Chapter 2 - Girlfriends?!

227 7 0
                                    

Diana's POV:

Nandito ako ngayon sa parking lot at kasalukuyang hinihintay si Manong Roger. Half day lang kami ngayon dahil may meeting daw ang mga teachers. Mabuti na din yun para wala ng magawang kalokohan sakin yung dalawang kumag.

Nung dumating na si Manong Roger ay sumakay na ako sa sasakyan at hinintay na makadating kami sa bahay.

"Ahm Manong?" - tawag ko sakanya

"Bakit po, Ma'am?" - tanong nya

"Umalis na po ba sila Mama sa bahay?" - tanong ko

"Ay hindi po, Ma'am" - sagot nya

"Bakit po? Diba po may business trip sila ngayon?" - tanong ko pa

"Nagpa rebook po sila ng flight kasi ipapakilala daw po ng mga Kuya nyo ang mga girlfriend nila" - sagot ni Manong dahilan para manlaki ang mga mata ko

"Girlfriend?!" - gulat na sabi ko

"Opo. Hindi nyo po alam?" - tanong ni Manong at umiling naman ako

Nang makarating kami sa bahay ay agad akong bumaba at pumasok sa loob ng bahay. Nakita ko sila Kuya na nanonood ng TV sa sala pero hindi ko sila pinansin at dere deretsong umakyat sa kwarto ko. Nasa gitna na ako ng hagdan ng magsalita si Kuya Gray kaya napatigil ako.

"Oh? Half day lang kayo?" - tanong nya

Magkaiba kasi kaming tatlo ng school kaya wala kaming alam sa mga schedule namin. Sabi kasi nila, ayaw daw nila akong makasama sa isang school dahil nagsasawa na daw sila sa panget kong mukha. The hell I care? Tsk! Sinira nila yung deal namin kaya bahala sila dyan.

Nagtuloy tuloy na ako sa pag akyat hanggang sa marating ko na ang kwarto ko. Nagbihis muna ako ng pajama at t shirt bago ako sumalampak sa kama ko.

Matutulog nalang ako kesa makilala ang mga girlfriend nila. Hindi ako interesado at never magiging interesado sakanila noh.

Ipipikit ko na sana ang mata ko ng may biglang kumatok sa pintuan ko kaya inis akong tumayo at binuksan yun.

Nakita ko si Mama na nakangiting nakatingin sakin kaya ngumiti din ako pabalik sakanya at pinapasok sya.

"Ano pong kailangan nyo, Ma?" - tanong ko

"Gusto ko lang sabihin yung tungkol sa dinner natin mamaya kasama ang mga girlfriend ng dalawa mong Kuya" - sagot ni Mama sabay upo sa couch dito

I sighed.

"Pwede po bang wag na akong sumama sa dinner?" - tanong ko

Kumunot ang noo ni Mama.

"Bakit naman? Are you sick? Gusto mo bang next time nalang natin ituloy yun para maalagaan ka namin? I'll tell them" - sabi ni Mama at mabilis naman akong umiling at umupo sa tabi nya

"No, Ma. I'm not sick. I just..... don't want to meet them" - sabi ko

"Why?" - tanong ni Mama

"May deal kasi kami nila Kuya. Na hangga't hindi pa ako nagdedebut, hindi kami papasok sa isang relationship. But I guess, they forget and broke that deal" - sagot ko

"Alam mo, Anak? Hindi na siguro nakayanan ng mga Kuya mo na mahulog sa mga girlfriend nila ngayon kaya napilitan silang suwayin yung deal nyo. Sa tingin mo? Ano ang mas pipiliin ng mga Kuya mo? Yung deal nyo ba o ang kaligayahan nila kasama ang mga girlfriend nila?" - tanong ni Mama

Hindi ako nakasagot. Nakita kong ngumiti sya sakin bago sya muling nagsalita.

"Alam kong alam mo kung ano ang sagot dun. I just hope that you understand it, Bea. And I'm expecting you to be there at our dinner later. Okay?" - sabi ni Mama at iniwan na ako dito sa kwarto ko.

I sighed again.

Maybe she's right. Hindi naman siguro ako ipagpapalit nila Kuya sa mga girlfriend nila diba? Hays, thank you talaga kay Mama.

Kaya imbes na matulog ako ay nagbihis nalang ulit ako ng maong short na medyo mahaba at isang simpleng t shirt. Pagkatapos nun ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba na.

"Tagal mo naman magbihis" - sabi ni Kuya Gray sakin

"Pake mo ba?" - sabi ko

"Ewan ko sayo, kapatid kong nerd! Basta magready ka nalang para mamaya" - sabi nya

"Mamaya? Anong meron mamaya?" - pagmamaang maangan ko

"Di bagay sayo magsinungaling. Alam ko namang alam mo kung anong meron mamaya" - sabi nya

"Yeah right. Pero sorry nalang dahil hindi ako sasama" - sabi ko

"Ha?! Bakit?!" - tanong ni Kuya Jayce

"Eh sa ayoko eh" - sagot ko

"Hindi pwedeng hindi ka sumama mamaya!" - sabay na sabi nilang dalawa

"At bakit naman?" - taas kilay kong tanong

"Kasi ikaw yung dahilan kung bakit magkakaroon tayo ng dinner mamaya" - sagot ni Kuya Jayce

"Ako? Bakit ako?" - naguguluhang tanong ko

"Eh kasi, naikwekwento ka namin sakanila. Mukhang nagustuhan ka kaya pinilit nila kami na magdinner kasama kayo para mameet ka nila" - sagot ni Kuya Gray

"Ahh. Eh paano ba yan? May pupuntahan ako eh" - sabi ko

"Cancel mo muna" - sabi nilang dalawa

"No" - sabi ko habang umiling iling

"Ano bang pwede naming gawin para makasama ka mamaya?" - tanong ni Kuya Jayce

"Say the magic word" - sabi ko

"Psh! Sige na! Bibilhan ka namin ng mga libro but promise us na sasama ka mamaya sa dinner. Okay ba yun?" - tanong ni Kuya Jayce na tinanguan ko naman

THAT NERD IS BULLIED BY THE BADBOY AND THE CASSANOVATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon