/2/

996 46 18
                                    

Chapter two


[KINABUKASAN]


Hating gabi na nang maitakas ako ng mga maids namin dito sa East Empire, sinamahan ako ni yaya Melda hanggang sa lugar kung saan malapit ang Memphis.


"kailangan mo baguhin ang itsura mo, hindi ka pwedeng pumasok doon ng ganyan, dinala ko ang mga gamit ng kapatid mo.." binigay niya saken yung malaking bag na bitbit niya kanina


Mga damit at mga gamit pala yun ng kakambal ko, mas naunang pinanganak si kuya Elliezer kesa sa akin, minuto lang ang pagitan naming dalawa


Sinamahan ako ni yaya Melda hanggang sa pagpapagupit ng buhok, magkamukha kami ng kakambal ko kaya ipinagaya namin yung buhok niya, mas payat nga lang ako kesa kay kuya


Nang matapos na



"naaalala ko tuloy ang kakambal mo, kahit sobrang kulit at pasaway niya..." sabi ni yaya " hanapin mo ang kapatid ko doon, nakababata kong kapatid ang naroon, sya ang tinutukoy kong kakilala ko, matutulungan ka niya.."



"anong pangalan niya?"



"pabago bago sya ng pangalan, pero nasabi ko na sa kanya lahat ng tungkol sayo.."



"hindi ba delekado kung sasabihin sa kanya na nagpapanggap ako bilang lalake?"



"mapagkakatiwalaan mo sya.."


Nagkahiwalay kami ni yaya nang nasa harap na ako ng Memphis High, mag isa ko na lang, nanginginig ang mga tuhod ko, kinakabahan ako, parang gusto ko nang bumalik pero hindi pwede, mas mapanganib sa East Empire


Pero itong lugar nga bang to, ligtas ba ako dito?


Kailangan kong itago ang seal ng East Empire


Kailangan kong lumayo sa lugar na yun.


Kailangan ko ring matutong protektahan ang sarili ko, at ang mga taong mahalaga sa akin.


Kailangan kong bumalik ng buhay.



[Memphis High]

Pumasok ako sa loob, nakahawak ako sa bag ko, may sumalubong sa akin na lalake, nakapolo at naka eyeglass "mage enroll?" tanong niya sa akin


"oo.."



Gangster MajestyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon