CHAPTER 26

41.1K 631 15
                                    


Angeline POV

Pagkainom ko ng gamot ay bumaba na rin ako agad pero hindi ko naabutan si Lance sa dining area pero mas mabuti na rin yon para hindi niya makita na namamaga yong mukha ko at namamantal ang mga kamay ko dulot ng allergy. Buti na lang nakatago yong gamot ko kundi baka mas malalapa kong hindi naagapan.

Kasalukuyan nasa sala ako at nakaupo sa isa sa mga sofa namin at nanonood ng t.v.

END OD ANGELINE POV

Lance POV

Pagkatapos kong kumain ay umakyat lang ako sa aking opisina dito sa bahay at nagkulong dahil naguguluhan pa rin ako dahil may part sa isipan ko na nagi-guilty at may part din nagsasabing okay lang yon dahil nagtaksil din naman si Angeline sa akin.

Bigla na naman bumalik sa akin alaala ang mga pictures na natanggap ko at hindi ko namamalayan na kinukuha ko ulit ang mga litratong sumira sa amin. Habang tinitignan ko iyon ay tumawag naman si mommy at pinapapunta kami ni Angeline sa family reunion sa Batangas. Tinago ko ulit ang mga litrato at lumabas ng opisina, nadatnan ko naman siyang nanonood ng t.v.

Lance: "Magbihis ka may pupuntahan tayo"
(Sabi ko at umakyat na rin sa kwarto ko para magbihis pero hindi pa ako nakakalahati hagdanan nang magsalita na naman siya)

Angeline: "Saan tayo pupunta, Lance??"

Lance: "Sa family reunion, kaya pwede ba bilisan mo ang kumilos at magbihis ka na lang at mag empake ka na rin ng extra mong damit. Mahaba ang ibyabyahe natin..."
(Hindi ko na siya hinintay at tuluyang umalis)

Saglit lang akong nagbihis at andito na ako sa may sala at hinihintay na lang si Angeline. Buti na lang at hindi siya nagtagal kung hindi makakatikim na naman siya sa akin.

On our way sa papuntang Batangas ay napaka tahimik kaya binuksan ko na lang ang radio ng kotse ko at nakinig ng kanta para malibang naman ako. Nakatulog kasi si Angeline kanina pa at medyo malapit lapit rin kami ng magising siya at hapon na rin.

Nang makarating kami ay sinalubong kami ni mommy at si Emily na magiliw na yinakap si Angeline.

Emily: "Ate I missed you po!!!"

Angeline: "Na miss ka rin ng Ate, Emily!"

After that niyaya na kami ni mommy na pumasok nasa rest house namin at sinalubong naman ako ng mga lalaki kong mga pinsan na nagiinuman at nagkwekwentuhan at niyaya ako kaya no choice ako at napaupo na lang din sa cottage kung saan sila nagiinuman.

Si Angeline naman ay nakita kung kausap ng kambal na babaeng pinsan ko kaya hindi ko na siya pinansin pa at nakisalo na lang sa inuman.

END OF LANCE POV



Author~nim POV

Noong pagkapasok pa lang nila sa rest house ay napatingin na ang mga kamag-anak nina Lance sa both mother and father side na magiliw kaming tinanggap pero noong inaya si Lance maginuman ay napalitan na ng sama ang kanilang tingin ng mga tita niya sa father side kaya mas kinabahan si Angeline that time buti na lang ay magiliw pa rin siyang niyaya ng kambal na pinsan ni Lance na sina Kristel at Cristal na magkwentuhan sa may cottage na malapit sa dagat kaya mabilis akong pumayag at sumunod sa kanila.

Magiliw na nakipagkwetuhan ang kambal kay Angeline tungkol sa mga damit dahil pareho silang mahilig din silang magdesign ng mga iba't ibang uri ng damit. Kaya mas close si Angeline sa kambal dahil sa pareho silang may hilig sa pagdesign ng damit pero yong nga lang ay mas magaling ang kambal dahil nag-aaral pa sila sa Paris, France kaya minsan nahihiyang ipakita ni Angeline ang mga design niya.

Napatigil na lang sila noong tawagin na sila ng mommy ni Lance dahil kakain na daw ng dinner.

Naging masaya naman ang salo-salo dahil ginawang tradisyon yong may nakalatag na dahon ng saging at inilagay at kinalat doon ang kanin at inilagay din ang mga ulam na karamihan ay iba't ibang uri ng seafood. Nakisalo na din sila Angeline at katabi niya ang kambal.

After that dinner ay nag-aya naman ang magpipinsan kasama rin ang kanilang mga asawa nila na mag bonfire malapit sa dagat pero nahahati sa dalawang grupo; grupo ng mga lalaki at iba rin ang mga babae habang nagkakasiyahan halos lahat na lasing pero kaya pa naman nila pati si Angeline ay uminom rin pero paunti-unti lang at mabait naman ang mga pinsan at mga asawa ng pinsan ni Lance kaya masayang nakikipagkwentuhan si Angeline.

END OF AUTHOR ~NIM POV



Angeline POV

Habang nagiinuman at nagkwekwetuhan kami ay bigla na lang naghiyawan ang mga grupo ng mga lalaki dahil nagkwenkwentuhan sila at bigla ko na lang narinig yong boses ni Lance na nagkwekwento at mas malala pa ay about sa amin iyon.

Conversation nila Lance at pinsan:

Lance: "Alam niyo ba mga pinsan, nagsisisi ako bakit ako nagpakasal sa asawa ko!!!"

Pinsan 1: "Bakit naman pinsan!??"

Lance: "Dahil manloloko siya, that bitch. I give everything pero ano ginawa niya, ha. Niloko niya lang AKO...!!!"
(Pasigaw niyang sabi)

Pinsan 2: "Pinsan, Lasing ka na!!!"
(Pag aawat sa kanya ng pinsan niyang hindi pa masyadong lasing dahil alam ng pinsang niyang naririnig ko sila dahil napapatingin siya sa amin noong nagsasalita pa si Lance)

Lance: "Hindi pa ako lasing, pinsan..."
(Sabi niya at uminom pa ulit)

END OF LANXE CONVO AND BACK TO ANGELINE POV

Habang naririnig ko iyong pinagsasabi niya ay hindi ko na pala namamalayan na lumuluha na pala ako at nakikita pa nila iyon kaya nagpasya muna akong umalis doon at naglakad-lakad muna ako sa dalampasigan pero hindi ko alam na sinundan pala ako ni kristel isa sa kambal.

Kristel: "Hindi ko na tatanungin kung okay ka lang dahil alam kung hindi ka okay.."
(sabi niya at kusa niya akong niyakap kaya napaiyak na lang ako dahil hindi ko na mapigilan)

Me: "Salamat kristel dahil nandyan ka, hindi ko na kasi kayang pigilan. Ang sakit sakit na...."
(Sabi ko na umiiyak at nakayakap sa kanya.)

Kristel: "Sshhh!, Okay lang yan, iiyak mo lang. Andito lang ako"
(Sabi niya habang pinupunasan niya ang luha ko gamit ang kamay niya at pati siya ay naiiyak na rin)

Me: "Sana man lang pinakinggan niya ang mga explanation ko, kristel biktima rin ako dito. Naset-up lang ako that time, wala akong alam"
(Sabi ko na umiiyak pa rin)

Kristel: "Siguro give time muna kay kuya Lance, Angeline. To think, ang tigas ng ulo ni kuya, you know him madaling maniwala sa mga nakikita niya kahit picture pa yan o ano."
(Sabi niya habang pinapatahan ako sa pag-iyak)

Nagstay muna kami doon sa dalampasigan ng mga kalahating oras para kumalma ako sa pag-iyak ko at nagpatuloy lang muna kaming maglakad pero napagpasyahan namin bumalik na noong medyo nakakalayo na kami sa rest house at inalukan ako ni kristel kung gusto kong sa kanila muna ako makitulog kaya pumayag na lang ako para makaiwas muna kay Lance.



NEXT CHAPTER
Don't forget to Vote and Comment...


Happy Reading!!!!

😃😃😃😃😃😃

😘😘😘😘

Grabe na iyak ako sa chapter na ito habang sinusulat ko... 😢😭😭😭😪

- DwellsOfHappiness

The Billionaire's Battered Wife (On-Going/Super Slow UD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon