Prologue

1.7K 55 0
                                    

"Kyle! Bring back my ice cream!"

Aish Lagi nalang ako inaasar ni Kyle! Wala na ba syang ibang gustong gawin kundi bwisitin ako?!

"I don't want to! Bleh!"

Hinabol ko sya hanggang makarating kami sa forest.

"Bring that back to me or else isusumbong kita kay mommy!"

Hindi parin sya tumitigil sa pag takbo kaya sunod parin ako ng sunod sa kanya.

"Look at your'e face Yuri! You look like a tomatoe!"

Dahil kanina pa kami tumatakbo at tirik pa ang araw heto ako ngayon at pawis na pawis.

Tumigil lang si Kyle sa pag takbo nang madapa sya.

"Ouch!"

"Huh! That's what you get for taking my ice cream! Oh no! My ice cream! Waaaahhh"

Ang ice cream ko natapon na!

"Oooops! Sorry Yuri"

"No I hate you Kyle!"

Tumalikod na ako sa kanya pero may narinig akong kaluskos sa may halaman.

"Kyle? What was that?"

"What's what?"

Tinuro ko kung saan yung halaman.

"I think there is something from that plant"

"Stay at my back Yuri"

I just nod to him.

Nung lumapit na si Kyle biglang may lumabas na bata sa may halaman I think mas matanda lang sya sakin ng one year or two? I don't know I'm just eight year old and he looked like ten.

"Who are you?"

Tanong ko sa kanya pero nakatitig lang sya saamin ng masama.

"I think ako dapat ang nagtatanong sa inyo nyan. Who are you two? Anong ginagawa nyo dito? Nasa boundaries na kayo ng pack namin"

Oh my gosh! Patay kami ni Kyle hindi namin namalayan na nasa ibang boundaries na kami.

"Yuri let's go!"

Hinawakan ni Kyle ang kamay ko at mag uumpisa na dapat kaming tumakbo ng humarang sya saamin.

"You know na kapag tumapak kayo sa boundaries ng ibang pack ay pwede kayong mamatay right?"

"I- We are so sorry! Hindi namin namalayan na nasa ibang boundary na pala kami"

Sagot ni Kyle sa batang lalaki.

Tiningnan lang nya kami with a blank expression.

"S-sorry please aalis na kami"

Sabi ko kanya. I can't help to feel a goosebump nang lumipat sakin ang tingin nya. Those pair of grey eyes are so beautiful. Napansin ko rin may maliit na scar sa kilay nya.

"LAXUS?! WHERE ARE YOU?!"

nagulat ako dahil sa sigaw na narinig namin.

"I'M OVER HERE!"

Sagot naman nya sa sumigaw.

"I'll let you pass this time. But if this will happen again, hindi ko na kayo tutulungan. Now go bago pa mapunta dito ang pack warriors namin"

I sighed in relief for what he said.

"T-thank you"

I gave him one last glance bago kami tumakbo ni Kyle.

And finally nakarating na rin kami sa pack house.

"This is all your fault Kyle!"

"Hey why me? Ikaw kaya ang nanghabol saakin kaya napunta tayo doon!"

"Kung hindi mo kasi kinuha yung ice cream ko edi sana hindi kita hahabulin! Lagot tayo kila mo-"

"Oh nandyan lang pala kayo Yuri at Kyle! Kanina pa namin kayo hinanahap saan ba kayo nag punta?"

Tiningnan kami ni mommy ng may halong pag-aalala.

"Tita na-"

Before Kyle could tell on my mom what happened sumingit na ako.

"Nag habulan lang po kami ni Kyle dyan sa may gubat mommy so don't worry"

Nginitian ko si mommy at binigyan ko naman si Kyle ng 'say to her what actually happened and your dead' look.

Na gets naman nya agad at tinanguan din si mommy.

"O-opo tita nag h-habulan lang po kami ni ano ah Yuri kaya po ano na ano po kami natagalan"

What the hell? Halata talaga kahit kailan to si Kyle!
Pasimple kong tinapakan ang paa ni Kyle

"Oookaay? Tara na kids kakain na tayo ng hapunan"

Phew!

Tinitigan naman ako ni Kyle ng masama.

'Stupid!' I mouthed to him.

Sumunod nalang kami kay mommy at nag punta na sa dining area.

Nang matapos kami kumain hinatid kami nila dad sa may kwarto ko.

"Wala ang parents ni Kyle ngayon so dito muna sya matutulog sa kwarto mo Yuri"

"Ok mom"

Before makaalis sila mom tinawag ko ulit sila.

"Mom! Can you tell us a bed time story please?"

"Si daddy mo nalang Yuri may gagawin pa kasi ako"

"Ok kids humiga na kayo and I will tell you a bed time story"

Pinahiga na kami ni dad sa kama at kinumutan.

"So what story do you want me ti tell?"

"Yung story po na hindi ko pa nababasa dad"

"Oo nga po tito, why don't you tell us a story about the massacre that happened in the Red Moonlight Pack?"

Napansin ko namang natigilan si dad sa sinabi ni Kyle.

"Hey where did you hear about that Kyle?"

"Sa mga classmate ko lang po tito and I'm just curious"

"Oo nga po daddy tell us what happened to that pack please"

"I'm not sure kung dapat ko bang sabihin ito, lagot ako sa mommy nyo kapag nalaman nyang sinabi ko ito sa inyo"

"Sige na po daddy please? Please? Pretty please?"

He heaved a sigh of defeat.

"Ok ok, so the red moonlight pack is the strongest pack as of now. Sila ang nangunguna sa Lycan world kaya marami silang kalaban. There's this one pack na gustong makuha ang top position sa Lycan world so the the alpha of both pack decided to have a war between them. Pero hindi alam ng red moonlight pack na may isa pa silang kalaban. But I don't even know who. Isang gabi sinugod sila at maraming namatay. Isa na doon ang Alpha at Luna nila. Pero nabuhay ang dalawa nilang anak"

"That's a tragic story dad. Kawawa naman po yung anak nilang naiwan"

Sabi ko kay dad.

"Thats it kids matulog na kayo"

"Ok po tito"

"Good night dad I love you"

"I love you too sweetheart"

Lumabas na ng kwarto si dad.

Nakakalungkot talaga ang nangyari sa red moonlight pack.

Bago ako nakatulog, naalala ko nanaman yung lalaking nakita namin ni Kyle kanina.

I think he's a good person.

That pair of grey eyes. It's indeed beautiful.



End of prologue

Angel WolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon