Part 2 ♥

1.3K 45 3
                                    

7pm na nang makabalik kami sa bahay. May mga dinaanan pa kasi kami ni Hailey.

          “Pic, magbihis na ako,” paalam niya.

Ako naman umakyat na sa kwarto ko para magbihis na rin. Hinubad ko na ‘yung uniform ko at tumingin ako sa salamin. “G*go ka Gab, paano ako mang-chi-chicks mamaya kung may sugat ako sa mukha. Tsk. May araw ka rin sa’kin,” sabi ko sa sarili ko.

Nagsuot ako ng polo with tie and jeans. Humarap ulit ako sa salamin as I put on my piercings. Tinaas ko ‘yung buhok na kapag nasa school ay bagsak lang.

          “A’yan, gwapo ka na ulit Xavier.”

Mas okay pa kapag nasa labas kami ng school pero nakaka-enjoy naman kasi ‘yung mga ginagawa naming kalokohan ni Hailey.

          “Pic, matagal ka pa ba?” sigaw ni Hailey sa labas ng pinto ko.

Binuksan ko ‘yung pintuan ko. “Sexy as always,” sabi ko. Ang sexy naman kasi ng best friend ko. Naka party dress kasi siya with her high heels. Parang hindi si Sam Cruz. Ang ganda kaya nitong bestfriend ko. Patulan ko na kaya? Haha.

          “Hindi mo ako madadala sa bola mo, Pic. Tara na.” Bumaba na kami at umalis na.

          “Hindi ba tayo magdi-dinner?” tanong ko.

          “Mamaya na. Busog na ‘yang mga mata mo, ba’t kakain ka pa.” Kilalang kilala na talaga ako ni Hailey. Hahaha.

Pagdating namin sa club, pinark ko na ‘yung kotse ko. May exclusive parking lot para sa’min lang ni Hailey. Malakas kami sa may-ari eh. Kami kasi ang nagpaparami ng customers niya.

          “Ang gwapo ni Xavier, ‘no?” bulong nu’ng isang babae.

          “Oo, tapos ang sexy naman ni Hailey. Bagay talaga sa kanila maging Party King & Queen,” sagot naman nu’ng isa.

Nilapitan ni Hailey ‘yung dalawang nagbubulungan. “Nagbubulungan kayo rinig na rinig naman.” Sabay irap nya sa dalawang babae.

Ang taray talaga. Tsk. Naglakad na ulit si Hailey. Nilapitan ko rin ‘yung dalawang babae at inakba’yan ko sila, “Pagpasensiyahan niyo na si Queen.” I pecked on their cheeks.

Hailey

Iniwanan ko na si Xavier habang inuuto niya ‘yung dalawang babae. Ayaw ko kasing pinagbubulungan kami kahit na maganda ‘yung sinasabi nila.

Nagulat ako nang may biglang humatak sa’kin. “Hi. Ikaw pala ‘yung Queen dito,” sabi niya at nilingon ko siya.

Shems. Si Gab. Nakangiti siya. Siguro hindi niya ako nakilala. I have to act naturally. “Don’t touch me,” sabi ko at tinanggal niya ‘yung pagkakahawak niya sa braso ko.

Tinitigan niya ako. “Nagkita na ba tayo dati?” tanong niya.

          “Baka nakita mo na ako sa panaginip mo.” Tinaasan ko siya ng kilay.

          “Hey. May I borrow my Queen?” Napalingon ako sa kaliwa ko. Whew, buti na lang dumating si Xavier. Nu’ng nakita ni Gab si Xavier, umalis na siya.

          “Nakilala ka niya?” tanong ni Xavier.

          “Buti nga hindi eh. Tara, sabi nu’ng may-ari may auction daw”

Auction ‘yun para sa one-day-date namin ni Xavier. Once in a month lang ginagawa ‘yun at kapag nasa mood lang kami ni Xavier.

          “Let’s go my, Queen.” He said as he asks for my hand. Naglakad na kami papunta sa stage. Nagsisigawan na ‘yung mga tao.

          “Let’s all welcome our King and Queen!” pag-announce nu’ng may-ari.

          “Xavier!!!” sigaw nu’ng mga babae.

Pagkaakyat namin sa stage, ngiti lang kami nang ngiti ni Xavier.

          “Wooo! Ang ganda mo talaga, Hailey!” Tiningnan ko ‘yung sumigaw. Buti naman at hindi si Gab.

          “Dami mong admirers,” bulong sa’kin ni Xavier.

          “Tumigil ka nga, Pic.” Nu’ng napansin nu’ng mga tao na nagbubulungan kami kinilig na sila. Marami kasing nagsasabi na bagay na bagay talaga kaming dalawa. Kahit kaming dalawa na lang daw ni Xavier ay okay na sa kanila.

          “Okay. Shall we start our auction??” sabi nu’ng may-ari.

Kalahating oras din ang tinagal nu’ng auction. Nakaupo lang kami ni Xavier, nagbubulungan. Nakakainip kasi eh.

          “And the winner for one-day-date with our Queen is...” Napatingin ako du’n sa may-ari. Sino naman kaya ang ka-date ko ngayon??? Wag naman sana manyak ‘di ba???

          “He pays for 25K para lang maka-date at makasama ng isang araw ang ating Queen.” Ang yaman naman nu’n. Ganu’n niya ako kagustong ma-date? “And our lucky guy is... GAB MARTINEZ!!!”

Pagkarinig namin sa sinabi ng may-ari, nagkatinginan kami ni Xavier.

          “Pic,” bulong ko kay Xavier.

Tumayo kaming dalawa ni Xavier. Hinawakan niya ‘yung kamay ko at nilapitan namin ‘yung may-ari. Kinuha ni Xavier ‘yung mic. “I’ll pay 50K to date my Queen.” Mas lalo akong nagulat sa sinabi ni Xavier, sira talaga to.

          “Adik ka ba?” bulong ko.

          “Kaysa naman mabisto tayo ni Gab.” May point siya. Binigay na ulit ni Xavier ‘yung mic sa may-ari.

          “Mukhang ayaw ipamigay ni King si Queen. First time mangyari nito. So, any higher than 50K?” Wala nang nag-taas ng kamay, means si Xavier na ang nanalo. Whew.

Niyakap ako ni Xavier. “Paano ba ‘yan, may date tayo,” bulong niya.

          “Adik ka ba?” sabi ko. “Tingnan mo si Gab.” Humiwalay ako kay Xavier at tiningnan ko si Gab. Parang inis na inis ‘yung mukha niya. Tsk. Akala naman niya basta-basta lang ako ipamimigay ng best friend ko.

          “Let’s go, my Queen.” He asks for my hand. Bumaba na kami ng stage at nag-start na magsayawan ‘yung mga tao.

Iniwan ako ni Xavier sa counter, magsi-CR lang daw siya. I ordered my drink, medyo bored na kasi ako eh. Iinom na sana ako nang may biglang pumigil sa kamay ko.

          “I’ll definitely date you, for sure.” Nilingon ko siya. As I thought, it’s Gab.

          “Sige, pagmayaman ka na,” sagot ko.

          “Alam mo parang nakita na talaga kita.”

Oo araw-araw mo akong nakikita, araw-araw mo akong binu-bully. Sarap saktan nitong si Gab, sarap basagin ng mukha. Ang yabang-yabang. Tss.

          “Alam mo bang mahal oras ko? And I don’t think you afford it.” I said sarcastically.

          “Oh. You’re with my Queen, again.” Saved by Xavier again. Syempre, dahil talunan si Gab, wala na siyang nagawa kung ‘di umalis.

          “Paano kaya kapag nalaman na ni Gab ‘yung tunay nating identity?” tanong ko.

          “Haha. Baka umurong buntot niyan,” sagot ni Xavier.

Pagkatapos naming uminom ng konti, nag-aya na akong umuwi. Nakaramdam na kasi ako ng antok at may pasok pa kami bukas.

Partner In Crimes(P.I.C) Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon