Chapter 20

2.7K 78 2
                                    

Aya's POV

Dumating ako ng bahay at derederetso sa kwarto ko..dun ako nag iiyak hindi ko alam ang gagawin ayokong mawala sa kin si Bel..

"Aya ok kalang? Anung nangyari?" Tanong ni mama na nasa kwrto ko na..

"Ma" tawag ko sa kanya habang umiiyak..
"Si Bel..ayokong mawala si Bel" iyak ko paring sabi..nakikinig lang si mama
"Yung daddy niya dumating at nakita niya kami sa office..galit na galit tinanggalan niya ako ng trabaho at papaalisin pa niya si Bel ng bansa hindi ko kaya ma" iyak ko pa rin..
"Magiging maayos din ang lahat aya wag kang mawalan ng pag-asa" at niyakap ako ni mama..napakswerte ko sa kanya kasi napaka supportive niyang ina..hindi ko na namalayan at nakatulog na ako..

Pagkagising ko si Bel agad ang pumasok sa isip ko
Ano na kaya ang nangyari kay Bel..
Tinawagan ko siya agad naman niyang sinagot..

"Bel..i miss you"
"Aya.." Umiiyak pa rin niyang sabi..
"I miss you aya i'm sorry" sabi niya
"No Bel.. Ipaglalaban kita kakausapin ko ang Dad mo bukas ng mahinahon.."
"I'm leaving tomorrow aya" sabi niya..
"What? No Bel please No!" Sagot kong uniiyak na din..
"Meet me before 6am sa Airport i'll wait for you Aya" sabi niya..itatakas ko siya bahala na hindi ako makakapayag na lalayo siya sa'kin..
"Ok Bel asahan mo..hindi ko kayang mawala ka" sabi ko
"Me too.. I love you Aya"
"I love you too Bel" pagkatapos naming mag usap ay agad akong naghanda ng mga gamit konting damit at pera narin..kung ito man ang sinasabi nilang tanan..itatanan ko si Bel..

Kinabukasan dumating ako bago mag 6am sa airport..

Babe nasa Female restroom lang ako

Text ko kay Bel..

Ok coming babe

Ilang minuto palang nakita ko na si Bel agad niya akong niyakap..hinalikan ko siya sa labi oh how i miss her kisses..

"Ready babe?" Tanong ko..
"For what?" Pagtatanong niya
"To be with me itatanan kita"
Agad siyang napangiti..
"Of course that's why i told you to come here" sagot niya
"Edi tara na" sabay hawak sa kamay niya at lumabas ng Restroom ng hindi nahahalata ng daddy niya..

Dun muna kami sa kapatid ni mama tutuloy alam ni mama lahat ng nangyari at plano ko nagpapasalamat ako at suportado niya ako..
Mga 4 na oras din ang biyahe papunta dun..sana naman maging ok na ang lahat..

Ring ring cellphone ni Bel tumutunog

"Si daddy" sabi niya. Hindi niya ito sinagot at inoff lang niya..tumango lang ako at binigyan siya ng halik sa noo..
Habang nasa biyahe magpapahinga muna kami dahil sa maaga din kaming gumising kanina..

THIRD PERSON's POV

Bilang isang ina tanggap niya ang anak niyang si Aya at suportado niya ito kung ano ang nagpapasaya sa kanya..kaya gagawin niya ang makakaya niya para hindi maghirap ang anak niya..pati na rin si Bel na napamahal na sa kanya..malayo man ang agwat ng edad ng dalawa masaya parin siya na nakikita itong masaya sa isa't isa..

Habang wala si Aya pinuntahan ng kanyang Ina ang Ama ni Bel..
Kumatok si Mrs. Munez sa office ni Mr. Dason(ama ni Isabel)

"Goodmorning sir" bati ni Mrs. Munez
"Goodmorning how may i help you?" Tumingin sa babaeng nakatayo si Mr. Dason at nagulat silang parehas..

"Eddie?" Gulat na sabi ni Mrs. Munez
"Ally?" pabalik na sabi ni Mr. Dason

Gulat na gulat silang dalawa..magkakilala na ang dalawa simula ng college sila..dati silang magkasintahan nung kapanahonan nila..dahil din sa mga magulang ni Eddie kung bakit hindi sila nagkatuluyan mayaman si Eddie pero mahirap lang si Ally kaya ganoon nalang sila pinaglayo ng mga magulang nila..

"Ikaw ang Ama ni Isabel?" Tanong ni Ally
"Oo bakit?" Tanong ni Eddie
"Ina ako ni Aya" sabi niya na mas lalong kinagulat ni Eddie "kaya pala parang may kamukha si Aya" sabi niya
"Look Ally.. Nasaan sila..tinakas ng anak mo ang anak ko" dugtong na galit na sabi ni eddie ng naalala niya ang mga nangyari..

"Huminahon ka eddie nandito ako para makipag usap sayo ng masinsinan" paliwanag ni Ally..
Agad namang nakinig si Eddie sa sinabi ni ally..

"Umupo muna tayo" pag aalok ni eddie kay ally..
"Eddie pakinggan mo ako.." Agad namang sabi ni ally..tumango si eddie..
"Mahal ng anak ko ang anak mo eddie hindi ko kayang paghiwalayin ang dalawang taong masaya sa isa't isa.. Eddie alam mo ang pakiramdan ng ganon" maiyak iyak na sabi ni Ally.. Walang imik si Eddie nakikinig lang siya sa mga sinasabi ni ally..

"Hindi ko gustong maulit ang nangyari sa tin eddie kung gaano natin ka mahal ang isa't isa noon pero wala tayong nagawa hindi nating naipaglaban ang pagmamahalan natin dahil sa ayaw ng magulang mo sa'kin..kaya ayokong maramdaman ng mga anak natin ang paghihirap natin ng mga panahong pinaglayo tayo eddie" iyak na sabi ni ally
"Naiintindihan ko Ally..sorry sa nagawa ko..nabigla ako ally hindi ko alam ang gagawin ko" paliwanag ni eddie na napaluha na rin..niyakap ni ally si eddie..

"Kung hindi natin naipaglaban ang pagmamahalan natin noon eddie sana naman mabigyan natin ng pagkakataon ang mga anak natin.. Mahal na mahal nila ang isa't isa.. Napamahal narin sa'kin si Isabel eddie para narin siyang anak sa'kin kaya hindi ko hahayaang masaktan sila dahil sa ayaw mo sa relasyon nila" paliwanag ni Ally

"Pero ally alam mong parehas silang babae" pagdadalawang isip na sabi ni eddie..

"Alam ko naman eddie eh..hindi mahalaga kung parehas silang babae ang mahalaga masaya sila at mahal nila  ang isa't isa" paliwanag pa rin ni ally para makumbinse si eddie
"Mali ally..anong sasabihin ng tao" sagot ni eddie
"Eddie naman anong mali sa pagmamahal? Mali ba noong minahal kita eddie dahil sa mayaman ka? Alam mo kung anong mali dun? Ang hindi natin naipaglaban ang isa't isa dahil sa mata ng magulang mo mali ako para sayo pero naisip mo bang mali ang mahalin ako noon?" Umiling iling si eddie
"Yun naman pala tsaka ba't mo iisipin ang sasabihin ng tao buhay ito ng mga anak natin alam na nila ang ginagawa nila eddie basta ang mahalaga tanggap natin sila" ngumiti si eddie at tumango tango..

"Tama ka ally.. Mahal ko ang anak ko hindi ko kayang saktan siya.." Sabi ni eddie..
"Salamat ally" dugtong niya at agad nagyakapan ang dalawa..

Thank you for reading..
Ito yung pinakamahabang chapter hope u enjoy :-)

Love has no gender (GIRLxGIRL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon