THIRD TEAR

16 1 1
                                    

"mahal na mahal kita aiko..." hinalikan niya ako sa noo at niyakap..

"mahal na mahal din kita marco.."

=kinabukasan=

nagising ako na wala si marco sa pwesto niya... di ko alam kung ano tong kakaibang nararamdaman ko pero ayoko nito... dali-dali akong lumabas sa kwarto namin para hanapin siya... una ko siyang pinuntahan sa rooftop ng ospital..

"marco??" tawag ko sa kanya pero walang sumasagot...

nanahimik muna ako saglit kasi may narinig akong nag-uusap sa rooftop..

"oo na... mahal din kita..." boses ni marco yun ah...sinong kausap niya? mahal?

unti-unti ako sumilip sa may pintuan.. nakita ko na si marco.. nakatalikod siya sa kausap niya na hindi ko makita kung sino.. kaya binuksan ko pa ng konti yung pinto... pero di na pala kailangan... may lumapit na babae kay marco.. mahaba,kulot at kulay light brown yung buhok niya... nakadress siya.. stripes yun, hindi man hapit sa katawan yung dress niya malalaman mo pa rin na maganda ang hugis ng katawan niya.. sexy kumbaga.. hindi ko makita kung maganda ba siya dahil nakatalikod siya saakin... pero sa paraan palang ng pagtayo niya... malalaman mo na agad na galing siya sa mayaman na pamilya.. 

kumapit yung babae sa braso ni marco tapos yung ulo niya nakahilig sa balikat nito..napangiti ako sa nakita ko.. ang weird no? napangiti pa ko.. di ko rin alam kung bakit..

"bagay sila... nakakaiyak"  yun talaga ang nararamdaman ko... naiiyak ako... akala ko ba mahal na din niya ako.. girlfriend na nga niya ako sa pagkakaalala ko eh... pero hindi ko magawang angkinin siya lalo at alam ko na iiwan ko rin naman siya... kung mapapasaya naman siya nung babae.. ok lang... kung mawawala man ako ngayon sa mundo atleast makikita ko na masaya siya..kahit sa piling pa ng iba...

bumaba nalang ako sa kwarto para magpahinga.. sumasakit yung puso ko, di ko alam kung dahil ba ito sa sakit ko o dahil sa nakita at narinig ko... di ko narin alam kung alin ang mas masakit.. 

"hay buhay!" napabuntung-hininga nalang ako.."makakuha na nga lang ng tubig sa canteen.."

bago ka makapuntang canteen madadaanan mo muna yung antayan ng mga may sasakyan.. nakita ko nanaman si marco at yung babae.. napahinto ako sa paglalakad at napayuko.. ayoko na makita.. nasasaktan kasi ako eh.. pero hindi ko napigilan na tumingin ulit sa kanila... 

"dapat di nalang ako tumingin..." tumakbo ako palayo sa kanila.. wala na ba akong ibang gagawin kundi ang umiyak? pagtingin ko kasi sa kanila.. hinalikan ni marco sa pisngi yung babae at nagyakap sila..

di ko alam san ako dapat magpunta.. di ko na alam san ako bagay... hanggang sa nabangga ako ng isang lalaki.. at nauntog ako sa pader...

hinawakan niya ako sa braso kasi muntikan na akong matumba.. tapos hinawakan niya ako sa baba kasi tinignan niya yung namumula kong noo dahil sa pagka-untog....

"miss ayos ka lang ba??" nag-aalala niyang tanong... "sorry ah.."

"hah?" yun lang ang naisagot ko di kasi ako sanay na may di kilalang kausap.. napangiwi ako kasi kumirot yung ulo ko.. napalakas kasi yung pagkaka-untog ko..

"sabi ko ayos ka lang ba? teka may masakit ba sa...." hindi na niya natapos yung sinasabi niya kasi nagulat kami pareho ng may sumampal sa kamay niyang nakahawak sa baba ko.. muntik na rin ako matamaan..

"get your dirty hands off my girlfriend.. I'm warning you..." nanlaki ang mata ko nung nakita ko si marco... galit na galit siya... natakot ako... hindi dahil galit siya kundi dahil sa baka mas lalo pa ito makasama sa kalusugan niya.. hindi na niya hinayaan na magsalita yung lalaking nakabanggaan ko.. hinawakan niya ang braso ko ng mahigpit at hinila niya ako papunta sa kwarto namin... masakit yung pagkakahawak niya pero hindi na ako nanlaban kasi mas lalo lang ako masasaktan..

pagkadating namin sa kwarto namin.. binitawan niya ako.. tapos hindi na siya umimik at nahiga nalang siya... 

"oh ngayon anong problema mo?"sabi ko nakaka-asar kasi eh.. kaladkarin daw ba ako dito tapos tutulugan lang ako?

"anong problema ko?" ang cold ng pagkakasabi niya sakin.. 

"oo, ano nanaman ba kasi to ha?"

"tinatanong mo ako kung ano to?" he smirks "i saw you with someone... he is near... so near that he could've kiss you..." 

"ganon ba tingin mo sakin? hah? grabe ka! ako pa ngayon ang hindi naging loyal ah....na-untog ako kasi nabangga ako nung lalaki tapos tinitignan niya lang kung may bukol ako kasi namumula yung noo ko... tapos dadating ka sasabihin mong girlfriend mo ako eh galing ka dun sa babaeng hinalikan mo sa pisngi at sinabihan mo ng mahal din kita? ano ha?" tulo-tuloy na paglalabas ko ng sama ng loob sa kanya..

"what?" nagtaka ako kasi nawala yung coldness sa mata niya.. tapos tumawa siya ng sobrang lakas na napapahawak pa siya sa tiyan niya..

ako naman tinignan ko lang siya ng parang naaasar..."oh.. tapos ngayon tuwang-tuwa ka pa sa kalokohan mo?"

"you're jealous..."walang reaksyon niyang sabi.

"no.. I'm not"sagot ko.

"ok let me tell you the truth... yes i kissed her... yes i really really love her... she is the most sweetest girl i've ever met..." nakatingin siya sa mga mata ko.. inilayo ko ang tingin ko...

yumuko ako.."bakit mo pa ba sinasabi sakin yan... sana di mo nalang inamin... di naman ako nagtatanong eh.." naiiyak na ako..

"because she is my one and only......." 

pinigilan ko siya "tama na...ayoko na madinig! i hate you!"

"would you please shut-up!" nakangiti pa din siya..."she is my sister"

"peanut-brain.." sabi niya sabay yakap sakin..."sorry if i've hurt your feelings.. i love you ok?"

niyakap ko nalang din siya tapos sabay kami tumawa ng malakas... kaso napatigil ako sa pagtawa ng maalala kong tinawag niya akong peanut-brain..

"sandali lang marco.. ano itinawag mo sakin kanina?" tinignan ko siya ng masama.. namutla naman siya..

"peanut-brain?? i was just joking... really i don't mean it" tinitignan ko padin siya ng masama... kinakabahan siya... 

lumapit ako sa kanya... "alam mo kung ano dapat na parusa sayo?'

"huh what? you know it's not necessary " tapos nginitian pa niya ako..

"actually... it is..."tapos nag-smirk ako..."ultimate bearhug attack!!!" tapos niyakap ko siya ng mahigpit... sigaw siya ng sigaw kasi may kiliti siya sa leeg... dun nakapatong yung baba ko..

"tama na! tama na!!! i'm sorryyyyyyyyyyyy!" napagod na kaming dalawa at nahiga na sa kama niya...

"sana lagi nalang tayong masaya..."sabi niya.. "alam mo ba minsan naisip ko.. dapat ako magpasalamat sa sakit ko.. at sa sakit mo.. kung wala tayo dito sa ospital na to... hindi tayo magkakakilala at hindi ko din mararanasan mahalin ng ganito o magmahal ng ganito... maswerte pa rin ako..."

"sus.. drama mo... ano ba nakain mo kanina english kung english ka.. ngayon naman ang lalim mo ha?"sabi ko para gumaan yung mood ng paligid...

"basta aiko, sayong-sayo lang ang puso ko...''

napangiti ako at nakatulog kami ng gabing yon ng magkayakap..

How death gave me LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon