CEMETERY LOVE
Isabelle's POV
Nasaktan ako nang malaman kong pina Drop out ako ni lola kase baka di ko na makita si Stan, Nagustuhan ko narin kase sya e. Sya lang yung tumanggap saken sa kabila ng pinag daanan ko. Bukas pala sabado dadalaw ako kay mama. Sana makita ko ulit si Stan don, Ang hirap ng ganito, Bat ba kase sila galit saken? Dahil dun sa lakaking sinaksak ko ng ballpen sa kamay? Kung alam lang nila.. Hindi naman ako masamang tao.
Kinabukasan.
Sa sementeryo.
Stan's POV
Sabado ngayon, Ako na yung pinag babantay nila ng Sementeryong pinag tatrabauhan ni Tito dahil nag kasakit sya.
Napatingin ako sa CCTV na nakatutok sa puntod ng mama ni Isabelle.
Nakit kong paparating sya, Naka blue na Dress, ano kayang meron sa Blue Dress? At bakit lagi syang nandito sa sementeryo? Nakadama ako ng konting kilig nang makita kong suot nya yung Clip na bigay ko sakanya. Pinuntahan ko sya.
"Hello Isabelle! Okay kanaba?"
"Oo, Okay na."
"Alam mo, kung napaaga lang ako ng konte isasangga ko yung sarili ko para sayo. Sorry kung mabagal akong tumakbo"
"Bat ba ang bait mo saken? Laro ba to'?"
"Gusto kita, Hindi kita pinaglalaruan, Hindi ako katulad nila"
" Totoo ba yan? Gusto moko?"
"Oo, Wag kang matatakot saken ha? teka napansin ko lang no offense ha? bakit Lagi kang naka blue dress? "
"Baket? kase sabi ni mama bagay daw sakin yung blue dress, Gusto ko pag dumadalaw ako sakanya nakikita nyang maganda ako. haha. Ahmm. Bat ba kase sila natatakot saken? Wala naman akong ginagawang masama"
"Yung...Yung kaseng nasaksak mo ng ballpen sa kamay.."
"Sabi ko na ngaba yun e, Sayo ko lang sasabihin to' Kase may tiwala ako sayo."
Sobrang saya ko kase may tiwala na sya saken.
" Salamat sa pag titiwala"
Nakkikita kong naluluha na sya.
" Yung kasing lalaking nasaksak ko sa.. Sa kamay... Hindi lang naman yung buhok ko yung hinawakan nya... Pati yung.."
Naawa ako sa kanya.. Tuluyan nang bumuhos ang luha nya. Gusto kong malaman ang totoong kwento nya.
"Pwede bang malaman yung totoong kwento mo? Pangako, Hindi kita huhusgahan."
"Dahil alam ko mabuting tao ka sasabihin ko ma sayo, Si Papa lagi nya kaming binubugbog tapos si mama pinupwersa nyang mag... Nakakaawa si mama, Pati yung kapatid ko Binubugbog nya kame lagi, Tapos Isang gabi umuwi si papa, Pero wala si mama noon, Tapos nakita nya ko ang sama ng tingin nya sakin tapos lumapit sya, Hinawakan nya yung buhok ko tapos, Hinuhubaran nya na ko lumaban ako, Tapos nung nainis sya kinuha nya yung kutsilyong malaki tapos nang sasaksakin na nya ako sinangga ni mama yung sarili nya, Diretso sa puso nya, Kinuha ko yung kutsilyo tsaka ko sinaksak sa paa si papa para mahuli sya ng pulis para pagbayaran nya yung ginawa nya kay mama. Tapos dumating yung mga pulis. Pasensya kana ha?! Ang pangit ng kwento ko,yun mula non natakot nako sa mga tao, ayoko nang lumalapit sakanila lalo na sa mga lalaki, Pero nung dumating ka kahit papano nakakalimutan ko yung mga pinagdadaanan ko. Salamat."
Sa pag ku kwento ni Isabelle, Walang tigil sa pagtulo ang luha nya, Ako din naiyak na, Niyakap ko sya, Nararamdaman kong may tiwala na talaga sya sakin.
Every week end nagkikita kami sa puntod nang mama nya 10 weeks din siguro kaming nagkikita, Sobrang nagkakamabutihan na kami, Mahal ko na sya. Isang Araw Nakita ko si Cindy napadaan sa Sementeryo, Nakita nyang i hahatid ko si Isabelle, Napakasama ng tingin nya, Hindi ko nalang sya pinansin.
Sa eskwela kausap ko si Drew.
"Pre, Drew, Nakipag break nako kay Cindy matagal na 3 months ago pa."
"Pre! Bat di mo sinabe saken? Kaibigan kita kaya ko sasabihin sayo to"
"Ano?"
"Pre, Alam mo ba nung minsan matagal na, Tinanong nya saken kung sino daw yung gusto mo, Sinabe ko si Isabelle, Sorry pre baliw si Cindy gigilitan nya ko pinag bantaan nya ako, Pre Baliw na baliw sya sayo"
"Nagawa nya yon sayo? Bat panga ba ako nag taka, Hinulugan nya nga ng Vase sa Ulo si Isabelle nakakatakot sya"
"Stan, Matakot ka sa kuya nya, Iba sila masasama silang tao."
"Pre, Basta wag lang nilang sasaktan sa Isabelle."
"Oh eto Stan, Wag mong aalisin sa Bulsa mo yan, Panigurado lang , Ingat ka lagi pre ha?"
Inabutan nya ako ng Pocket Knife.
"Salamat, Tunay ka kaibigan talaga kita"
Cindy's POV
Its been 3 months, I've been waiting for 3 months for his apology at babalikan nya ako pero hindi! Dahil yun sa babaing yon! Pinag palit nya ako sa isang whore!
"Oh Cindy why are you crying?" -Carlo (Kuya ni Cindy)
"Kuya pinagpalit ako ni Stan sa isang whore, Si Isabelle, hindi ko na kaya kuya, Ang sakit sakit"
"Hayaan mo, Paghihiganti kita sa Stan na yun"
"Kuya mahal na mahal ko sya."
Author's POV
Kinuha ni Cindy yung Kutsilyo, Umiiyak sya at Tumatawa, Iba na sya, Hindi na sya kumakain, Kinuha nya yung patalim at unti unti nyang nilas las ang pulso nya kumalat ang dugo sa kama nya.
Nang bumalik ang kuya nya nakita nyang patay na ang kapatid nya. Galit na galit Siya, Maghihiganti sya para sa kapatid nya.
-------------------------------
Anong gagawin ni Carlo? Kung magiging harsh at brutal yung next chapter pasensya napo:) Sana po magustuhan nyo:) Thanks po:) Votes and Comments po:)
-------------------------------
BINABASA MO ANG
CAUGHT ON CAM (I saw her dying) Short Story
Misterio / SuspensoIts a bit short, creepy love story And its Tragedy. Try it:)