Chapter 3: Brothers

15 1 0
                                    

Nakahabol ako kanina sa klase namin. At ngayon ay uwian na yeheyyy! Party! Party! At ngayon ay kasama ko si Fiona papuntang Parking Lot.

"San ka nanggaling kanina?" Sabi ni Fiona. Actually kahit na ganyan si Fiona na maingay na parang pinanganak na may megaphone sa lalamunan BestFriend ko yan no! Di lang halata. Shh kayo ah.

"Dyan lang sa tabitabi tapos may nakilala pa akong gwapo na takas sa mental. Sayang nga ung lalaki na un. Tsktsk" sabi ko habang umiiling-iling.

"Talaga huwapo?? Dapat pinakilala mo sakin"

"Engot ka talaga! Takas nga mental un! Kahit na gwapo un nakakatakot pa rin no!"

"Hmp. Ewan ko sayo. Sige na bukas na lang tayo kwentuhan! Babush!" Humalik na muna sya sa pisngi ko bago umalis.

Hay. Magisa na naman ako. Wala namn talaga akong kotse sadyang sumasabay lang ako kay Fiona papuntang parking lot.

Habang naglalakad ako may bumubusina sa likod ko. Sino na naman kaya to? Imposible naman na si Fiona kase sa kabilang daan un eh. Tsk. Bahala nga yan. Malay mo hindi ako. Sadyang assuming lang talaga si ako.

Pero maya-maya humarang na sa daan ko ung sasakyan at ilinuwa nun si Angelo na takas sa mental.

"Mag-isa ka lang? Gusto mo sumabay ka na sakin?" Tanong nya

"Bakit? May nakikita ka pa ba na hindi ko nakikita? Sabihin mo lang kung meron at tatakbo na ako agad-agad" sabi ko sakanya. Aba jusko ayoko nga makakita ng multo.

"Hahaha wala. Tara sabay ka na sakin"

"Sorry pero ayoko nga sumakay sayo. Takas ka pa naman sa mental. Takot ko na lang no." Adik talaga ata to eh.

"Sige na. Tsaka hindi nga ako takas sa mental. Tara na" binuksan na rin nya ung pintuan kaya naman pumasok na rin ako.

"Hmp. Sige na nga." Sadyang nagiinarte lang ako kanina haha.

"Naku, Hannah. Sasakay ka rin pala." Dami nentong sinasabi di na lang magdrive nagugutom na ako.

"So saan ung bahay nyo?"

"Dyan lang sa kanto. Dun sa may village sa dulo"

Hindi rin kami naguusap dahil sadyang malapit lang talaga ang bahay namin at hindi ko malaman kung bakit kailangan nya pa akong ihatid.

Sa wakas nandito na kami!

Patakbo na sana ako sa loob ng hinila ni Angelo ang braso ko.

"Hindi naman halatang excited kang pumasok ah? Wala man lang ba akong Thank you?" Sabi nya na para bang nagtatampo. Takteng yan di bagay sakanya haha. With pout pa yan hah.

"Mukha kang timang haha! Di yan bagay sayo haha! Sige na, Thank you! Nagugutom na kase talga ako kaya papasok na ako sa loob. Bayerss! Tenchu berimach!" Sabi ko habang papasok sa loob dahil ang tyan ko ay nagwawala na.

Pagdating ko sa loob nasa kusina kumakain na sila pero wala pa si Kuya Bro.

"HELLO PHILIPPINES!" sigaw ko sa kusina.

"Wag ka ng sumigaw dyan lil sis. Kumain ka na. Nagwawala na yang mga alaga mo" sabi ng aking kuya Tristan na parang pinaglihi sa yelo. Buti na lang chill chill lang ako. Bwahahaha! Umupo na ako at kumain baka magalit pa yan eh.

Ako lang ang babae sa aming magkakapatid at wag kayo! Apat kami lahat. Kaya tatlong lalaki at isang dyosa oh diba. San pa kayo. Oha! Oha!

(Pagpasensyahan nyo na sadyang adik lang si author)

So, I was saying is you know men. Joke lang. Si Kuya Tristan ang panganay na nasabi ko na sainyo na pinaglihi un sa yelo. Si Kuya Nathan/bro naman ay ang kasunod at kabaligtaran sya ni Kuya Tristan. Sa kanilang lahat sya ang nakakasundo ko. Bwahhaha! At ang last ay ang aming bunso, Si Christian baby. Isa pa yang masungit. 14 na din sya. Ako ang pangatlo sa kanila. Only Girl mennn!

At kung tinatanong nyo ang parents ko ay wala na! At hindi ko alam kung bakit sila namatay. Basta ang alam ko kasama ako ng mga magulang ko noong namatay sila. Hindi na rin sinasabi ng mga kapatid ko ang tungkol dun dahil nagiging Highblood sila kahit si Kuya Nathan. Someday, malalaman ko rin un.

Tapos na akong kumain kaya dumeretso ako sa kwarto at naghilamos. Hind nmn ganun kalaki ang kwarto ko, tama lang. Blue ang color nya. Tapos may mga painting na nakasabit. Meron din akong mini library dito sa kwarto at un talga ang hobby ko. Tapos na akong magbihis kaya bumaba na ako sa salas.

Nakita ko sa baba si Christian na nanonood ng cartoon na naman. Tsk. Araw araw na lang cartoon.

Tumabi ako sakanya at inagaw ang remote at linipat sa MTV. Yun oh paborito ko ung kanta.

Kaso pagtingin ko sa gilid ko umuusok ang ilong ng kapatid ko. Jusko. Paktay tayoooo.

Nang biglang dumating si Kuya Nathan. Tumakbo ako sakanya agad at nagtago sa likod. Mahirap na baka makipagrambulan pa yan. Hindi pa naman ako nakakapagexcercise.

"Kuyaa brooo! Buti dumating ka na! Hehe. San na ung donut ko??" Sabi ko habang hinihila si kuya Bro sa kusina. Hinagis ko na rin sa upuan ung remote. Kawawa naman kase si Christian baka umiiyak pa haha.

"Wala man lang ba akong fist bump dyan bago ko ibigay ung donut mo?" Sabi nya sakin. Kaya ayun nagfistbump kami. At kiniss ko na rin sya sa cheeks. Ganyan kami kapag nagkikita kami.

"Haha ito na ung paborito mo." Sabi nya sabay bigay ng aking dowwwnat!

"Thank you Kuya Bro! Sige aakyat na ako hah. Magpahinga ka na din labyu! Goodnight!" Sabi ko sabay takbo hehe. Paniguradong magtatanong lang un sa school at baka hindi ko pa maenjoy tong pagkain ko sa aking donut.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lost MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon