Entry #21

53 3 0
                                    

“Bessy, alam mo bang kanina tumakbo din kami ng kuya mo? Baka hikain naman ako mamaya nito.”

^___^

Tumigil kami sa pagtakbo at humarap siya sa akin.

Medyo hinihingal naman na naitukod ko ang kamay ko sa tuhod ko pero itinayo ako ni bhes ng maayos.

“What !? So the whole time na wala ka, siya ang kasama mo??”

Kung super kislap ang mata ni Radley dahil sa happines , kalevel lang nun ang kislap ng mata ni Sophie due to excitement.

Tumango na lang ako ng mapangiti siya.

“Ayyieee ! Papangatawanan ka na ni kuya !!!”

“Heh ! As if may nangyari samin!”

“Meron naman talaga eh, look at this.”

Napatingin ako sa malaking dyaryong hawak niya.

O____O

Andun ako at si Radley..

Apat na pictures yun sa sm.

MY GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon