#DAWFamily
Pagkatapos ng part-time job ko sa KTH Cafe, ay agad na akong nag-ayos ng gamit para makauwi na. Mahirap na kasing sumakay kapag ganitong oras eh, kaya mas pinipili kong maglakad. Malapit lang naman ang bahay ko kapag sa kabilang street dumaan. Wala kasing sasakyan na kasya doon kaya lakad lang talaga.
Nakasuot ang earphones ko habang naglalakad sa ako sa maliit at makitid na eskinita. Walang mga tao masyado rito dahil likod bahay na.
Pero habang naglalakad ako eh biglang namatay yung street light kaya natakot ako at nagmamadaling naglakad. Bigla ring tumahol yung aso, natakot ako kaya napatakbo ako.
"AAAH!" Sigaw ko dahil may biglang nag-appear sa harapan ko. Natumba rin ako kaya nagkalat yung gamit ko.
Tinignan ko siya ng masama. Nakakainis! Natatakot na nga ako dahil sa pagkamatay nung street light at sa asong tumatahol, tapos biglang bubungad si Kuya habang tumatakbo ako?!
"Sorry." Sabi niya tapos tinanggal niya yung hoodie niya.
Tinulungan niya akong pulutin yung gamit ko. Nung matapos na, I had to make sure na walang maiiwan. So I turned my phone light on. Nung masigurado ko nang wala na akong naiwan, accidentally kong naitapat sa kanya yung flashlight kaya napansin kong may pasa siya sa mukha. He looked like he just came from a fist fight.
"Are you okay?" Tanong ko sa kanya
"Yeah." Sagot niya habang ibinabalik yung hoodie niya. "I better go, and I'm sorry again."
Agad siyang tumakbo paalis kaya ako rin ay dumiretso na sa bahay. I have to sleep early dahil may klase nanaman bukas. Since college na ako at maganda ang nabigay na sched sakin I took the chance na magpart time sa KTH Cafe. Every after class ako nandoon kaya ginagabi ako ng uwi.
"Hi Ma." Bati ko kay Mama pagpasok ko pa lang ng pinto.
"Oh Ven, Halika na at kumain na tayo."
Habang kumakain ay nanibago ako dahil tahimik si Mama. And she was eating slowly. Alam kong may problema kapag ganito ang atmosphere. And I can't stand it, I have to know what bothers her.
"Ma? May problema po ba?"
A long silence before she sighed deeply. Para bang pinag-isipan niya pa kung sasabihin niya ba or hindi. Pero hindi rin tumagal ang katahimikan.
"Nahanap na nila tayo." She said with disappointment in her voice
"Sino?"
"Pamilya ng Papa mo."
Natahimik ako. I remember how we were chased out of the house by my Dad's stepmom. Nung maaksidente si Papa at si Kuya Vincent, pumunta ng States si Lolo and I was just 9 years old back then. Naiwan kami ni Mama sa bahay ng pamilya ni Papa kasama si Michael, pinsan ko. Pero hindi nagtagal at nagmigrate sila sa England.
BINABASA MO ANG
DARK and WILD || {k.taehyung} ✔
Fiksi RemajaBTS FANFIC SERIES # 1 [UNDERGOING REVISIONS]