Diana's POV:
"OMG! Ang ganda mo naman!" - sabi sakin ni Ate Pat. Kuya Gray's girlfriend.
Yup. Nandito na sila. Kakadating lang, actually.
"Pfft...Yan? Maganda?" - natatawang sabi ni Kuya Gray
"Oo. Ang pretty nya kaya" - sabi naman ni Ate Kylie. Kuya Jayce's girlfriend
"May malaking salamin. May kulot na buhok na hanggang bewang at may brace. Anong maganda dun?"- natatawang tanong ni Kuya Jayce
"Well, tama ka naman. But can't you see? She's so beautiful! She just need a little make over. Right Patty?" - sabi ni Ate Kylie
"Yeah. But wait. What if i-make over natin sya?" - suggest ni Ate Pat
"Oh my God! That's a great idea" - pagpayag ni Ate Kylie
"Wala namang kahilig hilig sa make up itong si Bea" - sabi ni Kuya Gray dahilan para mapatingin sakin sila Ate
"Totoo ba yun?" - tanong nila
"Opo eh. Sorry po pero ayoko po dun sa make over na sinasabi nyo" - sagot ko
"Sayang naman" - malungkot na sabi ni Ate Pat
"Yeah. Akala ko pa naman, pwede natin ilabas yung ganda nya. Di bale na nga lang" - malungkot din na sabi ni Ate Kylie
Nakonsensya tuloy ako. Alam ko pa naman kung ano ang nangyayari sakin kapag nakokonsensya ako at yun ay ang.....
"Ahh ehh. Sige na nga po. Payag na ako. Nakakakonsensya eh" - sabi ko
Nagningning ang mga mata nila ng sinabi ko iyon.
"Talaga?!" - masayang tanong nila at tumango naman ako
"Yehey! So, kelan ka ba free?" - tanong ni Ate Kylie
"Next week po. Monday" - sagot ko
"Next week?" - kunot noong sabi ni Ate Kylie
"Wala kayong pasok nun diba? For preparation sa acquintance party sa Friday ang dahilan. Tamang tama, yung make over na gagawin namin sayo is your preparation for that party" - sabi ni Ate Pat
"Paano nyo po nalaman na may acquintance party kami sa Friday?" - tanong ko
"May kapatid kaming dalawa na nag aaral sa school mo" - sagot ni Ate Pat
"Talaga po? Sino po sila?" - curious na tanong ko at bigla naman akong nagsisi na tinanong ko pa yun ng marinig ko ang sagot ni Ate Kylie
"Andrew Jake Alfonso is my brother. And Jasper Mark Rodriguez is Patricia's brother" - sagot ni Ate Kylie
Bakit ba sa dinami dami ng pwedeng tao sa SMA, bakit yung dalawa pang kumag ang naging kapatid nila?!
"So back to the topic kanina. Susunduin ka nalang namin dito para sabay sabay na tayong pumunta sa mall. Is it okay?" - tanong ni Ate Pat
"Okay na po yun" - sagot ko
"Okay na ba kayo?" - biglang tanong ni Kuya Jayce samin at tumango naman kami
"Edi tara na. Naghihintay na sila Mama sa dining hall" - sabi ni Kuya Gray kaya tumango nalang ulit kami at naglakad na papunta sa dinig hall
-
Kinabukasan ay maaga akong umalis sa bahay dahil may kailangan pa akong tapusin sa school. Dumiretso agad ako sa library dahil may hihiramin akong libro pero bago pa man din ako makarating dun ay may humarang sakin na babae at tinapon sakin yung juice na hawak nya. At hindi pa sya nakuntento dun dahil sinampal pa nya ako ng paglakas lakas.
"Serves you right, bitch" - sabi nya habang nakangisi
"I'm not a bitch" - sabi ko
"Yes you are. You know why? Because you're stealing Andrew from me" - gigil na sabi nya
"I'm not stealing him. Bakit ko naman gagawin yun? Hindi ko naman sya pagmamay ari" - sabi ko
"Oh. So, you already have the guts to talk like this." - sabi nya
Hindi ko nalang sya pinansin at akmang lalagpasan na sya ng higitin nya ang buhok ko at muli akong sinampal. Kinalmot kalmot nya pa ako at halos umiyak na ako dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"Stay away from Andrew or else I will kill you!" - pagbabanta nya sakin bago nya ako iniwan
Nanghihina akong tumayo at lumakad sa clinic. Hindi ko napigilang maiyak dahil kahit binubully ako nung dalawang kumag, they didn't even try to hurt me physically.
Pagbuhos ng mga kung ano ano at paggawa lang naman ng kalokohan ang ginagawa nila sakin. But once didn't they do anything to hurt me like the girl earlier did to me.
Kumatok muna ako sa pintuan ng clinic atsaka ako pumasok sa loob. Nung nakita ako nung nurse ay nilapitan nya agad ako at pinaupo sa kama.
Kinuha nya yung first aid kit at sinimulan na nyang gamutin ang mga kalmot sa braso at mukha ko.
Nung natapos na sya ay sinabi nyang magpahinga muna ako dito pero tumanggi ako dahil madami pa akong kailangan gawin.
Habang naglalakad ako sa hallway ay bigla kong nakasalubong si Andrew at nung makita nya ako ay bigla syang napangisi pero nawala din iyon agad ng makita nya ang braso at mukha ko. Lumapit sya sakin at tinignan ang mga sugat ko.
"Did you have a fight with a cat? You have so much harrows all over your arms and face" - sabi nya
Kumunot naman ang noo ko dahil nabakas ko sa boses nya ang pag aalala.
Pero sino bang niloloko ko? Hindi naman sya mag aalala sakin dahil isa lang naman akong malaking NOBODY sakanya.
"Wala toh" - sabi ko
"Who did that?" - he asked instead
"I don't know" - sabi ko
"What?! You don't know?!" - sigaw na tanong nya
Bakit ba sya sumisigaw? Atsaka bakit ba parang nagagalit sya?
"Eh sa hindi ko naman talaga alam. Bakit ka ba nagkakaganyan? Diba nga sabi mo dati sakin, isa lang akong panget na nobody sa buhay mo? Then why do you look like you're worried about me?" - I said
Natahimik sya.
"Its been 3 years since you and Jasper started bullying me. At walang isang araw akong nakitang naawa ka sakin. So, bakit ngayon parang sobrang nag aalala ka sakin dahil lang sa kalmot sa braso at mukha ko?" - sabi ko pa
"Lang? Anong lang ang pinagsasasabi mo? Can't you see? You have harrows all around your body tapos sasabihin mong kalmot LANG?" - nagagalit na sabi nya at diininan nya pa talaga yung salitang "lang" sa dulo.
"I'm experiencing it everyday. I'm having it everyday. Sometimes hindi kalmot kung hindi pasa o sugat. Kaya masasabi kong sanay na ako" - sabi ko
"You always have it everyday?! Then why didn't I notice it?!" - tanong nya
"Kasi nga, nobody lang ako sayo!" - naiinis na sagot ko
Paulit ulit sya at naiinis ako dun.
"Why do you kept on saying that you're just a nobody to me?" - tanong nya
"Kasi yun ang totoo" - sagot ko
"But you're not a nobody to me, Beatrice!" - galit na sigaw nya
Napatigil ako.
Its the first time he call me in my name. Pero ano yung sinabi nya na hindi ako nobody sakanya?
"Then what am I to you?" - tanong ko
Hindi sya nakasagot at hindi ko napigilan na umirap.
Wala akong mapapala dito. Tuwing nagtatanong ako, hindi naman sya sumasagot. Sayang sa oras. Time is gold, ika nga nila.
I was about to walk away when he held my wrist and dragged me all the way to the garden.
BINABASA MO ANG
THAT NERD IS BULLIED BY THE BADBOY AND THE CASSANOVA
Teen FictionIsang nerd na palaging pinagbubulungan, pinagtatawanan, pinagtritripan at higit sa lahat, binubully ng dalawang pinaka tinitingala sakanilang eskwelahan. Pero paano kung dumating ang araw na mahulog sila sa isa't isa? Sino ang mapipili at sinong mai...