When it all started in Korea (4)

151 6 0
                                    

When it all started in Korea

A story written by: westprincess1793©

MARCH 2014

__________________________________________________________

EPILOGUE : Part 1

Sabi ko noon, gusto kong pumunta ng korea dahil sa isang koreanobela na napanuod ko noong teenager pa ako. Yung Princess Hours? Si Janelle na simple lang ang buong pagkatao pati pamumuhay ay makakatagpo ang kaniyang prinsipep—totoong prinsipe—sa hindi inaasahang pagkakataon.

Ninais ko ang ganoong love story dahil parang sa fairytale lang? Cinderella... Snow White... Belle... Ariel... Lahat sila, ordinaryong babae lang. Pero nakabingwit sila ng kani-kanilang prinsipe. Mga totoong prinsipe.

Sa panahon ngayon, ang term na 'prinsipe' ay ginagamit lang ng mga babae kapag ang dinedescribe nilang lalaki ay mabait, intelihente, gentleman, mayaman at gwapo.

Pero hindi ko sukat akalain na ang definition pala ng 'prinsipe' para sa akin ay... Mabait, gentleman, mayaman, gwapo—at prinsipe pala talaga sa tunay na buhay.

"We're almost there." Bulong sa akin ni Philip habang magkadaupang-palad kami na nakasakay sa limousine niyang sobrang haba. Sosyal. First time ko makasakay sa ganitong sasakyan. Well, hindi na nakakapagtaka yun. Prinsipe ata tong boyfriend ko. ( ^__~ )

Papunta kami ngayon sa mansyon ng pamilya niya. Ipapakilala na daw niya ako sa magulang niya, ayiiieeeh, kilig mats... Kahit kinakabahan.

After nung scene sa hospital (thanks to his security team, na control ang crowd) ay pinayagan ako ng hospital director namin, (thanks to Philip) na mag day off para makausap ko privately ang Prinsipe.

Yung kasamahan ko naman na tulala simula ng iwan ko siya ay laking tuwa ng malaman niya na ako daw pala ang prinsesa na tinutukoy ni Philip. Laking inggit niya din at the same time dahil parang mala- fairytale daw talaga ang storya ko.

Naging trending naman ang picture ko sa twitter pati na din sa facebook ko. Ang daming notifications, messages at friend request ang bumungad sa akin ng buksan ko ang FB ko. Sorry to say, wala akong twitter account—I mean, it's a good thing right? At least hindi ako malula sa kakabasa ng mga sari-saring messages mula sa mga kakilala ko at sa mga hindi.

Simula din ng araw na yun, may naging fan na ako. Nagkaroon nga ako ng fan page na "The New Cinderella". Pero at the same time, nagkaroon ako ng mga haters na walang ginawa kundi i-bash ako with mean words like: kinulam, inakit or whatever cruel words they can throw at me. Hindi na lang ako nagpaapekto dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako ganun at walang katotohanan ang pinagsasabi nila.

Tapos, since balita ito worldwide, nalaman ng magulang ko at mga kapatid ko ang tungkol sa amin ni Philip.

"Baby! Hindi mo man lang sa akin sinabi na may boyfriend ka!!!" Naiiyak na sabi ni Mama habang kausap ko siya sa skype.

"Ma, manliligaw pa lang po." Sagot ko naman. Siyempre kailangan muna magpakipot ng kaunti. Tska, babae lang din naman ako, gusto ko makaranas ng may manliligaw.

"Eh, saan pa ba papatungo yun, Baby?"

"Ma, please, don't call me baby, i'm already grown up!" Natatawang sagot ko naman, ignoring her question.

"Bunso kita, kaya baby kita, wala kang magagawa. Tsaka, bakit mo iniiba ang usapan. Don't tell me, wala kang planong sagutin yang manliligaw mo eh nasa kaniya na ang lahat?"

When it all started in KoreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon