The Beginning Of All

47 2 0
                                    

Nang pasimula, lahat ng mga elemento ay balanse, walang maaaring humigit sa limitadong kapangyarihang ginawa para sa lahat.

Ang gumawa ng mahiwagang kautusang ito ay ang mga natatanging angkan ng mga Sorcerers of Light.

Tanging may dugo lamang ng angkang ito ang may kapangyarihang buwagin ang nasabing kautusan.

Ngunit may ibang paraan upang mapahintulutan ang iba pang uri ng sorcerers na wasakin ang naturang patakaran.

Hindi lahat  ay may alam sa pamamaraang ito. Ito ay ang pagnanakaw ng kapangyarihan sa pumanaw na light sorcerer sa loob ng tatlong araw.

Ito ay maaari lamang maisagawa kung gagawa ng isang ritwal ang pinagsamang lakas ng elemento ng apoy, tubig, lupa at hangin.

Kung ito ay matagumpay na maisasagawa, maaari lamang itong isalin sa isang dark sorcerer .

Dahil sa kadahilanang ito, pinipilit ng mga light sorcerers na mapalapit sa isa't isa ang ang magkabilang lahi: dark sorcerers man o light sorcerers. Ngunit hindi ibig sabihin nito na mababa na ang mga nalalabing mga elemental sorcerers. 

Sapagkat ang mga ito rin ang maaaring makatulong sa mga dark sorcerers upang maipasa ang kapangyarihan ng mga light.

Ngunit isang araw, hindi sinasadyang nakatakas ang ilan sa mga pinaka pinangingilabutang mga sorcerers mula sa Crimson Zone.

Ito ay isa sa pinakasagradong kulangan na pinagtulungang buuin ng mga mabubuting dark at light sorcerers.

Ito ay binubuo ng isang mundong kawalan na naaayon sa disenyong nais ng mga dark sorcerers at ni walang daanan palabas na likha naman ng mga light sorcerers.

Ito ay maaaring ihambing sa langit sa kadahilanang ito ay binubuo ng ulap at wala iba at maaari ding impyerno sapagkat ito ay nababalot ng kadiliman dahilan upang mahirapan ang taong nasa loob nito. At dahil sa iba pang mga lahi: Fire, Water, Earth at Wind sorcerers kasama na rin ang ibang mga sub-elements, ang mga taong nasa loob ng Crimson Zone ay mawawalan ng kapangharihan maliban na lamang kung sila ay pinalaya na o pinakawalan sapagkat sa pahahong makalabas sila ay agad na babalik sa kanila ang naturang elemento na naaayon sa kanila.

Lahat ng mga elemental guardians ay sinubukan pang pigilan ang mga nakatakas ngunit nanumbalik na ang mga kapangyarihan ng mga ito bago pa man nila malaman.

Sa kadahilanang ito, natalo na ng tuluyan ang mga guardians.

May mga nakaligtas na guardians.

At ngayon, hindi alam ng lahat kung kailan magaganap ang pangyayaring matagal na nilang iniiwasan.

Ang giyera na maaaring magdulot ng pagkasira sa buong mundo ng mga sorcerers. The Golden Gate.

Ngayon, ito na ang panahon upang iligtas ang aming bayan...

Sorcerer's TaleWhere stories live. Discover now