Chapter 1

14 1 2
                                    

Lecheng yan. Malalate na naman ako sa first subject ko.


Lakad-takbo na ang ginawa ko. Hindi na rin ako nakapagsuklay sa sobrang pagmamadali.


Nasa gate na ako ng nakita ko sa malayo na nagkakagulo sila sa building.


Ano na naman kaya ang meron? Rambulan? May namatay? Tsk. Nakakasawa ang mga nangyayari dito sa school na ito. Bakit kase hindi ako makaalis alis dito.


Hindi ko na lang pinansin ung mga tao dun at umakyat na ako. Pagkadating ko sa classroom wala pa ang prof namin. Salamat naman dahil nakahinga na ako. Pano ba naman ang prof namin ay parang kakain ng buhay kapag nalate ka. Akala mo naman kinapogi nya yun.


Umupo na rin ako sa first row malapit sa bintana. Fresh air dito eh. Mas nakakapagrelax ako kapag ganito.


Maya-maya may tumatakbong bruhilda na babae papunta sakin.


"Hanannita! Jusko may balita ako sayo! Magugulat ka!!" sigaw ng bestfriend kong parang laging nakalunok ng megaphone. Sakit sa tenga para namang napakalayo ko.


"Ano na naman ang balita mo? Hulaan ko. Nakipagbreak na naman sayo ang boyfriend mong parang hindi naliligo? Oh kaya naman nagdrudrugs ung bf mo? Ano??" sunod-sunod na sabi ko kay Fionna.


Sumimangot na muna sya bago sumagot.


" Grabe ka naman hannah. Napakaharsh mo talaga sa mga nagiging bf ko. Hindi naman un eh" nakanguso nyang sabi


"Eh ano ngaaa??" inip na sabi ko. Daming chuva. Pwede naman sabihin ng deretso.


"WAAHHHHH! Hanannitaaa! Dito daw magaaral ang XTleight!!! AHHH!" Sigaw na naman nyaa. Sa susunod nga magbabaon ako ng tinapay para incase na nagsisigaw itong bruhilda na ito ipapakain ko na lang agad sakanya ung tinapay.


"Sino na naman yang mga yan? Ni hindi ko nga alam kung sino yan kung makasigaw ka wagas! Tsk!"


"Hanannita bes! Hello? Nandito ka ba sa earth? Tanging ikaw lang ang hindi nakakakilala sakanila. Iba ka talga!" Pinagsasabi na naman nento?


"Tsk! Tigil-tigilan mo nga ako Fionna. Libro ba yang mga yan para makilala ko sila?" Inis na sabi ko


"Hmp!! Ewan ko sayo!" Pagkasabi nya nun ay saktong nagbell na rin.


Humarap na ako sa blackboard at dumating na rin demonyo.


"GOODMORNING CLASS!"

Lost MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon