CHAPTER 1

78 3 1
                                    

*First Encounter*


(Candice POV)

Nagmamadali akong pumasok sa bahay namin para masayang ibalita sa mama ko na ako ang nanguna sa klase namin para sa buong taong iyon ng pasukan kaya naman agad akong nagdiretso sa kwarto n'ya nang hindi ko s'ya makita sa kusina subalit laking pagtataka ko nang sa halip na sa kwarto n'ya ay sa kwarto ko s'ya natagpuan.

"Ma, saan po tayo pupunta?"
-nagtataka kong tanong matapos kong makita ang mama ko na nag-eempake ng mga gamit namin.

Gulat s'yang napalingon sa akin ngunit agad din na ngumiti matapos akong makita tsaka ipinagpatuloy muli ang pagsisilid ng mga gamit ko sa isang malaking travelling bag.

"Sa bahay na nang Tito Arthur mo tayo titira anak. Tinanong mo ako dati kung pwede mo ba s'yang maging daddy hindi ba?" -nakangiti n'yang sabi bago muling tumingin sa akin. Pinalapit n'ya ako at pinaupo sa kanyang tabi na s'ya ko namang ginawa. Pansamantalang itinigil ni mama ang ginagawa n'ya at humarap sa akin. Hinawakan n'ya ang isa kong kamay habang hinahaplos naman ng malayang kamay n'ya ang buhok ko bago ako muling kinausap. "Anak ayos lang ba sa'yo na magpakasal ulit ako? Okay lang ba na maging daddy mo na rin si Arthur?" -kinakabahang tanong ni mama habang masuyo pa ring hinahaplos ang nakalugay kong buhok.

"Paano na po si Papa? Hindi n'yo na po ba s'ya mahal?" -malungkot kong tanong na agad n'yang inilingan.

"Hinding-hindi mangyayari na mawawala ang pagmamahal ko sa papa mo anak. Kahit na gaano pa s'ya katagal na mawala sa piling natin, mananatili lang s'ya dito sa puso ko, hinding-hindi mawawala sa puso natin yung pagmamahal natin para sa kanya dahil ang pagmamahal, lumipas man ang matagal na panahon, kumukupas ito pero hindi naglalaho. Mahal na mahal ko ang papa mo pero napamahal na rin sa akin ang Tito Arthur mo kaya naman gusto ko sana s'yang makasama hindi lang para sa akin kundi para sa'yo rin anak dahil mabibigyan n'ya tayo nang mas maayos na buhay, mapapag-aral ka n'ya sa mga kilala at malalaking unibersidad." -nakangiti n'yang paliwanag na sa kabila nang bata kong edad ay agad ko namang naintindihan kaya naman napatango na lang ako.

"Ayos lang po Mama. Basta ipangako mo po na magiging masaya kayo tsaka napamahal na rin naman po ako kay Tito Arthur dahil parang anak na din po kung ituring n'ya ako." -masaya kong pagsang-ayon na tinugon naman ng masayang yakap ni mama.

"Salamat sa pag-unawa mo kay mama, anak. Napakaswerte talaga namin ng papa mo dahil binigyan kami nang walang kasingganda, kasingtalino, at kasingbait na anak na katulad mo." -tuwang-tuwa na sabi ni mama na pinanggigilan pa akong yakapin at pupugin nang halik sa baba na sinagot ko lang sa pamamagitan nang malalakas na tawa dahil sa malakas kong kiliti sa baba ko.

"Tama na..tama na po ma. Hindi na ko makahinga..haha..may..may sasabihin pa po ako.hahaha." -hinihingal sa kakatawa kong sabi na pilit na kumakawala sa pagkakayakap at pangingiliti n'ya.

"Ano naman iyon?" -nakakunot ang noong tanong ni mama na sa wakas ay itinigil na rin ang pangingiliti sa akin.

"Kasi po..Ma..kasi po..kailangan n'yo daw pong pumunta sa school.." -maluha-luhang sabi ko na agad ikinabahala ni mama.

"Bakit? Anong nangyari anak? May umaway ba sa'yo? Nasaktan ka ba? May nalabag ka bang rules sa school n'yo? Pinagalitan ka ba ng teacher mo?! Kawawa naman ang baby ko.." -tumutulo ang luhang tanong ni mama na tinangka pa akong abutin para yakapin na literal kong ikinatulala.

"Anak?! Diyos ko po! May nangbubully ba sa'yo sa school n'yo at tinatakot ka kaya hindi ka makapagsalita?! Sabihin mo sa'kin anak. Ako na ang bahala. Kakampi mo ako! 'Wag mong isiping nag-iisa ka lang." -umiiyak na sabi ni mama habang niyuyugyog ako nang malakas na nagpagising sa utak kong pansamantalang natulala dahil sa sobrang pagiging OA ni mama.

"Ahahaha! Grabe Ma! Dapat nagtry ka mag-artista! Malamang kasama ka na ngayon sa mga batikang aktres na tumanggap nang awards dahil sa galing sa pag-arte! Ahahaha..grabe talaga!" -malakas kong sabi habang tumatawa na agad ding natigil dahil sa malakas na batok na natanggap ko sa mama ko kaya wala akong nagawa kundi dumaing na lang habang hinihimas ang batok ko na sigurado akong pulang-pula ngayon. "Hindi lang pwedeng pang-artista, pwede ding sadista ang ganap n'ya!hehehe." -pahabol ko pang naisip na hindi ko na lang sinabi dahil ayokong makatanggap nang round 2 sa batok ko.

"Ano ba kasi 'yon? 'Wag mo nga akong pinag-aalala nang sobra! Ikaw talagang bata ka!" -panenermon n'ya pa na sinang-ayunan ko na lang dahil malamang ay maglilitanya na naman siya nang pagkahaba-haba kapag nangatwiran pa ako.

"Ito na po talaga...Sabi po nang teacher ko..kailangang-kailangan n'yo daw po talagang pumunta sa school ko dahil kailangan n'yo po akong samahan sa pagreceive ng mga awards ko dahil ako po ang top 1 sa klase namin. maliwanag po ba?" -dahan-dahan kong paliwanag na tinatanguan n'ya lang na ikinadismaya ko nang konti.

"Yun lang naman pala eh! Pinakaba mo pa 'ko! Kailangan ko lang naman palang sumama dahil sa nga awards...dahil sa mga awards?! Totoo ba anak?! Top1 ka talaga?! Valedictorian ka?!" -mula sa pagiging mahinahon ay OA na naman nitong tanong na sinagot ko nang sunod-sunod na tango na ikinatahimik n'ya pansamantala pero nagulat na lang ako nang bigla s'yang tumayo tsaka nagmamadaling lumabas nang kwarto ko at nagtuloy-tuloy sa pinto palabas ng bahay tsaka biglang sumigaw,
"Mga kapitbahay! Top 1 si Ice! Valedictorian ang anak ko! Number 1 sa school ang Ice ko!" -masayang-masaya n'yang sigaw na ikinatulo nang luha ko dahil sa pagbaha nang walang mapagsidlang kasiyahan sa dibdib ko. Narinig ko ang sigaw nang mga kapitbahay na binabati ako at si mama. May nagtatanong pa kung ano daw ang mga handa na sinagot agad ni mama na magluluto daw s'ya nang pansit palabok at inaanyayahan ang mga kapitbahay namin na dumalo at may pahabol pa si mama na wag daw kalilimutang magdala nang regalo para sa akin na inoohan na lang ng mga kapitbahay namin.

Maya-maya pa ay isinarado na ni mama ang pinto bago ngiting-ngiti ang mga labi at may luha ang mga mata na humarap sa akin tsaka ako sinunggaban nang yakap. "Wala man dito sa tabi natin ngayon ang papa mo anak ay alam kong masayang-masaya s'ya..Ipinagmamalaki ka namin anak! ItSobra-sobra ang pasasalamat namin sa Diyos dahil ikaw ang ibinigay N'yang biyaya sa amin. Mahal na mahal ka namin." -umiiyak pa ring bulong ni mama na tinugon ko naman sa pamamagitan nang mas mahigpit pang yakap.

"Mamaya ko na itutuloy ang pag-eempake, tatawagan ko muna ang tito Arthur mo para ibalita ito at pagkatapos ay magluluto ako nang mga handa mo, magpahinga ka na muna sa kwarto mo." -nakangiting sabi ni mama na hinatid ako sa kwarto ko at hinalikan muna ako sa noo bago nagmamadaling pumunta sa kanyang kwarto.

Dahil sa pagod naman talaga ako dahil sa dami nang inasikaso ko sa school kanina ay agad akong nakatulog pagkalapat nang likuran ko sa kama.

**********

Pagkalipas nang ilang oras ay nagising ako dahil sa ingay sa labas nang aking kwarto, tila ba nagsimula na ang munting salo-salong nagaganap sa aming sala kaya agad akong kumilos upang magpalit nang damit na kanina ko pa suot, nagpulbos at bahagyang nagwisik nang pabango upang presentable naman akong tingnan nang mga bwisita este bisita namin sa labas.

Akma ko na sanang bubuksan ang pinto nang biglang may naunang pumihit nang seradura at nagbukas nito at tumambad sa akin ang pinakagwapong nilalang na ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko.

Malakas at sunod-sunod na pagtibok ang naramdaman ko sa puso ko nang maglapat ang mga mata naming dalawa dahil sa unang pagtingin ko pa lang sa kanya ay ang mga matang iyon agad ang unang umagaw at umakit sa aking pansin,

Those deep blue fierce eyes...




∞∞∞∞¤¤¤¤∞∞∞∞¤¤¤¤∞∞∞∞¤¤¤¤

Vote...Comment...Follow...

Thanks for reading. :)

Godbless. :*

In His EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon