CHAPTER 7: Evil Devil

354 37 11
                                    

CHAPTER 7: Evil Devil

JAMES P.O.V

Nagmumukmok si James sa kanilang silid dahil inaway siya ni Landis kanina sa kanilang classroom. Sinisisi siya nito kung bakit sila na-late, kesyo ang dami daw kasi niyang satsat sa mga pinaggagawa niya. Naalala niya ang dinala niyang dart board at mga darts, hindi pa niya nailalabas ito mula sa kanyang luggage simula nong dumating sila ni Landis sa dorm nila.

Inilabas niya ang mga ito at ipwinesto ang dart board sa may pintuan. Kinuha niya ang mga darts at kanya itong pinakatitigan habang may malalim na iniisip. Naalala niya ang photo album na isinama pala niya sa kanyang mga gamit. Hinanap niya ito sa kanyang mini box na nasa ilalim ng kanyang kama.

Napangiti siya ng makita niya ang hinahanap ng photo album. Binuklat niya ito at napangisi siya. Kinuha niya ang isa sa mga larawang nakalagay dito. Naglakad siya papuntang pintuan at kanyang inilagay sa dart board ang larawang kanyang kinuha sa photo album.

Pumwesto siya mula sa di kalayuan kaharap ng dart board. Tiningnan niya muna ang larawan saka ngumising parang demonyo. Walang anu-anu'y bigla nalang niyang pinagtitira ang larawan gamit ang mga darts.

Napatawa siya ng mapakla ng makita niyang halos di na makilala ang mukha ng nasa larawan.

Ako na naman sinisisi ng Landis na yan! Eh siya na nga tong ang tagal sa ginagawa niya kanina. Hay! Oo nga at na-late kami sa meeting pero buti nalang di naman kami pinagalitan ni Madam President.

Nakakainis talaga yung lalaking yun. --__--

TOK! TOK! TOK! TOK!

Natigilan si James ng may kumatok sa pintuan. Pinakiramdaman niya kung si Landis nga ba ito. Hindi kasi sumabay o sumunod si Landis kanina sa kanya habang papunta sa kanilang dorm room.

"Sino yan?" lumapit ako sa pintuan.

"Tang-ina, Pre! Maka-sino yan ka naman jan parang wala kang room mate a. Buksan mo nga tong pintuan dali," iritadong boses ni Landis ang kanyang narinig sa pagitan ng nakapinid na pintuan.

Syet

! Anjan na ang kulugong na Landis na yan.

Kinuha ko ang dart board na nakasabit sa may pintuan. Dali dali kong itinago ito sa maleta ko. Di na nag-abalang alisin ang mga dart na nakatusok pa sa dart board at yung larawang nasira na dahil sa pagbato ko kanina ng mga darts. 

PSYCHONONYMOUS: The Unknown Era (Under Revising)Where stories live. Discover now