#DAWPrepTime
For the past three months, I've lived normally. Photography club was going on smoothly, gladly changing my phone helped me feel okay at nakasurvive rin ako sa mga academic requirements at nakahabol na ako. Nagulat nga ako nung malaman kong Top 2 ako last quarter. This time, kakatapos lang ulit ng exams for the third quarter and the grades were out. Mamaya ipopost ang Top students sa bulletin board after class.
"Hey, Gelo said na there'll be a party at their house. Formal event daw." Sabi ni Lav saamin.
"Kaya pala siya absent." Sabi ko naman.
"Yes, hindi ko alam kung ano ang reason for the event pero it'll be big daw eh." She said.
"So? Punta tayo?" Tanong ni Mickey.
"Obviously! Invited nga tayo tapos hindi ka pupunta?" Sabi niya sabay batok kay Mickey.
"Aray ah?!" Tinabig ni Mickey yung kamay ni Lav at tsaka kumagat sa tinapay.
"Kailan yun?" I asked.
"Tomorrow night. Shopping tayo mamaya?" She excitedly asked.
"Sige, wala rin kasi akong damit para sa mga ganun. Tulungan mo ako mamili." I smiled.
"Lucas pupunta ka ha?" Mickey asked him, I can clearly see Mickey clinging unto to Lucas' arms in my peripheral vision.
"Get off me." Tapos inaalis niya yung kapit ni Mickey sa kanya.
I focused on eating dahil three months na din na hindi kami nagpapansinan ni Lucas. Kahit na lagi ko siyang kasama dahil nga sa pinsan ko at kaibigan niya ang mga kaibigan ko ay hindi ko pa rin siya pinapansin at hindi niya rin ako kinakausap. Gaya nga ng sabi niya, 'ignore him', so we are ignoring each other.
After class ay tumatakbo si Mickey papalapit sakin na may malaking ngiti.
"Ven! Congratulations!" Masayang sabi nito habang nakaabay sakin.
Isinama niya ako sa may bulletin board kung saan naraming students ang nagkakagulo. Pilit na sumiksik si Mickey para makapasok kami at laking gulat ko nang makita ko ang pinakamalaking font size sa ibabaw.
"Congrats pinsan!!!" Niyakap niya ako habang ako ay nakatulala sa board. Totoo ba ito? Pangalan ko ba talaga yan?
"Mickey, pakipisil na ang pisngi ko."
Agad niya naman itong kinurot kaya tinabig ko ang kamay niya dahil masakit. Tinignan ko ulit yung pangalan ko. I can't believe it! Top 1 ako sa buong year level!!! Akala ko ay mahihirapan akong makahabol pero hindi pala. My name was the one on the Top and I am so happy about it!
Nung makaalis kami sa crowd ay bigla kong nakita si Lia na nakasilip sa gilid at umiiyak. Bigla akong naguilty kaya sinubukan ko siyang lapitan pero tumakbo siya paalis kaya hindi ko na hinabol pa. Maybe she needs to cool down.
"Pano ba yan? Magpahanda tayo! You're on top!" Sabi ni Mickey habang dinadial ang number ni Manang sa bahay.
Ako naman ay tumawag kay Mama para ipaalam yung magandang balita. Papupuntahin ko rin sa sa bahay para magcelebrate at makita ko na ulit siya.
"Hello Ma?" I said.
"Oh, Ven. Bakit anak?"
"Ma, Top 1 po ako!" I happily said.
"Ay naku! Ganun ba? Congrats anak! Very good! Continue what you are doin ah? Para naman matuwa din si Papa at Kuya mo! We're proud of you."
"Yes po. Thank you so much Ma. Punta po kayo sa bahay mamaya, we'll have a little dinner. Si Mickey kasi eh nagpaluto kay Manang. Celebration daw." Natatawang sabi ko habang tinitignan si Mickey na busy sa pag-eexplain kay Manang kunga anong gusto niyang ipaluto. Psh akala mo siya yung nakatop eh.
BINABASA MO ANG
DARK and WILD || {k.taehyung} ✔
Teen FictionBTS FANFIC SERIES # 1 [UNDERGOING REVISIONS]