/4/

794 38 11
                                    

Chapter four


ELLIE'S POV'S


Ilang minuto na rin akong nakaupo dito, akala ko babalik pa sila Albie pero mukang hindi na, muka ring nagtatago sya sa mga lalakeng naghahanap sa kanya kanina.


Kinuha ko yung susi ng room ko



Makapunta na nga lang sa kwarto ko.



Naglakad na ako palayo sa stadium at papunta na ako ngayon sa dorm ng school, building 1 room number 8 ako, medyo malayo, ang bigat pa ng dala kong bag.



May gate bago makarating sa dorm, pagpasok ko ng gate ang lalaking building ng dorms ang bumungad sa akin, sa harapan may mga lounge kung saan maraming tao ngayon.



Dumaan lang ako na parang hangin.



May nakalagay namang building number kaya hindi ako nahirapan maghanap ng building kung saan ako pupunta.



Madali ko rin lang nahanap yung room number 8, nasa first floor lang din.



*tok* *tok* *tok*



Tatlong beses akong kumatok, inopen ko kase yung doorknob nakalock eh, teka nga lang may susi nga pala ako! Engot lang Ellie =___=



Kinuha ko yung susi at binuksan kaagad yung pinto ng room ko, dahan dahan akong sumilip sa loob, maluwang sa loob, black and white ang design ng kwarto.



Pumasok ako.



May nakita akong lalake, nakaupo habang nakapatong ang mga paa sa study table, nagbabasa ng libro, hindi ko kaagad nakita ang mukha niya, kahit nakaharap sya sa may pinto.



Lumapit ako sa lalakeng nagbabasa, parang walang pakealam, kahit may pumasok nang ibang tao



Sya siguro ang roommate ko.



"hello, ako nga pala si Elliezer, Ellie ang tawag sa akin.." Ellie talaga ang palayaw ko, kahit medyo magkatunog ang pangalan namin ng kakambal ko, Elliezer naman ang palaging tinatawag sa kanya para hindi magkalituhan.



Pero minsan kapag trip nila kaming asarin, pareho nila kaming tinatawag na Ellie.

Gangster MajestyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon