21WtSILY - Ninth Surprise~part 2

249 5 3
                                    

"Anong pakialam mo Rio kay Natalie ko?!" 

"Sayo? Saakin lang kaya si Jean. Huwag kang assuming!" 

Keep calm Natalie. Hayaan mo muna mag-away si Twedle Dum at Twedle Dum. Dum Dums. 

"Ano, Natalie nagaaway sina Clyde at Rio oh.."  Whisper ni Sev saakin. 

"So? Hayaan mo lang yan  na dalawa.  Halika na Sev, punta na tayo dun sa room na sinasabi niyo" 

Kinuha ko yung kamay ni Sev at iniwan yung dalawang gung-gong na nagaaway. Ang lalakas ng boses ng mga lalakeng yun kaya naka-attract na din sila ng crowd. Since dumating si Rio sa school na ito normal na makakita ng nag-aaway na pretty boys sa hall. Tsk. 

Kung ganyan karami ang oras nila para mag-away try kaya nilang gumawa ng mabuti para sa school. Sayang naman ang mga talents nila kung ibubuhos nila sa ganyan na mga petty competitions nila.

Pwede din naman sila tumulong sa mga committee sure ako kung gagawin nila yun madami din naman na tutulong na iba. Marami kaya silang fans na dalawa kaya magkakaroon ng domino effect yan. May chance din na magkainteres na yung iba sa mga palaro kung sumali sila. Bakit hindi na lang sila sumali? May mga itsura naman sila na nagugustuhan ng karamihan. Pinaka popular na lalake si Clyde sa school na to. Si Rio naman Rising Star. Pag pinagsama mo charisma nila, boom! masasaya lahat ng fans nila at mga taong visually stimulated. Ano ba kasi iniisip  nila at lagi na lang... 

"Natalie ... ano ... nadaanan na natin yung room." 

Napatigil ako sa paglalakad. Kakaisip sa dalawang yun, yan tuloy, hindi ko na nahalata ang surroundings ko. Focus Natalie, focus. 

"Ahy, sorry Sev. May iniisip kasi ako. Haha."

"Ayos lng naman." 

Binuksan  ni Sev yung room. Mukha siyang maliit na office na hindi masyadong furnished. Simple lang at syempre dahil simple, bagay siya sa taste ko.  Pagpasok ko nakita ko si Ate Trishia nakayakap sa isang lalake.  Nakatalikod sila saamin kaya hindi ko siya mamukhaan pa pero masasabi kong maganda ang katawan ng niyayakap ni Ate Trishia.

Halata sa laki ng biceps eh. Uso sakanya mag sando (mainit naman kaya ayos lang talaga) pero grabe talaga feel ko napakamanly niya. 

"Kuya Seph, andito na kami." Pagpaalam ni Sev. Iniabot niya saakin ang isang folding chair. Parang nakalimutan kong gumamit ng folding chair dahil hindi ko binuksan hinayaan ko lang siya sa kamay ko. Si Sev na lang ang nagbukas. 

Napatingin si Ate Trishia at ngumiti. Tumingin na din samin yung niyayakap niya at naaalala ko na yung mukha niya. Hindi ko lang masabi kung sino. Siya yung .... 

"ATE S!" Sigaw ko ng maalala ko mukha niya. Siya si Ate S! Yung lalakeng bading sa may kanto namin. Yung laging ka-chika ni Ate Sha! Siya talaga yun!

"Oh! Hi Natalie,  andito ka na pala. Halika dito, gumawa ako ng matatamis." Smile siya. Si Ate Trishia naman bumitaw sa pagka back hug sakanya at lumapit na saakin. 

"Kilala mo pala si Seph ko Natalie. Bakit hindi mo sinabi sakin kanina?" 

Eh sa hindi ko naman alam na yung tinutukoy mong boyfriend eh yung bading sa may samin.

"Ah eh.. akala ko kasi ibang Seph tinutukoy mo ate." 

"Oo ba? Ang alam ko kasi si Kuya Seph lang ang Seph sa school na to. Weird nga na ang common ng name niya pero wala siyang kapareho." Kumuha si Sev ng isang cupcake at sinubo sa bibig niya. May gana talaga siyang kumain. 

"Hahaha."

Awkward laugh na lang ako. Hindi ko masabi sakanya na akala ko talaga napaka manly nung Seph na minemention ni Ate Trishia. Kabaligtaran ng naimagine ko si Ate S.

Promise. Nag ring yung phone ni Ate ... I mean Kuya Seph .. ay ano ba talaga basta yung phone niya nag ring. May kinausap siyang madali at ibinaba din naman. 

"May naghahanap saakin sa office ni principal. Kayo na muna bahala magusap usap habang wala ako at yung iba. Update niyo na lang ako." 

"Hoy Seph, wag mong kalimutan tong jacket mo. Maglalakad ka sa labas na naka sando lang.  Magingat ingat ka nga!" Itinapon ni Ate Trishia yung jacket kay Kuya Seph. Nasalo naman niya agad. 

"Oo nga pala, thanks sa reminder." Smile~

"No problem, love you honey." Flying kiss

"Love you too." 

YIEEEEEEE. Kahit nagdadalawa pa ako sa pagkatao ni Kuya Seph kinilig ako dun. 

"Sweet nila no?" Tumabi saakin si Sev. Binigyan niya din ako ng juice. 

"Oo nga, sa totoo lang akala ko bakla yan si Kuya Seph. Sinong magaakala na gf niya si Ate Trishia." Binulong ko sakanya. 

Natawa naman ng konti si Sev. Hindi kami nahalata ni Ate Trishia dahil sinisilip niya papaalis si Kuya Seph. 

"oh ba't ka naman natawa?" 

"Ikaw kasi. Kahit minsan masyadong girly yan si Kuya Seph magsalita, nag trtry si Ate Trishia na iconvert siya. Dedicated yan  na gawing straight na lalake si Kuya kaya saludo ako masyado kay Ate Trishia." 

Wow. Nag eefort pala si Ate ng ganito. NEW FOUND RESPECT!

"Okay, may iniwan sating trabaho si Seph kaya dapat pag dumating siya mamaya tapos na natin. Give me ideas kung anong event ang pwedeng magpaganda sa intrams natin ngayon." 

Nagsimula kami na bumigay ng mga ideas. Simula sa parade, concert at kung ano pa. Marami rami kaming na imention pero lahat sila nagawa na in the past,

"Kaylangan natin ng fresh na ideas. Tipong, hindi madaling kalimutan na idea hindi yung putso-putso lang." 

Ilang minuto na kami dito pero wala pa samin nakaka eureka moment. 

"Ate, pwedeng bumili na muna kami ng makakain." 

Wala eh nagutom na ako. Pinayagan naman kami at pumunta kami ni Sev sa canteen. Habang papunta may  nakita akong familiar na orange hair na nasa gitna ng hall. Kasama niya ang familiar din na dark hair.  Huwag mong sabihin hanggang ngayon nagaaway pa sila! 

"Mukha kang palaka! Wala kang laban sa pagmumukha ko!" 

"Palaka? Nahiya naman ako sa nag mamake up kapag may shoot!" 

Nag-aaway pa talaga sila. -_- 

"Gwapo talaga sila." 

"Huh? Ano sabi mo Sev?" 

"Ah, gwapo diba sila? Kahit sang banda mo tingnan gwapo sila di tulad ng ibang tao ... di tulad ko ..." Hininaan niya yung last niyang sinabi. Gwapo ba talaga sila? Oo pero masyado naman kasi minsan ang pagkagwapo nila. Hindi  mo  na maaakalang tao, minsan nga hindi mo maaakalang ... 

"ALAM KO NA!!!" 

"Ah? Ano ang alam mo na Natalie?"

"Nakarating na saakin yung eureka moment! May event na akong ipropropose!" 

--

end of chapter~ Sorry kung maikli lang ^^ pero hope you enjoy.  Dedicate ko kay ImKpopperInspirit she likes this story ^^ hahaha

Sev aka Sandeul at the side so cute

21 Ways to Say I Love You ~ Filipino Version REVISING!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon