TWCFTF-PANIMULA

393 24 24
                                    

                  THE WARRIOR COME
                    FROM THE FUTURE

Author: darwencatStory title: The warrior came from the futureLead Character:   Dean Leo Van Dell   Princess Niña Rose OrtezOther Character:   King Eligor Ortez   King Roberts Dimaranan   Prince Daniel Dimaranan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Author: darwencat
Story title: The warrior came from the future
Lead Character:
   Dean Leo Van Dell
   Princess Niña Rose Ortez
Other Character:
   King Eligor Ortez
   King Roberts Dimaranan
   Prince Daniel Dimaranan

                             PANIMULA

          Puno ng dugo ang suot na armor ng isang binata mula sa mga taong kanyang pinaslang.
          Tumutolo pa mula sa kanyang hawak na ispada ang sariwang dugo mula sa mga taong kanyang pinaslang kani kanina lamang.

           Ipinalibot ng binata ang kanyang maningin sa kanyang paligid. Tanging madilim na langit, mausok na paligid at mga taong nakasuot ng pandigmaang damit na may bahid ng dugo at handang makipag laban hagang kamatayan para sa kanilang emperyo ang kanyang nakikita.

          Tinignan nya ang lupa na ngayun ay kulay pula dahil sa dugo ng mga taong nagbuwis ng buhay at na paslang.
           May mga putol syang katawan na nakikita at ang iba ay may nakabaung patalim sa katawan. Tulad ng palaso at ispada.

           Tumingala ang binata at tinignan ang nadilim na kalangitan. At ipinikit nito ang mga mata.

            "Paano ba ko nakarating sa puntong kaylangan kong pumatay? At mabahiran ng dugo ng ibat ibang tao ang aking mga kamay at isakripisyo ang aking buhay para lamang iligtas ang mga taong ngayun ko lamang nakilala at nakasalamuha? Paano ba ako nananatiling buhay sa kabila ng mga digmaang aking sinuong? At paano ko na ipag palit ang maganda kong buhay at mapayapa kong mundo sa mundong ito?

          Iminulat ng binata ang kanyang mga mata. At sa kanyang pag mulat ay nakita nyang nakatayo sa kanyang harap ang isang magandang babaeng nakasuot ng armor.

           Ngumiti ng matamis ang magandang dalaga sa kanya ng makita nitong nakatingin sa kanya ang binata. Sinuklian din ng binata ang dalaga ng matamis na ngiti.

           Ngunit mabilis din itong napawi ng maaninag ng binata ang limilipad na palaso patungo sa dalaga.
            Lalakad na sana ang dalaga patungo sa kinakatayuan ng binata ng tamaan ito ng palaso.

             Nanlaki ang mga mata ng binata ng kanyang makita ang pagtama ng palaso sa dalaga.

             Bumagal ang ikot ng oras para sa binata ng unti unti niyang makita ang unti unting pagbigay ng katawan ng dalagang dahilan kung bakit nananatili siya sa panahing iyon at hindi bumalik sa kanyang panahon.

THE WARRIOR CAME FROM THE FUTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon