PROLOGUE

88 3 0
                                    

(Candice POV)

Malakas na tugtugin na sinasabayan nang saliw nang tilian at tawanan nang mga taong nagkakasiyahan habang nag-iinuman ang nasa paligid ko na dati'y lubos kong inaayawan ngunit wala doon ang kamalayan ko kundi nasa alaala nang taksil kong kasintahan.

Flashback

It's just 6am in the morning but I'm on my way to Jedrick's condo. He is my boyfriend for three years already and today is our 3rd Anniversary and I'm going to surprise him today. I rushed to the elevator, pushed the button of the floor where he lives then tapped my foot on the floor non-stop while thinking what should I say first when I see him. Agad akong lumabas nang bumukas ang elevator at naglakad patungo sa room number ng condo n'ya. Napakatahimik nang pasilyo na bumungad sa akin at hindi ko alam kung bakit pero nagpapadagdag iyon sa namumuong kaba sa puso ko na hindi ko naman alam kung para saan. Pagdating ko sa pinto ay agad kong ini-enter ang date nang birthday ko at agad naman itong bumukas. Pumasok ako at isinara ang pinto bago nagpatuloy sa paghakbang patungo sa kwarto n'ya dahil nasisiguro kong tulog pa s'ya hanggang ngayon habang bitbit ko ang dala kong cake sa isang kamay at sa kabila naman ay ang red wine at regalo ko para sa kanya na sadya kong pinag-ipunan para sa araw na ito. Hindi ko maintindihan kung bakit habang papalapit ako nang papalapit sa kwarto n'ya ay papalakas naman nang papalakas ang matinding kaba at pag-aalalang nararamdaman ko hanggang sa sumapit ako sa mismong harapan ng kwarto n'ya at kahit nag-aalala ako ay pinihit ko pa rin ang seradura nang pintuan na hindi naman nakalock kaya agad naman akong nakapasok. Ang malawak na ngiti na isasalubong ko dapat sa kanya ay biglang naglaho at ilang sandali akong natulos sa kinatatayuan ko dahil sa nasaksihan nang dalawa kong mga mata.

In the broad daylight, si Jedrick na natutulog sa kama habang katabi ang bestfriend n'yang si Joanne, kapwa walang-saplot at magkayakap pa. Mabilis na nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko nang marealize ko kung ano ang ibig sabihin nang nakikita ko ngayon.

Ako ang dapat manunurpresa ngunit ako ang nasurpresa sa nadatnan kong tagpo sa pagitan nilang dalawa!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at dala nang matinding galit ay sumugod ako sa magkatabing mahimbing pa ring natutulog, binuksan ko ang dala kong red wine at ibinuhos sa kanila dahilan para pareho silang mapabalikwas nang bangon mula sa pagkakahiga at gulat ang mga ekspresyong napatitig sa akin.

"Babe..What are you??...I mean..what's happening?!" -tila ba gulat na gulat n'ya pang tanong habang nakatitig sa luhaan kong mukha bago napabaling ang tingin sa babaeng katabi n'ya sa higaan na matapos makabawi sa pagkabigla ay nanatili na lang sa pagkakayuko na tila ba sising-sisi sa ginawa n'ya.

"What's happening?! What's happening mong mukha mong hayop ka! Mga manloloko! Baboy! Taksil!" -galit na galit ko pa ring sigaw tsaka isinampal sa mukha n'ya ang hawak kong cake.

In His EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon