SECOND TEAR

16 1 0
                                    

Tinignan niya ako... hinawakan niya ang kamay ko tapos hinalikan niya ang noo ko..

"Marco?"

"Aiko... parang nagkakagusto na ata ako sayo...." 

**DUB-DUB****DUB-BUB**

"Ha?" yun lang ang naisagot ko sa kanya.. bukod kasi sa nagpapaulit-ulit sa utak ko yung sinabi niya na parang may gusto na siya sakin.. nabibingi na din ako sa lakas ng kabog ng puso ko...

lumungkot nanaman ang mukha niya..

"sorry Aiko"

"sorry?? para saan?" nagtataka kong tanong

"alam ko ... katangahan lang ang magkagusto ako sayo.. wala rin namang mangyayari eh..."

"mayroon akong sikretong sasabihin sayo Marco... dalawang buwan mula ngayon... nalang ang mayroon ako... tinaningan na ako ng doktor kapag di ako nakakuha ng donor... mamamatay na ako... ayokong iwan ka mag-isa... natatakot ako.. natatakot ako kasi hindi na lumalabas ang mga luha ko... ni hindi na ako maka-iyak sa nangyayari sakin.."

"may pag-asa ka pa naman kapag nagkaroon ka ng donor diba?"

"Marco, mahirap lang kami.. wala akong pampa-opera.. at isa pa... wala akong makuhang donor ng puso..."

"ill help you... just stay strong..'

"Marco..." tinawag ko siya... tumayo kasi siya at parang iiwan ako dito mag-isa.. 

bigla siyang huminto at humarap sakin..

"WHY ARE YOU STILL STAYING CALM?? AIKO, BUHAY ANG PINAGUUSAPAN DITO..."

"HEY! WAG KANG SUMIGAW.. AKALA MO BA IKAW LANG ANG NAHIHIRAPAN? AYAW KITA IWAN MARCO..."

napaluhod siya kaya dali-dali ko siyang pinuntahan.. nakahawak siya sa ulo niya ng para bang hirap na hirap na siya...

"MARCO? MARCO..." tinatawag ko siya pero di niya ako masagot hanggang nawalan na siya ng malay...

nandito kami ngayon sa operating room... tinawagan ko ang papa niya pero busy... 2 oras na siya sa loob... di ko alam ang gagawin ko kapag may masamang nanyari sa kanya...

"Iha.."

"Doc.. kamusta po si Marco?"

"I need to talk to his father... his condition gets worst.. The cancer cells in his brain accumulates faster now... there is nothing we can do... he is still unconcious but you can talk to him..."

para akong binuhusan ng malamig na yelo.. di ko alam gagawin ko.. ayokong makita pa niya ako umiyak.. kailangan niya makakuha ng lakas mula sakin... pumasok ako sa ICU at hinawakan ko ang kamay niya... di ko na mapigilan ang sarili kong mapa-iyak ng makita kong maraming nakakabit sa kanyang machine..

"di ba sabi mo sabay tayo lalaban? di ba sabi mo walang iwanan? kapag gumising ka diyan sige tayo na... wag mo lang ako iiwan... marco... mahal din kita... mahal na mahal na kahit konting oras na lang ang meron ako.. handa akong ubusin yun para sayo... ng kasama ka... alam mo ba ah kapag kasama kita parang di ko ramdam yung mga pinagdadaanan kong hirap.... kakantahan kita ha... sabi kasi ni mama makakagaan daw ng loob ang boses ko... marco.. pakinggan mo ako ah.."

(mula sa puso)

Bakit nga ba ang puso

Pag nagmamahal na

Ay sadyang nakapagtataka

Ang bawa't sandali

Lagi nang may ngiti

Dahil langit ang nadarama

Para bang ang lahat ay walang hangganan

Dahil sa tamis na nararanasan

How death gave me LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon