'Impossible Girl'

10 0 0
                                    

Ano nga ba ang sagot sa katanungang bakit di ako mahal ng mahal ko? Well, walang sagot dyan siguro meron lang tayong mga pagkukulang na di naman natin alam kung pano pupunan, mga pagkukulang o mga maling bagay na nagawa natin sa simula't simula bago tayo pumasok sa isang relasyon, simulan natin sa magkaibigan, san ba nauugat ang lahat? It all started in a friendship lang naman na naging relationship, sa pagoffer lang ng sarili mo bilang friend sa girl ay pinapasok mona ang isang relasyon, and from that mahirap magkamali, maling magpadalos dalos, maling madaliin lahat, isang mali mo lang na masaktan ang damdamin ng isa't isa, TAPOS ANG LAHAT.. Pero di yon mangyayari, read the ways somehow kung ano nga ba talaga ang dapat gawin kung gusto mo yung girl at gustong gusto mo siya maging girlfriend. ⬇⬇⬇⬇

STEP 1. Pag gusto mo yung isang babae, diba di mo siya tatantanan titigan? Kahit na minsan napagkakamalan ka nang manyak, pero yung totoo kaya ka lang naman nakatingin sa kanya kase may something, may kakaiba, kase may feelings ka lang sa kanya, yun lang naman yun eh, kaya tip dito Bro! 'Don't stop looking to the girl you want' kunwari classmate mo tapos type mo? Titigan mo lang, wait until mapansin ka niya, at that time pag nakita ka niyang nakatingin ka sa kanya mapapaisip siya kung bakit ka nakatingin, unang papasok sa isip nyan siguro type mo siya, Bro! ang swerte mo agad pag naisip niya yon kaya grab mo lang yung pagkakataon, magpahuli ka lang na nakatingin ka sa kanya.

STEP 2. Ayaw ng mga babae yung mga mayayabang, napakalaking bagay nyan para maturn off sila, kaya wag masyadong payabang gumalaw, maging simple lang tsaka natural, kase yung tunay na gwapo para sa mga babae hindi yung nakalutang, mas matimbang sa kanila yung pagiging mapagkumbaba tsaka magalang. Pag nasa paligid mo yung girl na gusto mo, act natural, wag ka maging wild, tsaka dapat iprove mo sa kanya na kakaiba ka sa ibang lalaki in that simple way, sa manners Bro.

STEP 3. 'Don't be in a hurry' Bro yung mga fuckboy palagi yan nagmamadali para makarami sila ng biktima, pag maganda pakilig tapos papasagutin agad, di yon tunay na lalaki Bro, kase yung tunay na lalaki takot makasakit ng damdamin ng babae takot silang makarami ng girlfriend, takot silang manloko, kase yung tunay na lalaki isa lang yung tunay na minamahal. Kaya Bro kung may type ka na babae don't act like bastos, kilalanin mo muna and mag observe muna kung talagang tunay yang nararamdaman mo na walang halong panloloko.

STEP 4. 'Be her unforgetable friend' Simulan mo sa pag introduce ng sarili mo sa kanya ng maayos, yung formal pero may dating, sa lahat ng pagsasamahan niyo promise kung kayo man hanggang dulo yan yung una niyang maaalala, kung paano kayo nagpakilala sa isa't isa.

STEP 5. 'Don't let her to be busy from everything' once you're both friends na, wag mona siyang tigilan, always convey with her na, talk to her like hindi na siya nagkakainteres sa ibang bagay, yung talagang ikaw nalang yung gusto niyang kinakausap, yung tipong hinahanap hanap niya na yung conversations niyo. Pero dapat know mo parin yung limitations mo, wag mo muna siyang haharangin sa mga importanteng bagay na ginagawa niya, REMEMBER YOU'RE A FRIEND OF HER PALANG.

STEP 6. 'Take him everywhere' take mona yung chance na friends kayo, pag alam mona medyo attach na siya sayo tsaka nagawa mo ng maayos yung mga previous Steps, grab mona yung chance, yung chance na akala niya hanggang kaibigan lang talaga kayo, kase at that time surely unti unti na siyang nahuhulog sayo, paka ingatan mo yon. Dalhin mo siya kung saan saan na alam mong makakapag usap kayo ng kung ano ano na walang ingay yung peaceful Bro. As much as possible na kaya mo, pumunta kayo, dalhin mo siya sa mga magagandang lugar, mga landmarks, parks, or some places talaga na di matao, palagi mong tatandaan na bukod sa hilig ng mga babae yung paglalakwatsa, everytime din na napupuntahan nila yung mga lugar na yon, nagiging sentimental sa kanila yon in some reasons.

STEP 7. Eto talaga yung pinaka tatandaan mo Bro, wag mo mamadaliin yung bawat pagkakataon, dalhin mo siya sa mabagal na mundo, hindi totoo yung pagkasama mo mahal mo humihinto yung oras, yung totoo nyan di yon humihinto, bumabagal yon, pagalin mo yung bawat pagkakataon na magkasama kayo para mas matandaan niya at maalala niya yung everytime na magkasama kayo, Paano? Pag kasama mo siya wag ka magsheshare ng mga walang kwentang topic, lalo na yung mga usapan na masasaktan siya: Topic about ex boyfriends/girlfriends, Issues about past, Medyo Green jokes, yung pinagmamalaki mo yung meron ka sa kanya which is puro kayabangan, tsaka iba pa.

STEP 8. At this point kung talagang napapamahal na kayo sa isa't isa malamang aamin na din dapat siya ng nararamdaman niya, na nahulog na din siya sayo. 'Friendship is not existing anymore, a true relationship shall begin' sa pagkakataon na to dapat di kana patumpik tumpik, kase napamahal na sayo yan, sa mga pinagsamahan niyo.

STEP 9. Nasa point na yung girl na nacoconfuse, Bro sa pagkakataong to napapaisip na siya kung pwedeng maging kayo, kaya wag mo siyang ihecitate, take her time to decide, kase kung wala talagang conflict for sure magiging kayo nyan. :)

STEP 10. Then finally! Dalawa lang naman yung kalalabasan ng lahat Bro, either na Friendzone ka niya or nagconfess din siya sayo na mahal ka din niya at ayaw ka niyang mawala. :) Sa point na yon panibagong chapter nanaman ng story yung mga mangyayari..
Basta Bro, sa lahat ng nakabasa neto, sa mga boys lagi nating tatandaan, yung mga babae larawan yan sila ng iba't ibang emotion, na we must always understand, madali silang masaktan, kahit sinasabi nilang malakas din sila, nasasaktan din yan katulad naten. Hindi sila abnormal, hindi sila mga paranoid, at higit sa lahat hindi sila manloloko kung minamahal din natin sila ng tunay. :) Madali silang masaktan Bro, kaya mas kailangan nila yung malalim na pag unawa naten, maging lalaki tayo, wag tayo mag ipon or pagsabay sabayin laruin sila. Kapag pinasok natin yung isang relasyon, 'we should always endure the pain at i-lessen yung sakit na nararamdaman nila in some other case' kung nag aaway man kayo ng girlfriend mo, akuin mo yung kasalanan kahit hindi ikaw, wag mo siya hayaang masaktan sa nararamdaman niya pag alam mong ikaw yung nakasakit, icomfort mo siya ng sobra instead, at wag na wag mong ibabalik sa kanya yung sisi sa pinag awayan niyo, maging mapagkumbaba, babaan yung pride kase yun lang naman yung pinaka sikreto sa lahat, the very next time na may pag aawayan kayo, madali nalang maaayos.. :)

Lahat nang shinare kong tips and ways di ko manlang nagawa sa babaeng pinakamamahal ko, di ko nagawang iadvice yung sarili ko, di ko siya naipaglaban, kaya ngayon wala na siya, nawala yung minsan kong minahal.

Kaya kayo dyan hanggat nakakausap at nakakasama niyo pa mga taong mahal niyo, pahalagahan niyo yung isa't isa, kung walang kwenta naman yung pinag aawayan bat pa pinapatagal, kung wala namang dahilan bat pa pinagtataluhan, at kung wala namang sisisihin bat nagmamatigas, intindihin lang ang isa't isa, at syempre makuntento kung anong meron sila... :)

- Ivan Cenon

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

10 ways to get your Impossible GirlWhere stories live. Discover now