Part 3 ♥

1.2K 44 1
                                    

Xavier

Kinabukasan, pumasok na kami ni Hailey. Syempre mukhang nerds na kami ulit. Back to normal na daw kasi. Iniwan ko muna ang best friend ko dahil kailanagn kong mag-CR. Pagkabalik ko sa room, parang may hinahanap si Hailey.

          “Pic, anong hinahanap mo?” tanong ko.

          “‘Yung notebooks ko. Iniwan ko lang dito ‘yun bago tayo mag-lunch break.”

          “Parang alam ko na kung sino ang may pakana nito,” sabi ko.

Galing kasi ako sa CR. Magkatabi lang ang CR ng boys at girls. Narinig ko sila Ana, nagtatawanan sila. Si Ana ‘yung mahilig mam-bully kay Hailey.

Nagpunta kami sa CR nila. As I thought, ‘yung notebooks ni Hailey nasa isang drum ng tubig. Tsk. Hindi ito ang unang beses na ginawa nila ‘to. Minsan pa nga, buong bag ni Hailey ang tinatapon nila. Wala rin kaming idea kung bakit nila ginagawa ‘yun.

          “Hay nako.” ‘Yan lang ang sinabi ni Hailey.

Ba’t parang okay lang sa kanya? “Oh. ba’t parang hindi ka nainis?” tanong ko.

          “Ah.Okay lang. Wala naman kasing sulat ‘yang mga ‘yan.”

          “Walang sulat?”

          “Oo. Never akong nagsulat ng notes.” Hindi na ako magtataka, dakilang tamad ‘yang si Hailey eh.

          “Eh, ba’t hinahanap mo pa?”

          “Kunwari lang ‘yun, para isipin ni Ana na affected ako. You know, part of the act,” mataray niyang sabi.

Kinuha namin ‘yung notebooks niya at itinapon na. Bumalik na kami sa room. Nagulat kami nu’ng bigla kaming hinarang ni Gab.

          “Hoy, Sam. Nasaan ka kagabi?”

Mas lalo kaming nagulat dahil sa tanong niya. Hindi kaya alam na niya ang tungkol sa’min? Hindi pa kami kumikino. Nasa likod lang ako ni Sam.

          “Ah. N-nasa bahay lang a-ako. B-bakit?” sagot ni Hailey. Ganyan kami makipag-usap sa mga schoolmates namin, parang laging takot.

          “Sabi ko naman sayo, Gab, imposibleng si Sam ‘yung nakita mo. Ang layo niya kay Hailey, ‘no,” sabi ni Ren, bestfriend ni Gab.

Whew. Akala ko alam na, kinabahan ako du’n ah.

          “Sabagay, mukhang manang ‘tong si Sam,” sabi ni Gab at umalis na sila.

          “Hahahaha. Manang.” Hindi ko na napigilan ‘yung tawa ko. Buti na lang kami palang tao dito sa room.

Tinanggal ni Hailey ‘yung salamin niya, “Itong mukha ko na ‘to, manang? Eh, kagabi nga kulang na lang ubusin niya pera niya sa’kin eh.” Tinuro ni Hailey ‘yung mukha niyang maganda.

          “Ang hot mo naman,” sabi ko.

          “Pareho tayong hot.” Tawa lang kami nang tawa ni Hailey.

          “Aba, mukhang loveteam na ang nerds natin.” Hindi namin napansing nandito na pala si Ana, ang queen of bitches.

Lumapit siya sa’min, “‘Wag ka ngang lumalapit kay Gab,” sabi niya kay Hailey.

          “S-siya ‘yung lumalapit sa’kin,” sagot ni Hailey.

          “Ba’t ka naman lalapitan ni Gab. Duh?”

Partner In Crimes(P.I.C) Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon