[2]

744 17 5
                                    

Natalie Jean Park POV

"Waaaaa! Best! Ang swerte mo!"

"Huh? Anung swerte dun? Lahat lang kamalasan ang dala niyan." 

"Alam mo best ang bitter mo kahit kaylan? Dapat maging masaya ka sa mga pagkakataong ganun. Maraming babae gusto diyan sa pwesto mo."

"Ehh kung gusto nila, kunin na nila tong pwesto ko. Hassle lang naman ang panliligaw nun."

Andito ako ngayon sa classroom kasama yung bestfriend ko na si Jo. Dala ko pa din yung 21 roses nung mokong at pinatanggal ko yung tarpaulin sa labas. Sobrang nakakahiya kung hayaan namin yun sa labas. Masyadong esposed ang pangalan ko!

"Okay nevermind na muna kay Mr. Manliligaw mo. Masaya nga ako dahil sakanya."

Napatingin ako sakanya. "Ha? Bakit ka naman sasaya?"

"Dahil at least ngayon pwede na tayo mag-usap tungkol sa ibang bagay mostly sa lovelife! Kahit na bitterbells ka, atleast we're getting somewhere diba?" Ngumiti si Jo.

Hindi ko maiwasan na mapangiti din sa best friend kong to.

Matagal ko nang kilala si Jo. 1st year high school kami unang nagkakilala at syempre dahil sa kaweirduhan ng babaeng to nagi kaming magkaibigan. Ibang-iba siya sa ugali ko. Kung ako tahimik sa eskwelehan siya naman madaldal. Kung ako ayaw ng attensyon, siya hinahabol ng spotlight. Sa school namin siya ang superhero at ako ang sidekick niya. Hindi naman sa nagrereklamo ako. 

Mas gusto ko na ganito ang buhay ko. At isa pa ang lakas ng fashion sense niya, kung matuturing ko man itong fashion. Weird fashion ang tawag ko. Ikaw ba naman, ikulay mo ang buhok mo ng green, di pa ba yan weird? 

Nag-uusap kami tungkol sa bagong damit na gustong bilhin ni Jo. Isang denim na jacket na maraming butas. Hobo clothes ang tawag ko sa mga ganun ng biglang dumating ang isang hindi kanais-nais. 

"Uhm, is Natalie here?" Fudge!  Si Clyde. Kaylangan kong magtago! Ninja mode on!

Pumunta ako sa ilalim ng desk at nagkukunyari na may pinupulot. Sana hindi ako makita. Sana hindi ako makita. Sana hindi ako makita!

"Oh, hey Jo. Nakita mo ba si Natalie?"

Jo please naman wag mo ako ibuko. Ayaw kong ihandle muna ang taong to.

"Yeah, nakita ko siya."

"Really? Where?"

"Andyan sa ilalim ng desk niya. May hinahanap yata."

Ngumiti ang babae. Thanks Jo, you're a true friend. Payback ba niya to para sa time na hindi kosiya nasamahan papuntang mall? Ugh, Jo talaga, never forget this!

Nakikita ko ang black shoes ni Clyde na papalapit saakin. Hinarap niya saakin ang napakaperfect niyang face. 

"Natalie? Anung ginagawa mo diyan?" Tinataguan ka actually. Sadyang may mga barkada talagang hindi marunong makisama, diba Jo? 

Kung pwedeng yan ang sabihin kay Clyde bongga! But, play nice na muna ako.

"Ahh, wala nahulog ko kasi yung eraser ko. Jo, thanks pala." I gave her a sarcastic smile.

"You're always welcome Nat!" tumawa siya. If ever talaga, makakaisa din ako sa babaeng to.

21 Ways to Say I Love You ~ Filipino Version REVISING!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon