WHEN I FIRST SAW HER.

55 3 3
                                    

WHEN I FIRST SAW HER.

-Stan's POV-

First day yun ng School, Padaan sya noon nang una ko syang makita. Napansin  kong may kakaiba sakanya yung mukha nya natatakpan ng buhok nya at iniiwasan sya ng mga estudyante, Umupo sya sa pinaka likod ng Room, Kaklase ko sya.

"Pre Sino yun?" -Ako

"Sino?" -Drew (kaibigan ko)

"Yun o! Yung babaeng nasa likod. "

"Ah si Isabelle, Pre wag kang lalapit dyan. Alam mo ba yung kwento nya?!"

"Hinde, Ano ba?"

"Hay mahina ka talaga, Makinig ka ha, Alam mo yang si Isabelle nung last year daw yung mama nya namatay, alam mo ba kung sinong pumatay? Yung tatay nya at ang malala pa don Muntikan nya nang na Rape si Isabelle buti nalang may dumating para tumulong sakanya. sobrang Trauma ang dinadanas nya, Masayahin daw dati yan pero mula nung mangyari yung insidente nag iba na sya. Parang medyo nabaliw, Takot sa mga tao."

"Eh bat sya iniiwasan?"

"Pano di iiwasan pre, May lalaking humawak lang daw ng buhok nya sinaksak daw nya yung kamay ng lalaki ng ballpen."

"E yung tatay nya? Asaan?"

"Nakakulong daw nakasuhan ng Murder, Child Abuse at Attempted Rape."

"Kawawa naman sya"

Nung aayusin na yung sitting arrangement namin babae lalaki ang magkatabi, Nanalangin ako na sana hindi ko makatabi si Isabelle.

"Isabelle Salazar..."- Teacher

Lord wag po sana ako please please please...

" and Stanley Rivera"

Ohhhh Noooo!! Ayoko pang mamatay! Halaaaa... Holy Feet!

Palapit nako sakanya. Lahat ng mga kaklase namin nakatingin. Pinagpapawisan ako kahit naka air con, Si isabelle naka yuko lang.

Umupo nako sa Tabi nya.

"Hello."- Ako

"mm."- Isabelle

Yun, Yun yung sagot nya sa hello ko "mm" galeng! Nakalitaw lang yung mga mata nyang nanlilisik nakakatakot sya.

Nang Break Time.

"Oh Pre nadama mo ba yung negative vibes? Ingat kadun malas mo!" -Drew

" Okay lang naman sya ah, Medyo nakakatakot lang makatingin."

Napatingin ako sa Kanan, Nakita ko si Cindy,Hindi ko sya kaklase, Siya yung Girlfriend ko for 6 months. Maganda sya, Mayaman, Mabait saken, Pero madalas masama ang ugali, Ewan kung bakit pinagtitiisan ko sya, Umupo sya sa tabi ko.

"Hi babe" - Cindy

"Hello!" -Ako

" Kumain kana?"

"Ah Oorder palang"

Napatingin ang lahat ng parating na si Isabelle.

" She made her self popular even though she's a whore"

" Cindy! Stop that, She's not a whore"

" So you know her?"

" Yeah she is my seatmate and she is definitely not a whore okay"

"Oh gosh! She's your freakin' seatmate? Mag ingat ka babe."

Nang pabili na si Isabelle ng pagkain nag alisan ang mga estudyante, Nang nakuha na nya yung pagkain nya may naglagay ng tali sa dadaanan nya kaya sya nadapa, Natapon lahat ng pagkain nya, Kawawa talaga walang tumulong sakanyang tumayo, Sinubukan kong lumapit pero pinigilan ako ni Cindy.

CAUGHT ON CAM (I saw her dying) Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon