CHAPTER 5: Thy World

421 42 8
  • Dedicated to Kyn Andrea Sy
                                    

Bago niyo po basahin, pakipindot naman po muna yung star button sa itaas kanang bahagi. Daghang salamat, readers! Magpakilala kayo for compliment. Mag-comment rin kayo, para naman malaman ko kung ano ba ang dapat idagdag o pagandahin sa mga eksena, at kung kulang ba ito. Hehehehe! Huwag kayong mahiya, mabait naman ako e. I Sarang You ALL.

CHAPTER 5: Thy World

AMETHYST

"ISA.. DALAWA.. APAT.. ANIM.."

"DALAWA.. TATLO.. PITO.".

"PUSANGKIRE!" Natatalo na ako, hindi pwede! Kailangang si Daho ang matalo rito para may libreng snack ako later. Siniko siko ko si Daho dahil nag iinit na ang mukha ako, nakakarami na siya.

One of our hobby is to count people na dumadaan sa harapan namin but, may thrill syempre. Kumbaga, hinahaluan pa namin ito ng isang laro. Halimbawa nalang ay itong ginagawa namin ng baliw kong kaibigan.

Nakakatawa talaga, kung ano anong pinaggagawa namin para lang di maboring. Naglagay kami ng white line gamit ang white glue na dala ko sa di kalayuan sa kinauupuan namin. Slanting line siya when we face it ( | ). Nakaupo kasi kami sa silangang bahagi ng linya.

Ngayon, kung sino man ang maglakad don at naunang humakbang ang kanyang kanang paa after the line puntos ko. Pero pag kaliwa puntos ng unggoy na si Daho. Pero mukhang napakalayo na ng agwat ng puntos ni Daho sa akin. Pinagpala siya ngayon ng Diyos.

Nagkita kami ni Daho kanina sa labas ng Gymnasium. Magkababata kami kaya kami close. lagi nalang kaming napagkakamalang lovers kasi daw sweet kami towards each other.

"Paano ba yan? Natatalo ka na? Tara na sa Canteen dun nalang natin hintayin yung mga gago kong kaibigan. Gutom na ko e, at dahil talo ka ililibre mo ako ng stick-o!" pang-aasar na aya sa akin ni Daho. Mabuti nalang at stick-o lang ang hinihingi niya. Na-guilty naman ako kasi pag ako talaga nanalo, magpapalibre ako ng isang medium bowl ng ramen tapos dalawang slurpee at isang sashimi.

Tumayo kami mula sa pagkakaupo namin. Ipinahawak ko sakanya ang shoulder bag ko. Mabigat kasi iyon, ma-huhurt lang ang aking back. Di ko kakayanin.

"AMETHYST!" Sigaw ng isang babae sa di kalayuan. Lumingon naman kami rito upang tingnan kung sino ito. Kumaway kaway pa ito habang ang kanyang buhok ay sumasayaw pa sa ihip ng hangin.

PSYCHONONYMOUS: The Unknown Era (Under Revising)Where stories live. Discover now