*Krriinngggg*
Wag ka. Bell yan.
Yuhoooo! Lunch na! Patakbo na sana ako papunta sa canteen kaso... Potek! May humila sakin!
"Magtatampo na talaga ako sayo Hanannita! Kanina hindi mo pinatapos ung sinasabi ko" bakit kasalanan ko bang nagbell? Psh. "Tapos ngaun tatakbuhan mo ko? Grabe ka talga" pagpapatuloy nya sa drama nya. Dami talga nentong alam. Pwedeng pwede na ipatapon sa mars. Tsk.
"Kung hindi mo ko titigilan sa kakadrama mo baka ikaw na ang makain ko. Gusto mo?" Sabi ko sakanya.
"Hehe. Sabi ko nga eh dun na tayo sa lunch magkwentuhan at baka totoohanin mo pa yang sinasabi mo hehe. Taraaa?"
Hindi na ako sumagot at naglakad na. Kapag ganitong gutom ako walang makakapigil sakin. Psh.
"Kyahhhhhh!!! Nandyan na silaa!"
"O TO THE M TO THE GGGG!!!"
"SYETTT MAHUHULOG NA ATA UNG PANTY KOO! MAYGASHHH!"
"OMAYGULAYYYY!!"
TAENANG mga tao na to. Kung makasigaw parang si Fionna potek eh. Sakit sa tenga grabeee! Jusko makaalis na nga dito sa hallway. Lecheng yan. May nalalaman pang mga gulay gulay na yan. Nukayayun? Psh. Baduy.
YES SA WAKAS! Nakarating na rin ako sa canteen! Yipeee! At ngaun ay hindi ko alam kung nasan na si Fiona na sabi kanina ay sasamahan daw ako dito. Siguro sya ung lider kanina dun sa mga nagsisigawan. Psh. Papalibre pa naman ako sana. Sayanggg.
Pumila na ako sa counter. Pagkatapos naghanap na ako ng mauupuan ko at ayun! Meron dun sa pinakagilid. Buti tahimik dun banda.
Kumakain lang ako dito sa gilid ng may sumigaw na naman. Yung totoo? Araw ba ng sigawan ngayun? Mamaya nga makapagheadset ng wala na akong naririnig na kung anoano.
"Bessyy Hanannitaa! Nandito na silaa! Omayghaddd! Papakamatay na akooo!" Sino pa ba yan? Walang iba kundi si FIONA THE MEGAPHONE! YUHOOO! Palakpakannn!
"Sino na naman ba? Kita mong kumakain ako sigaw ka na naman ng sigaw. Tsaka umupo ka nga nakakairita ka."
"Engot ka talaga ung sinasabi ko sayo kanina!"
"Sorry nakalimutan ko na un eh. Ano nga ulit ung sinasabi mo kanina?" Totoo naman na nakalimutan ko na ung sinasabi nya kanina eh. Basta wala akong pakialam sa mga sinasabi mo makakalimutan ko talaga un
"Naku! Mamaya na nga. Nakakagutom din sumigaw kanina eh" oh diba. Sabi ko sainyo eh baka sya nga ung pinuno kanina dun. Galing ko talaga manghula.
Tapos na akong kumain pero itong kasama ko hindi pa. Pano ba naman ang oa kumain. May nalalaman pang kutsakutsara sus. Nagkakamay nga lang ako. Atleast un enjoy.
Nagcr na muna ako saglit para hindi na ako lalabas mamaya sa room. Nagsuot na rin ako ng headset tapos plinay ko ung pang rock n roll. Habang papunta dun humeheadbang pa ako haha.
"Yeahhhh! Wooohhh!" With headbang pa yan haha. Mukha na akong baliw dito.
"HAHAHA! MUKHA KANG TIMANG! HAHAHA!" tinanggal ko muna ung headset ko bago ko sagutin tong lalaki.
"Huh?? May sinasabi ka?" tanong ko sakanya
"Ang epic ng mukha mo kanina! Hahaha! Dabest eh!"
Problema daw nento? May sakit ata to eh. Malala na ata.
"Gusto mo samahan kita sa mental. May tita ako dun na nagtratrabaho. Kawawa ka naman kase. Mukha ka pa namang takas sa mental tapos may itsura ka pa. Sayang ka talaga. Tara samahan na kita" alok ko saknya
"HAHAHAHAHA!"
Luh syaaa. Tumatawa na naman tapos nakahawak pa sya sa tyan nya, masakit siguro ung tyan nya tapos dinadaan nya lang sa pagtawa. Sya na nga ung tutulungan kanina eh. Daming arte eh. Bahala nga sya dyan. Umalis na ako sa harapan nya
"Wait! Miss!" Tapos hinawakan nya ung braso ko. Ayoko sa lahat may humahawak sakin na stranger eh kaya ayun nasapak ko.
"Aray naman miss. Babae ka ba talga? ansakit mo manuntok!"
"Tsk. Eh ikaw kase! Bat mo ko hinawakan? Yan tuloy. Nasuntok ka ng wala sa oras."
Hinihimashimas nya muna ung mukha nya bago sumagot. Ganun ba talaga ako kasakit manuntok? Di naman ah.
"Angelo nga pala miss" tapos nakikipagshake hands sakin. Close ba kami nento? Tsk.
"Di ko tinatanong pangalan mo."
"Hahaha. Nakikipagkilala lang miss"
"Ah okay. Kilala na kita. Nasabi mo na nga pangalan mo eh. May kailangan ka pa ba?" Tanong ko sakanya
"Miss ung pangalan mo? Tsaka kanina pa ako nangangalay dito oh."
Oo nga pala noh hehe.
"Hannah nga pala. Nice to meet you. Pero wait! Hindi talaga nice na nakilala kita sinabi ko lang un kase diba sinasabi un kapag makikipagkilala? Diba??" tanong ko sakanya. Tsaka hindi na ata ako makakapagcr. Malapit na magbell eh kainis kasi tong lalaki na ito. Hmp.
"Nakakatuwa ka talaga"
"Bakit mukha ba akong clown? Tsaka sige na babush na malalate na ako. Hindi na rin ako nakacr ng dahil sayo! See you when I see you but I wish not hahhaa!" Tumakbo na rin ako at mapapatay na ako ng prof ko.