Chapter 1: Resealing of the Golden Gate

36 2 0
                                    

The Resealing of the Golden Gate

Third Person's POV:

"Hey, Zan, may balak ka bang pumunta sa Portal?"

"Ay oo nga pala!!", bulalas naman kaagad nito sabay tapos sa kanyang ginagawa.

"Ano yung na-assign sayo ngayon, Xan?", tanong nito sa kanyang kapatid.

"Huwag mong sabihin na hindi ka na naman nakinig noong nag announce kahapon kaya sa'kin ka nakabase kung anong isasagot ko kasi yung hindi ko sinabi sure na kaagad na say-"

"Oo na...oo na",biglang pagputol niya.

Napabuga na lamang ng hangin ang kanyang kapatid.

"Ako sa North Wing..."

"Yes! Am I going to handle the South Wing?" Bulalas niya sa kapatid.

Hindi sya sinagot ng kanyang kapatid na ikinatuwa niya dahil ito ay nangangahulugan lang na tama siya.

"Haha! Hindi na naman ako mahihirapan!" Masayang sambit nito kanyang sarili na ikinangi ng kanyang kapatid.

"Tara na nga..."

Xander's POV:

Hay...minsan iniisip ko kung bakit ko sya naging kakambal,
Minsan hindi ko sya ma gets...

"Aha!",Naistorbo ang ako sa aking mga iniisip dahil sa sigaw ng napakagain kong kakambal.

"Ano ba? Bakit ba sumisigaw?!"

Nagulat ako nang hindi pala ako ang titingnan niya kundi bagay na kinokontrol niya sa taas ng ulo ko.Isang ulap.

"At anong balak mo dyan? Pauulanan mo ba ulit ng tubig? Juice? Gatas? O kung anu ano pa kagaya ng ginawa mo dati?"

Napatitig lang sya sa'kin ng masama sabay tingin sa ulap sa may ulo ko.

Pagtingala ko, nagulat akong may nakasulat sa ulap.

Hay...minsan iniisip ko kung bakit ko sya naging kakambal,
Minsan hindi ko sya ma gets...

"Parang ayaw mo sa akin ah."
Sabay pekeng naluluha sa harapan ko.

"May magagawa ba ako?" Sarkastiko kong tanong sa kanya.

"Wala..." sabay ngiti sa akin.
Kahit naman ganyan ang pag uugali niya, tanggap ko siya. Magkakambal kami eh. Mahal ko naman kahit papaano yung taong yun.

Mapangiti na lang ako pabalik sa kanya.

"Alam mo? Gwapo ka kung nakangiti", sabi niya.

"So...sinasabi mong panget ako?!"

"Pwede bang maging honest?" Sagot niya.

"Ha. Sa bagay kung panget ako panget ka rin, magkamukha tayo eh". Di ko maiwasang matawa.

"Hoy! Mas gwapo ako sa'yo huwag kang assuming, Xan!"
Panunuya niya sa akin.

"Alam mo walang patutunguhan 'to. Gwapo na tayo, okay? Sapat na ang gwapo lang.hahaha."

"Bilisan mo na nga lang ang paglalakad dyan."pag aaya niya sa'kin.

Himala...may orasan na pala ngayon ang utak ni Zander? Bakit parang hindi ako nasabihan?

🔜🔜🔜🔜🔜🔜🔜⤵

"Xan!!! Ang bagal mo naman eh!!" Pagmamaktol ng napakagaling kong kapatid.

"Di ka ba makapaghintay?!"

"Hindi! Bakit??!"

"Tumahimik ka nga!"

Sorcerer's TaleWhere stories live. Discover now