Entry #14

40 2 0
                                    

Patay..

*Ding dong*

Patay ang ilaw saamin.

Walang nagbubukas ng gate.

Inabot ko ang bukasan ng gate at nakapa ko na bukas nga, so dirediretso lang ako.

Bahala na lang masermunan ni kuya.

Siya naman kasi ang nagsimula ehh.

Pag lingon ko sa may kitchen may note na naka ipit sa kurtina.

Siraulo talaga si kuya eh, pede namang sa ref na lang idikit.

~ Manunuod lang ako ng liga sa kabilang kanto. May pagkain sa ref, wag mo muna isasara ang gate, sasakalin pa kita emiko.

*Gulp*

“Buti na lang wala na si kuya.. Since kumain na ako kina bessy at busog na ako… hmm..” tumingin ako sa ref.

Tinola ang ulam.

May favorite!

“Kaya pa to ng mga alaga ko!”

Kumain ulit ako at saka umakyat na sa kwarto.

MY GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon