/5/

838 30 13
                                    

Chapter five


ELLIE'S POV'S


Hindi na muna ako dumiretso sa kwarto ko, baka kung ano lang gawin nanaman sa akin ni Jin, mabuking pa ako.



Lumabas ako, naglakad lakad hanggang sa makarating ako sa mga classrooms, pakalat kalat din ang mga estudyante dito, hindi maiwasan na may nag aaway dito.



"TABI!TABI!"



"TUMABI KAYO!"



Lumingon kaagad ako sa likuran, may mga kalalakihan ang nagbubuhat sa isang duguang lalake, napaatras na lang ako dahil nagmamadali silang pumunta sa clinic.



Balak ko pa naman sanang puntahan yung doctor dun kaso mukang busy na sya dahil may dadalhin sa kanyang pasyente.



Patuloy parin ako sa paglalakad, nakarating na ako sa malawak na field ng school na to.



Bukas pa ang umpisa ng klase ko, siguro, dito sa malawak na field na to, dito kami magsasanay, may written and oral class kami at may training class din sa paghawak ng sandata, maliban sa baril.



Sana sa isang taon ko dito, marami akong matutunan.



At makabalik sana ako ng buhay sa East Empire, dahil pagbalik ko, sisiguraduhin kong mamamatay ang sakim na si Aren, hindi ko gagalangin ang taong yun at ituturing na kamag anak.



Naglakad ulit ako, papunta sa kung saan ako dalhin ng paa ko, hwag lang muna sa dorm.



Pero habang naglalakad ako, may napansin akong isang lalake na nagtatago sa malalaking damo at may hawak na baril, nakatutok sa isang estudyanteng nakasandal sa malaking puno



Bawal ang paggamit ng baril, nakalagay yun sa rules and regulation ng eskwelahan, ganun din sa apat na imperyo, pinagbabawal ang paggamit nun ng mga taong mas mababa sa Reyna, Hari, Prinsesa at Prinsipe.



Siguradong kapag nalaman nilang may gumagamit ng baril dito, papatayin nila ang lalakeng to.



Tinignan ko kung sino ang target niya, mukang nagreready na sya na iputok ang baril sa target niya, napansin ko na natutulog yung target niya sa malaking puno habang nakasandal.

Gangster MajestyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon