FIRST TEAR

39 1 0
                                    

Ako si Aiko Ayumi ... 21 years old at lumalaban na sa sakit na Atherosclerotic heart disease.. 17 years old palang ako simula nung maramdaman ko na nahihirapan akong huminga at naninikip ang dibdib ko...

Akala nila Mama may Asthma lang ako pero nung isang beses na nahimatay ako sa school at tinakbo ako sa ospital nalaman nila na mayroon na pala akong sakit sa puso... Sabi ng doctor kay mama na maswerte na daw na magtagal pa ako ng 2 years.. Kailangan akong maoperahan sa lalong madaling panahon... pero mahirap lang kami eh.. wala kaming pera...

Sundalo ang papa ko... namatay siya nung lumubog yung barkong sinasakyan nila... pa-uwi na dapat siya samin eh... ang alam ko namana ko itong sakit ko na to sa papa ko... matagal na daw tong sakit ko sabi ng doctor pero di pa nga lang naging active agad...

Naaawa na ako sa mama ko.. Iyak siya ng iyak kapag akala niyang tulog ako.. Pero nakikita ko siya. Nadidinig ko yung mga hikbi niya. Yung masakit na iyak. Yung iyak na walang ingay. Yung iyak nang pagod na..  pero kapag gising na ako pinaparamdam niya sakin na wala akong sakit.. ginagawan niya ako ng magagandang dress.. mananahi kasi si mama eh.. 

Alam niyo di naman na ako takot mamatay... lahat tayo pupunta din dun.. ayoko lang sana na iwan si mama ng nag-iisa... kinakantahan ko siya kapag alam kong pagod na pagod na siya...sabi niya nakakawala daw ng pagod ang boses ko... nararamdaman ko wala ng isang taon ko makakasama si mama... sumasakit  lalo ang puso ko kapg naiisip ko yun..

"Aiko... magpahinga ka na...." sabi ni mama sakin..

"op...aghhh!"  Di ako makahinga!! Ang sakit nanaman... Di ako makapagsalita... Tumulo nalang ang luha sa mata ko..

"AIKO!"  Sigaw ni mama... At iyon, Ang huli kong nadinig bago magdilim ang paligid ko...

Lord, kukunin na po ba niyo ako?? Pwede po ba pahiram po muna ng konting oras... Ayoko pong iwan si mama ng walang kasama.. Mahal na mahal ko po si mama eh... Please po...

"AIKO? AIKO ANAK KO... OK KA NA BA?" Naririnig ko si mama iyak siya ng iyak.. Dumilat ako at pinunasan ko ang luha niya... Nasa isa kaming kwarto, Di siya pribado masyado... Pangtatluhan ito... Ang pwesto ko ay malapit sa bintana...

"Ma... mama... " Dali-dali hinawakan ni mama ang kamay ko..

"Anak naman.. Wag mo naman tatakutin ng ganun si mama... Pwede ba?"

"Mama... Hindi po kita iiwang mag-isa... Mahal na mahal po kaya kita.."

Niyakap niya ko ng mahigpit.. napansin ko yung lalaking parang kasing edad ko lang sa tabi ng pwesto namin... mahimbing siya matulog... kasama niya ang tatay niya... 

"Misis? Pwede ko po ba kayo maka-usap?"sabi ng doctor kay mama

"Sige po Doc.. Aiko, saglit lang si mama ah.."

"Ok lang po mama"

Habang nag-uusap ang Doctor at si mama, Napakapit si mama sa may ding-ding at para bang nanghina siya at gusto niyang mahimatay...

Grabe naman ang reaksyon ni mama.. Ano kaya napag-usapan nila?

"Sir, tawag po kayo sa opisina niyo..."  Sabi nung lalaking nakapang men-in-black..

"Ok.." sabi nung medyo matandang lalaki na katabi nung lalaking tulog kanina.. Mukha silang mayaman at presentable. Bakit kaya nandito siya sa pang-publikong ward?

"Dad, Please don't.."

"I need to do this..'"  Tapos umalis na yung matandang lalaki. Tatay pala niya yon.. May lahi kaya sila? Parang grabe naman yung tatay niya iniwan siya.. Kawawa naman siya..

How death gave me LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon