"Sofia?!"
"Magandang araw po, Mang Kiko," nahihiyang bati ko sa matanda, ngunit hindi halatang lalaking kaharap ko ngayon. Nakakatuwang sa loob ng dalawang taon ay wala pa rin masyadong nagbabago sa physical appearance niya.
"Jusmiyo, ikaw nga!" Gulat na sambit ni Mang Kiko sa sarili niya 'saka dali daling lumapit at niyakap ako.
"Bata ka. Ba't ngayon ka lang nagpakita ha?" Aniya matapos akong harapin.
"Pasensiya na po, Mang Kiko. Pasensiya na po talaga." Naiiyak na sambit ko sa kanya.
"Naku, ayos lang 'nak. Kamusta ka na ha? Sikat na sikat ka na raw ah?"
"Hindi naman po," natatawa kong sagot sa kaniya. "Ayos naman po ako. Naging maayos naman po ang buhay ko sa Maynila."
"Mabuti naman kung ganoon, 'nak." Natutuwang sambit niya.
"Sinong na'riyan, Kiko?" Sabay-sabay kaming napatingin sa pinto kung saan nanggaling ang boses na iyon. Nanay Melba...
"Melba," sambit ni Mang Kiko, 'saka lumapit sa babaeng lumabas mula sa pinto. "Si Sofia, bumalik na."
"Sino?" Nagtatakang tanong ni Nanay Melba, at saka unti-unting lumingon sa direksyon namin ni Jessica.
"'Nay Melba... kamusta na ho kayo?" Bati ko sa kanya.
"Sofia? Ikaw na ba yan?!" Gulat na tanong niya sa akin habang lumalapit sa pwesto namin ni Jessica.
"Opo, 'Nay."
"Diyos ko, namiss ka namin." Natutuwang aniya saka ako niyakap.
"Namiss ko rin po kayo." sagot ko.
"Mas lalo kang gumanda, iha. Kailan ka pa dumating?" Tanong niya matapos kaming maupo sa bamboong upuan nila.
"Ngayon lang ho. Actually, si Jessica po ang unang nakakita sa akin." Kwento ko.
"Yes, Nay. Ayaw pa ngang magpakita kung hindi ko pinilit." Sabi naman ni Jessica na tinapunan ko pagkatapos ng masamang tingin.
By the way, si Mang Kiko at si Nay Melba ay mag asawa, at apo nila si Jessica na best friend ko. Nang mamatay ang mga magulang nila Jess, sina Mang Kiko na ang nag alaga sa kanilang magkapatid.
"Alam na ba ni Mareng Pina na andito ka na?" Tanong ni Mang Kiko.
"Ah, hindi pa po eh. Balak ko po kasi sana siyang supresahin." Sagot ko. Eto naman kasing si Jessica, dinala agad ako sa bahay nila kaya hindi tuloy ako nakadiretso muna saamin.
"Sige po 'Nay Melba, Mang Kiko, mauna na po ako." Paalam ko sa kanila. They had been my second family kaya sobrang close namin sa isa't isa.
"Ay, teka lang po," sabi ko. Agad kong kinuha ang bag ko, at inilabas doon ang mga pasalubong ko sa kanila. "Para po sa inyo." Iniabot ko kay 'Nay Melba ang isang malaking ecobag na naglalaman ng mga tsokolate, ilang damit at pagkain.
"Ay nako anak, nag abala ka pa. Maraming salamat!" Maligayang sambit niya sa akin.
"Walang ano man po, 'Nay. Pero promise po, sa susunod na balik ko rito ay siguradong mas marami pa po ang ibibigay ko sainyo." Sabi ko. They deserve it. It's my other way of saying thank you to them for all the kindness that they showed me.
"Naku, salamat talaga, iha." Tugon ni Mang Kiko.
"Welcome po. Sige po, pupuntahan ko na po si Mama Pina." Paalam ko. Nag mano muna ako sa kanila bago umalis.
"Gusto mong samahan kita sa papunta sa bahay niyo? Alok sa akin ni Jessica.
Umiling ako, at sinabing, "No need, Jess. Tanda ko pa naman ang daan papuntang bahay."
BINABASA MO ANG
This Town
Novela JuvenilSofia Marquinez, a rising author, once made a decision to pursue her dream no matter what, even if it means leaving someone behind. And now, she's going back to her town to pursue another dream of her, but this time, it would be a lot more harder fo...