KABANATA 2.1

67 12 3
                                    

ANG PANGANIB PARA SA SALAMIN.

Nang makarating sa harap ng aking silid ay agad kong binoksan ang pinto ng aking kuwarto.

Tuloy toloy akong pumasok at umopo sa aking kama.

Alam kong ano mang minuto mula ng akoy makapasok ng aking silid ay darating si Awring upang ibalita sa akin kung ano man ang nang yayari sa loob at labas ng kastilyo.

Si Awring ang nagiging minsahero ko upang malaman ko ang nang yayari sa kaharian. Pangit man o magandang balita.

Ayaw ng aking amang hari na malaman ko ang mga pangit na kaganapan sa palasyo lalo na kung ukol ito kay Haring Roberts at sa mahiwagang salamin.

Kaya gumawa ako ng paraan upang malaman ang mga iyo. At ito'y sa pamamagitan ni Awring na nangangalap ng balita sa palasyo.

Ilang sandali pa ay may kumatok na sa aking silid. Pag katapos ay bumokas ito at pumasok si Awring. Lumapit ito sa akin. Kaya agad akong tumayo mula sa pag kakaupo sa kama at sinalobong ito.

"Awring! Anong nang yayari? May nasabi si Heneral Tonyo ukol sa mahiwagang salamin sa kanilang pag uusap ni ama." Puno ng pangamba kong tanong dito ng makalapit ako dito.

"Mahal na pricesa..." Yumoko muna ito bilang pag bibigay galang. At saka tumingin sa aking mga mata. "May mga nahuli po ang ating mga kawal na mga lalaking nag tangkang basagin ang mahiwagang salamin." Nanlaki ang aking mga mata sa aking narinig.

"Ano?.. Nalaman na ba kong sino ang mga lalaking iyon at bakit nila gustong basagin ang mahiwagang salamin?" Nag mamadali kong tanong dito. Dahil sa kabang aking nadarama ay hindi ko maiwasan na mag lakad ng pa balik balik.

"Sa akin pong narinig mula sa mga nag uusap na mga kawal. Ay hindi parin po nag sasalita ang mga lalaki. Ngunit sa kanilang palagay ay mga taohan ni Haring Roberts ang mga lalaki at nag panggap na mangangalakal kaya nakapasok sa ating kaharian." Bakas sa boses ni Awring ang takot. Alam ko na nanga ngamba rin siya para sa salamin. Ako man rin.

Mukang nakarating na sa tusong hari ang tungkol sa mahiwagang salamin. At sigoradong kahit hindi ito nakakasiguro kung totoo nga ang balita ukol dito. Ay gagawa ito ng paraan upang hindi makarating ang binatang mag liligtas sa kaharian. Ganon katuso at kalupit ang hari ng Dimaranan kahit walang kasigaradohan ang balita ay gagawa ito ng paraan upang hindi matuloy ang mangyayari o di kaya'y ipa papaslang niya ang tao. Inosente man ito o hindi.

Tumigil ako sa pag lalamad at humarap kay Awring. "Gusto kong pumonta at makita ang mahiwagang salamin." Maotoridad kong saad dito.

"Ngunit malabo po ang iyong gustong mangyari mahal na princesa." Mabilis nitong sagot.
"Bakit?" Napataas ang aking boses sa aking narinig mula sa kanya.

Agad na napayoko si Awring at halatang natakot ito sa pag taas ng aking boses. "Patawad! Hindi ko sinasadyang pag taasan ka ng boses Awring." Hingi ko dito ng paumanhin sa mahina at mahinahong boses.

Iyon ang turo ng aking namayapang ina. Huwag maging ma pag mataas sa kapwa ito may mababang uri o mataas.

Nag taas na ito muli ng ulo at ngumiti. "Nauunawaan ko mahal na princesa. Ngunit hindi ho kayo maaaring mag tungo sa mahiwagang salamin. Ayon ho sa aking narinig ay pinag utos ni Heneral Tonyo na higpitan ang pag babantay sa paligid ng salamin at walang palalapitin dito upang masigurado ang kaligtasan nito at hindi na maulit ang pag tatangka na basagin ito ng mga kalaban." Mahaba nitong salaysay.

Huminga ako ng malalim. At lumakad patungo sa aking higaan at umopo dito.

"Hindi ko masisisi si Heneral kong mag lagay ito ng maraming kawal sa paligid ng salamin. Kung ako rin naman ay ganon din ang aking magiging pasya. Ngunit ganon paman ay gusto ko paring makita ng sarili kong mga mata na nasa maayos itong kalagayan. Ngunit paano?" Kausap ko sa aking sarili.

Isang ngiti ang gumuhit sa aking muka ng makaisip ako ng plano upang makita ang salamin.


THE WARRIOR CAME FROM THE FUTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon