KABANATA 2

93 11 2
                                    

                   KAHARIANG ORTEZ

          "Mahal na Princesa Niña. Kay langan na ho nating lisanin ang lugar na ito. Masyado na pong mataas ang araw at sigurado ko hong hinahanap na kayo ng mahal na Hari." Mahinahilon at nakayukong wika ng kanyang alalay na si Awring.

Nanatiling nakatingin si Princesa Niña sa salamin na tinubuan na na ng mga halaman ang paligid nito sa kanyang harap.

"Totoo nga ba na sa salaming ito dadaan ang mandirigmang mula sa hinaharap na magliligtas sa atin?" Tanong ko sa aking pinagkakatiwalaang alalay na si Awring. Habang na nanatili ang aking paningin sa salamin sa aking harap.

"Ayon po sa mga matatanda ng ating bayan. Sa mga panahon na nasakagipitan ang kaharian ay isang binata na galing sa ibang panahon ang lumalabas sa salaming iyan mahal na Pricesa." Mahinahon at nakayukong saad nito sa kanya.

     Itinaas ko ang aking kamay at hahaplusin ko na sana ang salamin ng makarinig ako ng mga yapak ng kabayong paparating sa aming dereksyon.

Ibinaba ko ang aking kamay na hahawak sana sa salamin. At hinarap ko ang dereksyon kung saan ko narinig ang mga yapak ng kabayo. At mula duon ay lumabas sa malalaking punong kahoy so Henerek Tonyo sakay ng kanyang kabayong kulay itim. At sa mag kabilang gilid nito ay ang mga kawal ng palasyo.

Lumapit sa kanilang dereksyon si Heneral Tonyo at ang dalawang kawal. Ng makalapit. Bumaba mula sa kabayo ang Heneral at dalawang kawal.

Lumapit ang mga ito ay sabay sabay na yumoko ang mga ito.
"Henerel." Tangi Kong sinabi dito na nagsilbing hudyat para sa kanila upang mag angat ng kanilang ulo at sabihin ang kanilang pakay.

"Mahay na Princesa. Inutosan ako ni Haring Eligor upang hanapin kayo at ihatid pabalik sa palasyo." Buo ang buses nito ngunit nahihimigan ko parin ang pagiging mahinahon at magalang nito.

Tinignan ko mabuti si Henerel Tonyo. Kahit ilang digmaan na ang sinuong nito ay na nanatili paring malinis ang matapang nitong muka. Bumagay rin dito ang peklat nito sa kilay na nakoha nito sa isang digmaan. Sa idad nitong trenta itres ay na nanatiling maganda ang panganga tawan nito.

"Paumanhin Heneral. Batid ko na marami ka pang trabahong ginadawa ngunit na abala pa kita. At nautusan ni ama upang hanapin lamang ako." Nahihiyang paumanhin ko kay Heneral Tonyo Bakal. Ang Henerel nang kanilang hukbong santadahan.

"Wala ho iyon mahal na princesa."
"Kung ganon. Halinat at bumalik na tayo sa palasyo, siguradong nag aalala na si ama."

Lumakad na ako at tinungo ang dereksyon kung saan ko iniwan ang aking kabayo puti na si Bulaklak. Samantalang nakasunod sa aking likuran sila Henerel, Awring at ang dalawang kawal. Tinangal ng General ang pagkakatali ni Bulaklak sa puno at inalalayan ako nitong makasakay sa kabayo.

Tinungo narin nila Henerel ang kani kanilang kabayo at sumakay na dito. At nagsimula na kaming lisanin ang lugar na iyon.

Sa huling pag kakataon ay aking muling sinolyapan ang salamin. Agad kong pinahinto si Bulaklak ng maaninag kong lumiwanag ang salamin.

"Mahal na Pricensa?" Napalingon ako kay Heneral Tonyo ng ako'y tawagin nito. At saka ko lang napag tanto na tumigil narin sila. Nang akin muling lingonin ang salamin ay nawala na ang liwanag.

"May problema po ba mahal na princesa?" Tanong sakin ng alalay kong si Awring ng mapansin nitong nakatingin sa salamin.

Nilingon ko si Awring. "Ahh.. Wala Awring." At muli kong pinatakbo si Bulaklak at muling simunod sila Heneral.

THE WARRIOR CAME FROM THE FUTURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon