Chapter 5 - Make Over

216 10 0
                                    

Diana's POV:

"Ate Kylie! Ate Pat!"- tawag ko sakanila

"Nandito ka na pala. Sorry ha. Busy kasi kami sa Monday eh, kaya we decided na ngayon nalang. Okay lang naman sayo diba?"- sabi ni Ate Kylie

"Oo naman po." - sabi ko

"So, let's go na?"- yaya ni Ate Pat at tumango naman kami ni Ate Kylie

"Okay. So, ang first step natin is to remove that brace"- sabi ni Ate Pat

"Ahm pwede po bang wag nalang?"- tanong ko

"No. We have to remove it"- sagot ni Ate Kylie kaya napabuntong hininga nalang ako at tumango

Tinanong nila kung sino ang dentist ko at nung sinabi ko kung sino at nasaan sya ay agad nila akong hinila dun.

Pagkatapos ng ilang minuto ay sa wakas ay natanggal na din yung brace sa ngipin ko. Tili ng tili sila Ate dahil bagay daw sakin. Napailing nalang ako at sunod naman nila akong dinala sa isang hair salon.

"Mga Ateng! Buti at napadalaw kayo dito. Sino bang magpapagupit?"- tanong ng isang bakla na lumapit samin

"Angelo, pwede mo bang ayusin yung buhok nitong si Bea?"- tanong ni Ate Pat dun sa bakla sabay turo sakin

Napatingin sakin si Angelo at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

Pinaupo nya ako sa isang upuan dito at hinawakan ang buhok ko.

"Hmm... Bagay sayo yung buhok na hanggang sa collarbone. Tapos syempre para gumanda lalo yung hair mo, irerebond natin sya. Oh ano? Okay ba yung iniisip ko mga beks?"- tanong ni Angelo kila Ate

"Go for it!"- sabi ni Ate Kylie

Sinimulan ng ayusin ni Angelo ang buhok ko at gaya ng sinabi nya kanina, ay ginupit nga nya ang buhok hanggang sa collarbone at may kung anong nilagay sa buhok ko para maging straight sya. Kinulayan nya din iyong ng kulay brown para daw mas gumanda. Hindi na ako umangal dahil siguro naman, maganda ang kalalabasan ng gagawin nya.

"Waaaaah!!! Ang ganda na ng hair mo!"- sigaw ni Ate Pat

Tinignan ko ang buhok ko sa salamin na nasa harap ko at tama nga si Ate Pat. Ang ganda nga. Bagay sakin.

"Libre na yan, bakla ha! Babye!"- sabi ni Ate Kylie at hinila na ulit nila ako palabas

"Step number three. Tanggalin ang malaking salamin na yan"- sabi ni Ate Pat

"No! Ayoko po!"- pagtanggi ko

Hindi ako sanay kapag hindi ko suot yung salamin ko.

"Bea, no more complaints. Just trust us with this. Okay?"- sabi ni Ate Pat

Bumuntong hininga nalang ulit ako at dahan dahang tumango.

Dinala nila ako sa bilihan ng salamin. Pinutol nila yung salamin ko at pinasuot nila sakin yung binili nilang contact lense. Hindi ko sanay sa ganito pero sabi nila Ate ay masasanay din daw ako.

Nung natapos na kami dun ay sunod nila akong dinala sa bilihan ng mga damit. Madami silang piniling damit at pinasukat sakin. Binili nila lahat yun dahil bagay daw lahat sakin at wala na daw akong masusuot kung hindi ang mga iyon dahil pinatapon na daw nila kila Kuya yung mga damit ko sa bahay.

Kung ano ano pa ang binili nila para sakin. Mga flat shoes, heels, bags, school uniform na yung blouse ay hapit na hapit sa katawan ko at yung palda na sobrang iksi. Ang huli naming binili ay yung black shoes ko para sa school. 4 inches lang yung taas nung heels kaya sigurado naman akong hindi ako matitilapid kapag suot ko na iyon.

"OMG! Sabi ko na nga ba eh! Ang ganda ganda mo! Kulang lang sa ayos pero tignan mo naman ngayon! Para kang dyosa! Kyaaaah!"- tili ni Ate Kylie

Awkward akong ngumiti sakanila.

"Tama ka dyan, Kylie. Siguradong magugulat ang pamilya mo sa itsura mo ngayon."- sabi naman ni Ate Pat

"Thank you po mga Ate"- pagpapasalamat ko dahil sobra ang ginawa nila sakin

"Its okay. Your very welcome. So, paano? Hatid ka na namin sa bahay nyo"- sabi ni Ate Kylie

"Ah eh may bibilhin pa po kasi alo, dito. Una nalang po kayo"- sabi ko

"Okay sige. Kita kits nalang tayo sa bahay nyo. Bye!"- paalam nila Ate Kylie

Nagwave ako sakanila bago ako tumalikod at magpunta sa bookstore.

Bumili ako ng mga bago kong babasahing libro dahil natapos ko na lahat ng libro ko sa bahay. Papunta na sana ako sa counter para bayaran yung mga kinuha ko ng bigla akong may makabunggo. Naupo ako sa sahig at tumalsik yung basket ko sa isang gilid. Pagtingala ko, nakita kong si Jasper pala yung nakabangga ko. Nakatingin sya ngayon sakin at nakakunot ang noo. Hindi siguro ako mamukhaan.

Tumayo na ako at pinagpag ang sarili ko. Kinuha ko yung basket ko at ngumiti sakanya.

"Bakit ka nandito?"- tanong ko

"You look familiar. Kilala ba kita?"- kunot noong tanong nya

"Ako si Diana Beatrice Santos. Yung palagi mong binubully sa Saint Margaret Academy. Oh ano? Nakikilala mo na ba ako? "- tanong ko

Nanlaki ang mata nya at napaawang ang labi nya ng marinig nya ang sinabi ko.

"Ikaw yan?"- hindi makapaniwalang tanong nya

"Yeah. Inayos ng Ate mo at Ate ni Andrew yung itsura ko eh"- sagot ko

"Kilala mo si Ate Pat?"- tanong nya

"Oo. Girlfriend yun ng Kuya ko eh"- sagot ko

"Ano?! Girlfriend ng Kuya mo?!"- gulat na tanong nya

"Di mo alam?!"- tanong ko

"Itatanong ko ba kung alam ko?!"- inis na tanong nya

"Ewan ko sayo!"- sabi ko at inirapan muna sya bago ako tumuloy sa pagpunta sa counter

Binayaran ko na yung mga libro na kinuha ko at lalabas na sana dito sa bookstore ng may biglang humila sakin.

Hindi ko makita yung mukha nya dahil nakatalikod sya sakin. Natakot tuloy ako bigla. Parang kasing may masama syang gagawin.

At dahil sa sobrang natakot na ako ay nagsimula na akong magpumiglas.

"Hoy! Kung sino ka man, pakawalan mo na ako! Maawa ka sakin. Bata pa ako. Madami pa akong pangarap sa buhay. Gusto ko pang maging photographer. Gusto kong matigil muna yung pangbubully sakin nung dalawang kumag bago mo ko patayin. Gusto ko pang ikasal sa simbahan! Kaya please! Pakawalan mo na ako!"- sigaw ko

"Shut up, will you?"

What the?!

"Andrew?!"

-
A/N: Yung picture po sa multimedia is yung new look ni Beatrice. Hope you like this chapter. Pleaee vote and comment. Thank you.

THAT NERD IS BULLIED BY THE BADBOY AND THE CASSANOVATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon