· Chapter 4

1 0 0
                                    


"Good morning, earth!" Malambing na sambit ko sa hangin. Ang ganda ng gising ko, feeling ko, ang ganda ng magiging araw ko. Feeling ko, ang linis ng hangin, mapayapa ang mundo. Hayy... sana laging ganito.

Naligo muna ako bago lumabas ng kwarto. Paglabas ko'y nadatnan kong naghahanda ng almusal si Mama. She smiled, then greeted me sweetly when she saw me, and I also did the same.

Kumakain kami ng almusal ng mapansin kong maraming tao ang mukhang busy sa labas. Anong meron?

"Ma? Bakit mukhang busy ang mga tao ngayon?" Tanong ko habang nakatingin sa nakabukas naming bintana.

Inubos niya muna ang pagkaing laman ng bibig niya bago ako sinagot, "Nakalimutan mo yatang disperas ng fiesta sa atin ngayon."

"Po?!" Gulat na tanong ko, then napaisip ako kung anong petsa ngayon. "Ay, oo nga po pala!" Saad ko.

"Magkakaroon ulit ng Sayawan mamayang gabi. Pupunta ka?" Tanong niya 'saka uminom ng kape.

Napaisip ako... gusto kong pumunta, syempre, pero paano kung nandoon siya? Handa na ba akong makita siya? Alam ko namang darating din araw na magkikita kami ulit, pero, hindi ako handa. Alam kong hindi ako handa. Pero, hanggang kailan? Pag huli na ang lahat, Sofia?

Ikaw ang nang iwan, Sofia, ikaw.

"Opo, Ma. Pupunta ako." I smiled. Ready or not, I have to face my fear.

---------

"Good morning, Yumi."

"Uy, hi! Good morning din." Sagot ni Yumi na kasalukuyang nakaupo sa isang parihabang upuang kahoy, habang nagtetext.

"Uuyyy, si Yumi, may katext. Boyfriend mo?" Pabirong tanong ko, 'saka naupo sa tabi niya.

"Naku, hindi noh! Si... si Lea lang 'to, kaklase ko noon." Paliwanag niya, sabay tago ng cellphone niya.

"Ah." Sabi ko habang tumatango. "Siguro, ang dami ng nanligaw sayo." Dagdag ko.

"Meron naman, pero hindi naman ganoon kadami. Yung iba kasi, loyal pa rin sayo." and this time, siya naman ang nagbiro.

"Ikaw? May boyfriend ka na siguro. Sa ganda mong yan, imposibleng walang nanligaw sayo doon." Aniya.

Umiling ako at sinabing, "hindi naman boyfriend o manliligaw ang ipinunta ko doon. Tsaka... as far as I know... hindi naman kami nag hiwalay e."

I looked at her to see her reaction, pero umiwas siya ng tingin. "Nakapag usap na ba kayo?" Tanong niya.

"Hindi pa nga eh. Actually, hindi ko pa siya nakikita hanggang ngayon." Sagot ko, 'saka ko binalik ang tingin ko sa punong katapat ko.

"Talaga? Ba't hindi mo siya puntahan sa kanila?" Tanong niya.

"Hindi pa yata ako handa eh." Natatawang sagot ko. Grabe ang katangahan mo, Sofia.

"Sa tingin mo Yumi, may girlfriend na kaya siya?" Tanong ko sa kanya na hindi ko man lang malaman kung handa ba akong marinig ang sagot.

"Oo." Mabilis na sagot niya... and my heart just...

"Sabi mo nga, hindi naman talaga kayo nag break, kasi nga nung umalis ka, hindi ka man lang nagsabi sa kanya. Kaya, baka, kayo pa. Atsaka, oo, Sofia, may boyfriend na ako. Sige, tutulong na ako kay Mama doon sa loob. Bye." Dire-diretsong sabi niya, 'saka pumasok sa loob ng bahay nila. Namamalik-mata yata ako o ano, pero parang namamasa ang mata niya, bago siya pumasok. May problema kaya sila nung boyfriend niya?

Kami pa ba? Hindi na rin siguro ako magugulat kung hindi na. Pagkatapos ng ginawa ko? I guess, I deserve it somehow.

-------

This TownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon