" pilit na paliwanag ko kay mama
Tinignan ako ni mama na puno ng awa, alam kong di nya naintindihan
"Nasa panganib si Jay ma" pag putol ko sa katahimikan "hahanapin ko sya kahit abutin ako ng dekada"
Niyakap ako ni mama, pagpaparamdam sakin na naiintindihan nya ang sitwasyon
•••••••
TRISTAN's POVAYOKO TALAGA SA MARJORIE NA YAN
Di ko alam kung bakit pero basta, ayoko sakanya. Iba amoy ko sa babaeng yon, pakiramdam ko may alam sya
Binuksan ko ang laptop ko at nagonline.
Jack Marcelo added you
Ay pota isa pa to
Inaccept ko para malaman kung sino talaga sya[new message : Jack Marcelo]
[ jack: hey]
[you:sino ka?]
[jack: magiingat ka kay Feli]
[you: ha?]
[jack: mapapahamak ka pag sinamahan mo sya, wag ka gagaya kay Marj]
Jack Marcelo is off
.... ano ? Sino ba talaga to?
Tangina naman Jason e, asan ka ba???Feli is calling...
Ano nangyayare?? Bakit kaya napatawag si Feli?
[" may klase ka ba bukas 2pm onwards?"]
"Wala, baket??"
["punta tayo ng cafe"]
End call
... Feli... kung alam mo lang kung gaano ako nagaalala sayo ngayon.
Mapapahamak ka pag sinamahan mo sya
... maniniwala ba ko o hinde
••••••••••••••••••••
A/n:
HI AHAHAHAHHAAHHAHAHAHHAA ALMOST ONE YEAR MYGAHD SORRY LUTANG AKK MYGAS
SORRY KUNG SOBRANGGGG IKLI BUT ILL MAKE SURE NA TATAPUSIN KO TO OKI? SALAMATTTT MUAH
![](https://img.wattpad.com/cover/113312977-288-k954041.jpg)
BINABASA MO ANG
Dummy account
Mystery / ThrillerJack Marcelo added you If you're Felicity Jane Lim. Will you believe a dummy account? E pano kung nasa panganib ang boyfriend mo at tutulungan ka daw nya? Sino nga ba sya? Bakit kailangan mo sya paniwalaan? Bakit ka maniniwala sakanya? Makakatulong...