Entry #13

48 2 0
                                    

“Wuhehe, nakakabangon naman yun eh,”ngumiti ito ng pagkatamis tamis… at sumigaw.

“Kuyaaaaaaaaaa!!!”

Biglang may bumaba galing sa stairs ng mansion ng mga ito na nasa likod ng sala.

Sabay kaming napatingin kay Radley na kasama ang doctor.

Nakabalot ito ng jacket at pulang pula ang mukha na puro pantal pa.

Hingang malalim..

Lumampas ang dalwa sa amin at hinatid ni Radley ang doctor sa pinto.

Nakangiti pa din ng kakaiba ang bessy ko habang pabalik si Radley sa kwarto nito.

Nanunuod lang naman ako sa paglalakad ni Radley.

Ang yabang pa din maglakad kahit pa ika ika na e.

Tumigil si Radley sa harap naming na sisinghot singhot.

“Kuya, uminom ka na ng gamot?” nakangiting tanong ni bessy.

Quiet lang ako kasi nahihiya pa din ako sa kagagahan ko.

Tumitig lang ako sa mukha ni Radley na super red.

“Yup” sagot nit okay bessy.

“Gusto mo ng nurse?” tanong ni bessy.

Well mukhang kelangan nga nito ng mag aalaga ngayon.

“Im fine” iiling iling na sagot nito bago tumingin sakin.

Tumingin na lang ako sa sofa.

“Sayang naman kung ganun.”

Napatingin kami pareho kay bessy na umupo sa  sofa at ngusong-nguso.

“Why ?”-- radley

MY GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon