CHAPTER 13: In Trouble

272 34 4
                                    

CHAPTER 13: In Trouble

ZYRUS P.O.V

Nang makita ko si Sheeny na naglalakad mula sa di kalayuan ay di na ako nagpaliguy-ligoy pang sundan ito. Mukhang mag-isa lang kasi yata siya at tamang pagkakataon nga naman ito.

Nakaramdam siguro siya na may taong sumusunod sa kanya kung kayat napahinto siya sa paglalakad at luminga-linga sa paligid. Agad naman akong nakapagtago kaya hindi niya ako nakita. napangisi nalang ako sa puntong iyon.

Nagpatuloy ulit siya sa paglalakad at nagpatuloy rin ako sa pagsunod sakanya mula sakanyang likuran. Walang anu-anu'y bigla nalang siyang tumakbo.

Okay fine! Natakot siguro sa akin.

Lumitaw ang isang nakalolokong ideya sa aking isipan. Ang takutin siya. Napangisi ako lalo kasabay ng pagtakbo ko na rin upang sundan siya. Nagtungo siya sa dormitoryo namin dahil ito na ang pinakamalapit sa kanyang tinatahak.

Pumasok siya sa loob at nagtago sa likod ng nakabukas na pintuan.

Tssss. Akala niya siguro di ko siya nakita.

Hinay-hinay akong naglakad patungo sa kanyang kinaroroonan. Sinadya ko talagang huwag gumawa ng anumang ingay para maisagawa ko ang plano ko. Mula pinagtataguan ko ay nakita kong nagpalinga-linga muna siya bago tuluyang lumabas sakanyang lungga. Napapatawa ako sa ideyang gagawin ko sakanyan. nang makalabas na siya ay bigla ko siyang ginulat.

“BULAGA!”

 

 

 

KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA~

Napayuko siya habang yakap yakap ang kanyang sarili. Tsss. Lesheeee. ^^__^^ Magugulatin pala tong babaeng to. Unti-unti siyang nag angat ng mukha at tila nagulat pa ng makita niya ako.

“I-ikaw?”

Nakatawa lang ako sa reaksyon niya.

“Di ko alam na magugulatin ka pala, Sheeny,” 

“Gago! Ginulat mo lang talaga ako!” binatukan niya ako saka ngumit siya. ganon kabilis magbago ang mood neto? “Pasalamat ka, gusto kita”

PSYCHONONYMOUS: The Unknown Era (Under Revising)Where stories live. Discover now